G R A C I E
Hinampas ko yung braso niya matapos naming makalayo sa bahay nila Sandro enough to startle him.
"What was that for!!!" reklamo niya habang ang mata ay naka-focus parin sa daan.
"anong what was that for! Bakit mo iniwan yung dalawa don!!!" sita ko sakaniya. Loko loko eh.
"Para walang eksena! Besides, you can't bring them in the office. Baka isipin din nilang anak mo sil---" hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at pinasalubungan ulit siya ng isang malakas na hampas.
"Aray! Namimihasa ka na ha!!"
"Ikaw lang ang sira-ulong mag-iisip na anak ko sila!" singhal ko sakaniya saka ko siya inirapan. Ngumisi pa ang baliw.
Nakakainis eh!
"Sigurado ka bang kaya ni Sandrong mag-isang alagaan yung mga yun? Makukulit yung mga yun!"
He smiled.
"hindi naman siya mag-isa eh, nandun naman si Czarina"
"WHAT!!!???" Medyo ayaw magprocess sa utak ko ng sinabi ng katabi ko.
"hindi mo ba nakita?"
"Hindi! Wala akong napansin! Ano namang ginagawa ni Czarina don!?"
"what could be the reason for two people to be inside a house together??" nakakalokong sagot niya.
"Baliw ka talaga!!!"
Tumawa lang siya.
Pero seryoso nga, anong ginagawa ni Czarina don!?
Matanong nga!
Nilabas ko ang cellphone ko para sana tawagan si Czarina nang bigla niya itong agawin at in-end ang tawag.
"Why did you do that!!"
"bakit mo siya tinatawagan??"
"gusto ko lang kumustahin yung dalawang bata" palusot ko.
"makikichismis ka lang eh, wag na! Istorbo ka eh!" sabi niya saka binato ang cellphone ko sa backseat.
Tatayo sana ako para abutin ako nang bigla niyang hinarang ang napakalaking braso niya sa harap ko na para bang isang human seatbelt kaya hindi ako makagalaw.
He looked at me intently.
Oo na po. Hindi na! '3' curious lang naman ako eh!
