Chapter 20 *Criminal Case 1*

254 18 33
                                    



Nagising nalang ako na nasa kama na ako ng kwarto ko, i didn't know how i went here if di naman ako naglakad? O di naman ako masyadong  nag gagalaw kahapon.

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla na namang sumakit iyon. Tss, this past few days bigla nalang sumasakit ang ulo ko. Pero pinagtataka ko kung bakit may nakahiga sa sahig?

"Liandrei?" Nagulat pa ako ng umangkla ang paa niya sa gilid ng kama ko, tila pagod na pagod ata siya. Pero bakit naman?

"Gising kana pala" napalingon ako ng marinig ko ang boses na iyon, it was Divine. Pupungas pungas pa siya at mukhang doon siya sa mini sofa ko natulog.

"What are you doing here?" Nagtataka man ako pero napasigh nalang ako.

"Nagcollapse ka daw kagabi sabi nila kuya. Kaya dinala ka dito, dito na kami natulog kasi sabi mo magstay muna kami dito." Paliwanag niya. Magstay? May sinabi ba ako?

"Ahh okay" yun nalang nasabi ko. Feeling ko ang dami dami ko pang di alam pero may naaalala na ako sa nakaraan. Kaso kakaunti lang talaga, pero kagabi parang may naaalala akong umiiyak ako.

Hirap akong mag mulat ewan ko ba feeling ko kinagat ng ipis ang mata ko. Mukhang namamaga.

"Mag paparoom service nalang ako Light medyo pagod kaming lahat kaya di na kami makakapagprepare" kukunin na sana niya ang phone kaso pinigilan ko na siya. Nagulat ako ng Light ang itawag niya sa akin.

"I'll prepare for the breakfast" nginitian ko siya ng matamis at saka dahan dahang tumayo para gumawa ng makakain.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nag sign ako na sssh kay Divine para di siya mag ingay.

Pag open ko ng door nagulat agad ako sa nakita ko.

Napahagikhik sa tawa si Divine ng makita namin sina Rosh at Sachi na magkayapos at nag sasalita pa.

"Kampay pa!" Sabi pa ni Sachi habang kinukuskos nito ang likod ni Rosh

Natawa din ako pero walang sounds kasi baka magising sila. Napadako ang tingin ko kay Twin na nasa sofa habang nakaupo. Nakaupo?

"Ganyan matulog si Kuya Twin. " bigla nalang pumasok sa isip ko na di ba masakit sa ulo ang ganyang pag tulog?

"Bakit naman?" Takang taka talaga ako. Feeling ko ang sakit sakit ng batok ko pag ganun.

"Nakasanayan na ni kuya yan, sabi niya kapag nakaupo siya habang natutulog may iniintay daw siya" napaopen mouth naman ako, sino iniintay nito? Palagi?

"Sino inaantay niya?" Kunot kong noo na sabi.

"Ikaw!" Tapos sabay lakad papuntang kusina ko ang batang ito. Teka teka? Anong ako?

"Div---" napatutop ako sa bibig ng gumalaw si Twin sa sofa, di ko na binalak na ituloy ang sasabihin sa bata kasi baka magising ko pa sila.

Pero curious ako  bakit ganyan matulog si Iceman? Saka ako?

Naabutan ko si Divine na hawak hawak na ang sibuyas at bawang. Di ko naman alam kung anong gagawin niya, baka magsasangag?

"Magsasangag ka?" Tanong ko.

"Hindi ate" mabilis niyang sagot.

"Eh ano gagawin mo?" Taka ko.

"Inihanda ko lang ate, baka kasi may alam kang lutuin eh" tapos humagikhik ito sa tawa. Bakit naman?

"Ah okay. " nagtataka man ako pero napailing nalang ako.

Kinuha ko sa ref ang nakita kong giniling sa freezer tapos binabad ko sa tubig para lumambot habang ung kinuha ni Divine na sibuyas at bawang ay sinimulan ko ng igisa.

Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon