Song for this chapter: A THOUSAND YEARS BY: Christina Perri
Light's POV
"Layto, okay na po ba yung make up?"
"Miss UL?" hindi ko magawang umimik kasi hindi ko makita ang sarili ko na maganda ngayong araw. Paano ka ba naman gaganda kung isang oras lang ang tulog mo kakaisip kung paano ka sasaya?
Paano ka naman makakatulog kung kakaisip mo, naiiyak kana. Naiisip mo na hindi na yung taong mahal mo ang haharapin mo mamaya.
"Gusto ko yung pangburol na make up." Walang gana kong sabi sabay kuha ng pambura sa make up pero pinigilan ako ng lahat ng nandito at sinabi nilang kasal ang pupuntahan ko at hindi burol.
Wala na din akong nagawa at tumahimik nalang, kahit anong pilit kong maging masaya talagang wala akong makuha lalo na at di ko magawa.
"Para kang nagliliwanag Layto!" bungad naman sa akin ng tauhan ko . Nakadamit na silang lahat pero ako hindi pa, parang ayoko ng isuot ang gown na iyon kung hindi naman siya ang lalaking mapapakasalan ko.
"Kailangan niyo ng suutin, Layto yung damit niyo. Malapit na pong mag 4" payo nila pero ayoko pa din gumalaw.
"Ayan ang ganda ganda niyo na miss UL" bigla nalang sumulpot doon si Liandrei habang tinitignan ako simula ulo hanggang paa.
"Syempre magandang klase ng tela ang ginamit ko dyan. Look." Itinuro ng mananahi ko ang ribbon na nasa likod ng damit ko na nakaline sa bewang ko.
"See throught pa na kapit sa balat oh, see diba ang ganda ganda ng pagkakalapat" pinasadahan nila ang braso ko na makikitang manipis habang may mga designs na bulaklak. Off shoulder lang ito at kitang kita ang maputikong balikat.
May burda din ang unahan at likod nito na nadala ng see through kumukurba din ang harapan ng damit sa dibdib ko at ang pang baba ay may glitters na nakadikit habang lumiliwanag ito sa puti at sobrang haba gaya ng sinabi ng mananahi, the more na mahaba the more na hahaba ang pagsasama namin ng mapapangasawa ko. Sana nag cocktail dress nalang pala ako .
"Let's do the headress Layto para mailagay na natin ang belo. " pinaupo nila ako at ipinatong ang kumikinang na belo. Habang ipinapatong nila sa akin ang belong puti naiimagine kong may mga humuhuni na ibon habang may tumutunog na violin mula sa malapit.
Isa isa nilang nilagyan ng dyamanteng clip ang paligid ng belo na nakakapit sa nakabulaklak na buhok ko at inilagay ang maala-headband na greek leave na may pagkakapareho sa headdress ni Francisco balagtas yun nga lang, silver iyon.
"Ayan, diba ang ganda ganda mo na lalo" naghiyawan sila at kinikilig pa pero-
"Bakit hindi ka masaya?" tanong ng mananahi sa akin.
Bumaba nalang ang paningin ko at di ko kayang makita nila na tumututol ang puso ko sa kasalang ito.
"Tamang tama ang temang ito sa pakakasalan mo. Tss, sobrang gwapo!" bulungan pa nila pero wala na akong naiintindihan pa.
"Tignan mo yung hikaw niya, parehas ng headress niya. Kaya nga ganitong kwintas ang pinili ko para mas bagay." Habang sila nag uusap sa kung gaano ako kaganda, ako tinignan nalang ang labas ng bintana at sinipat ang mga naglalaglagan na dahon mula sa mga puno.
BINABASA MO ANG
Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)
Mystery / ThrillerKilala mo ba siya? Kilala mo ba kung anong nakaraan niya o kilala mo ba kung sino siya ngayon? Ako kilala ko lang siya sa pangalan, madalas ibang tao ang nagpapakilala sa kaniya. Kakaiba diba? Pero kapag nasubukan mo siyang makilala ang unang...