"Hindi ka ba marunong magbasa ng salitang ladies room?" Inis ko na sabi doon sa lalaki at talagang itinuro ko pa ang pangalang ladies room para mas kitang-kita niya na pambabae yung pinasukan niyang restroom.Pero wala akong nahitang kahit anong pagkakareact sa itsura niya, damn! Ano ba siya estatwa? Ni hindi man lang ako tinignan!
"Hoy mister, kinakausap kita?" Nagpameywang ako doon sa harap niya, wala akong pakialam kahit may nakakakita na sa amin.
Anak ng! Ano to? Robot walang feelings? Hindi man lang ba naiirita sa kaingayan ko? Gosh. Anong klaseng tao ito?
"Mister, ipaparewind ko ang cctv dito sa restroom ng mapahiya ka." Sabi ko na lang habang nang gigigil sa inis. Nakakainis talaga, di man lang ako pinansin o tinignan man lang?
Ganoon na ba ako paunattractive kaya wala man lang siyang binibigay sa aking attention?
Napasabunot na lang ako sa buhok ko ng di pa din nawawala sa isip ko na siya ang sumilip sa restroom ng babae habang nag aayos ako.
"Manong. Manong!" Ayos, sakto!
"Yes, ma'am?" Sabi naman ni manong guard.
"Manong, saan dito yung cctv footage niyo. May ipaparewind sana ako dahil yung lalaking iyon manong eh binosohan ako sa ladies room!" Pagturo ko sa lalaking nananatiling nakatayo sa pagitan ng ladies room at men's room.
"Sure po ba kayo, ma'am?" Nauutal pa at mukhang di maniwala yung mukha ni manong? Hay nako, pati ba naman ikaw manong?
Nakakainis.
"Oo manong sure na sure ako!" Diin ko doon sa sure ng maniwala siya. Ano bang mga taong ito, isang manhid na akala mo yelong nakatayo lang doon tapos itong si manong shock na shock na nalamang namboso yung lalaking iyon.
"Itatanong ko muna po ma'am para sure din po tayo. " aba at--- bakit mo ko iniwan manong?!
Papunta na si manong doon sa lalaking nakatayo ng biglang napahinto ako para sundan siya ng makita kong may lumabas sa ladies room.
May babae pa pala doon?
"Tara na!" Walang kapoise poise na sabi noong babae na kakalabas lang ng restroom.
"Hoy hoy teka saan ka pupunta? Irereklamo pa kita!" Sigaw ko doon sa lalaki n ngayon ay kasabay na yung babae.
Tumingin siya sa akin. Wow, tumingin na siya akala ko kasi robot siya.
Pero hanggang tingin lang siya, hindi man lang ako iniimikan. Ano ba to? Tao ka ba?
"Miss, ki-kilala mo siya?" Nagtatakang tanong nung babae sa akin. Tas tinignan niya yung kasama niya.
"Hindi, pero irereklamo ko siya sa salang pamboboso!"
Biglang natawa yung babae sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa?
"Miss, baka naman nagkakamali ka " ano ba to? Di ba siya marunong magsalita bakit yung babae ang kumakausap sa akin imbis siya?
Saka bakit ba di sila makapaniwala na namboso iyang lalaking iyan!
"Oo, siya lang naman ang nasa labas ng cr!" Feeling ko, pahiyang pahiya ako. Walanya, pakiramdam ko ako lang yung walang alam. Bakit sino ba yan?
Nakahupa na sa kakatawa yung babae tapos tinawag si manong guard.
"Please assist her in monitoring room and please check the time and the person who was sneaked inside the ladies room. Then, give us an update who was that, okay?" Sabi noong babae sa guard habang ako?
"Kailangan kasama siya" diin ko sa lalaking hanggang ngayon nakatingin lang sa akin na akala mo walang kaluluwa. Bakit ba ang emotionless ng mukha niyan!
Nakakainis yung mukha niya. Nakakairita na di siya marunong umimik?!
Wala ba siyang dila?
"Marami kaming importanteng gagawin, miss. So we have to go, sorry." Ngumiti lang sakin yung babae. Tss, buti pa yung babae nagsasalita may emotions eh tong lalaking to kainaman walang kwenta kausap kahit sa totoo lang wala siyang dila!
Pero bago sila mag lakad noong babae uli nakita ko siyang ngumisi. Hindi bastang ngisi eh, kundi ngising parang may alam siya at bago niya iapak ang unang hakbang niya paalis, tumingin muna siya sa akin.
At nagtama ang aming mga mata, ang nakakagulat lang dahil biglang nag iba ang imahe niya.
"Lets go?" Aya nung babae doon sa lalaki kung kaya nabaling sakaniya ang atensyon nito.
Kaya dedma na naman siya. Letsugas, robot ata talaga to eh!
Lumakad na sila at naiwan kami noong guard, arrghh nakakainis. Bakit ganoon yun?!
Sinundan ko siya ng tingin at nakikita ko na ngayon ang matikas na likod niyang may suot na jacket na parang tuxedo na din na blue.
Pero ang ikinagulat ko ay ang pag lingon niya biglaan at pagtigil sa paglalakad. Tumingin siya sa akin mula sa kinatatayuan niya.
"Hey, I am Everyones Twin."
BINABASA MO ANG
Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)
Mystery / ThrillerKilala mo ba siya? Kilala mo ba kung anong nakaraan niya o kilala mo ba kung sino siya ngayon? Ako kilala ko lang siya sa pangalan, madalas ibang tao ang nagpapakilala sa kaniya. Kakaiba diba? Pero kapag nasubukan mo siyang makilala ang unang...