A N D R E A
[ hoy nasan ka?? ]
[ sorry bumalik ako ng Manila, may interview ako ngayon eh ]
[ hindi mo manlang ako sinabihan para sana nahatid kita! San ka sumakay ]
[ it's a long story Andeng I'll talk to you later, naglalakad kasi ako eh ]
[ pero tek---] hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko, binabaan na niya ako.
"Anong sabi?" nandito sa harapan ko ngayon si kuya Mads, kanina pa siya nag-aalala nong sinabi kong wala si Gracey sa kwarto niya.
"Nasa Manila raw siya. May job interview daw siya ngayon"
"San siya sumakay?"
"Long story daw eh, basta she's fine. Wag ka nang mag-alala kuya Mads." nakita ko namang bahagyang kumalma si kuya Adam. True love nga naman oh!
"...maiba ako, kumusta? Nasabi mo ba sakaniya?"
He sighed. "Hindi nga eh, natotorpe ako Ands"
"ano ka ba naman kuya! Kapag nagpatumpik tumpik ka pa baka maunahan ka ng iba! Napansin mo ba? Ang close na ni Havi at Grace kagabi! Samantalagang ikaw natotorpe parin!" nilapitan ko siya. I pat his shoulder "...kaya mo yan! Be man enough to confess. orayt?"
Tumango lang siya.
Kuya Adam is one of the most ideal man I have ever seen. Irregardless of our relationship, from an unbiased point-of-view, wala ka na talagang mahihiling pa kay Kuya Adam.
Mabait, Loyal, matalino, Gwapo, mahilig lang sa pagkain pero sexy parin naman! Kung may isang taong gusto kong makatuluyan niya, mas gugustuhin kong si Grace na yon,. I've know her long enough. Alam kong she's perfect for my kuya.
***
G R A C E
*inhale... exhale...*
*inhaaaaaaale... exhale...*
*inhaaaaaaale... ex--*
"AY PALAKA!!!"
"poging palaka ko naman!" seryosong sabi nya. Laking gulat ko nang bumulaga sa harapan ko si Monster este Ramon. Nasa loob ako ngayon ng elevator at paakyat na sana nang bumukas muli ang pintuan at makita ko ang pagmumukha niya.
Nagflashback sa utak ko yung nangyari kanina noong iwanan niya ako sa Highway! Muntik nakong huliin ng police patrol! Nalimutan kong bawal nga palang maglakad sa highway! Mabuti nalang may mabuting loob na taxi na tumigil at pinasakay ako!