10. The Journey

6.1K 146 6
                                    


"Ano ba Romualdez apakan mo naman yung gas!" Reklamo ni Ramon na tila ba'y kanina pa nababagot sa sobrang bagal ng takbo ng sinasakyan nila.

"Tangina aapakan mo ba yung gas o ikaw ang aapakan ko!!!"


"pwede ba nagcoconcentrate ako wag kang magulo!" tugon ni Grace na halos yakapin na ang manibela sa sobrang lapit niya roon. Butil butil narin ang pawis sa tumutulo sa magkabilang gilid ng kanyang mukha.


"marunong ka ba talaga magdrive!!!"

"marunong ako basta magrelax ka lang jan at wag kang sumigaw kasi nagugulat ako!!"

"Tangina uumagahin tayo dito kung ganyan lang takbo mo!" patuloy na reklamo ni Ramon na kanina pa kating kating sipain palabas ang driver niya. Hindi siya sanay sa ganoong kabagal ng takbo.

"o edi sana ikaw na nagdrive!"


"tangina kung may lisensya lang ako kanina ko pa sana ginawa!"

"Nasan ba yung lisensya mo? Don't tell me nagda-drive ka without license?"

"Close ba tayo! Did I give you permission to ask me anything!?"

"Edi wag!"

Pilit niyang pinapakalma ang sarili.

"TANGINA APAKAN MO YUNG GAS---- ARAY!!!" Sigaw nito nang di sinasadyang mauntog ang mukha nito sa dashboard matapos mamatayan ng makina ang sasakyan.

"ANO BA!!!!" iritang sigaw ni Ramon habang hawak hawak ang ilong nitong solid na nauntog sa dashboard.

"Ikaw kasi! Bat ka ba sumisigaw!!! Ninenerbyos ako sayo eh!! Atsaka magseatbelt ka nga!"

"AYUSIN MO KASI!!!"


"Manahimik ka kasi!!!"

"Tangina naman!"

"Bakit ka ba mura ng mura!!!"


This time, nagsisigawan na silang dalawa sa loob ng sasakyan. Wala ni isa sakanila ang may balak magpatalo sa diskusyong ito.

"ANO BANG PINIPINDOT MO!!!" reklamo nito nang mapansin ang biglang paggalaw ng wiper.


"teka, anong nangyare!"


"MARUNONG KA BA TALAGA O HINDI!!!"


"TATAHIMIK KA O PAPALIPARIN KO TO SA SKYWAY!!!!!!" This time, natameme si Ramon.


'Fine, tatahimik nako' nasabi nito sa sarili saka ibinaling ang atensyon sa magagandang tanawin na nasa labas.


Inaamin nitong bahagya siyang nasindak nang sigawan siya ng dalagang nasa tabi niya. Sa tono kasi ng pananalita nito, isama mo pa ang seryosong mukha nito, may posibilidad na totohanin nito ang banta.


Simula noon, tahimik nalang niyang sinusubaybayan ang pagdadrive ng dalaga. Hindi naman siya mabagal, hindi lang talaga siya sanay na hindi mabilis ang takbo niya.


Kaya nga siya madalas na nahuhuli ng over-speeding at kaninang umaga lang ay tuluyan nang kinuha ang lisensya niya.

Malakas ang koneksyon ng pamilya niya at kayang kaya niya itong gawan ng paraan kung gugustuhin niya ngunit minabuti niyang wag nalang gamitin ang koneksyon ng pamilya niya. Tutal maibabalik rin naman ito sakaniya after a month.







G R A C E


Maya't maya ang pag-agaw niya ng kabig sa manibela. Well, ito talaga ang weakness ko, hindi talaga ako marunong tumingin sa side mirror, or should I say, nawawala talaga sa isip kong icheck ang side mirror. Ito ang rason kung bakit ayaw akong paghawakin ng manibela ng kapatid ko. I can't help it. Feeling ko kasi akin lang ang road. Sorry naman!


The CEO's SonWhere stories live. Discover now