Light's POV
BAKIT BA KASI ANG TAGAL NI LIFT. Grabe ang awkward!
Di ako makagalaw sa kinauupuan ko after ng pagsusukat. At ang nakakainis pa tinatagalan pa ng mga nagsusukat jusko, para bang sinasadya nilang magtagal.
Tinignan ko yung katabi ko sa couch na ngayon ay nakaupo lang ng matiwasay tas---
Ano yun parang wala lang? Pagkatapos niyang mang bump parang wala lang?
Tignan mo oh! Oh! Nakadekwatro lang tas nakacross arms tas nakapikit pa! Wow, nagyoyoga?
"Why are you looking at me? " napatuwid ako ng upo ng-- teka! Nakapikit ka ha paano mong?
"I feel your eyes" okay ayan na naman siya. Mind reader master tss.
So yung mata ko dumidikit sa balat mo ganun? Lastikeyes pala to?
"Is my face so handsome that you can't resist?" Woooow, to the 99lvl lakas makaboost. Feel na feel ang kagwapuhan mo, oo pogi ka pero--- pervert ka!
"Tss" edi buko na ako, wag ko na nga tignan. Hay nasan na ba si Lift ang tagal ha!
"Im sorry" oh? Nagsosorry siya? Dapat kanina pa noh!
If i know intensive yung ginawa mo kahit sinabi pa nung mananahi na aksidente lang. Grabe.
Di ka pa din nagbabago, pervert!
"Tss" bahala ka diyan. Kairita ka. Ganun ganun nalang yun?
"Im sorry" naramdaman ko ang sobrang lamig na presensya niya sa gilid ko as in super lapit na talagang---
Kapag lumingon ka magkakadikit na ang pisngi niyo.
"Im sorry" ano ka ba? Unli? Paulit ulit--- ohh shit layo layo naman hay. Tumataas ang buhok kosa katawan eh!
"Im sorry" tss. Nanadya ka ba? Ka badtrip ka na ha. Ay posa, bakit ba ang lapit mo kinikilabutan na ako. Damang dama ko na ung kalamigan mo eh. Teka---
"Im sorry for letting you go" napatigil ako sa pag iisip ng sabihin niya iyon and bigla nalang siyang umalis sa pwesto niya at tumayo na.
Why it felt so painful na makita siyang ganyan? Bakit ba sobra akong naaapektuhan sa kaniya? Diba dapat si Lift ang dahilan bakit ako nagiging masaya? Eh bakit ngayon parang hindi na..
"Wait--" oh holy shh arggghh my god.
Basang basa lang naman ako ng tubig galing sa kung saan man. Kainis!
Arrghhh anlamig!
Paano ako magpapalit nito eh wala naman akong damit pamalit aber?! Lahat basa! Tss even my undies. Sino bang punyetang nagbasa sa akin!
"Naku miss UL, im sorry po" biglang dumating ung mananahi at may towel. Ano to scripted?
" sino ba kasing nagtatago ng tubig sa taas--" singhal ko.
"Ako po. Nagpapalagay po kasi sila ng tubig sa evaporator eh nabitawan ko po yung timba kaya po natapon po ang laman sa inyo. Sorry po mam" pagmamakaawa ng lalaking janitor.
Hay jusko, paano ako makakauwi ng basa aber?
"Hay may extra kayong damit?" Inis na inis ako. Grabe eh! Walang tirang tuyo. Kulang nalang shampoo at sabon.
"Naku miss wala po. Lahat ng damit dito gowns at niyayari pa." Ngiwi ng mananahi. Tss, kainaman. Paano ako uuwi nito?
Asan na ba kasi si Lift!
BINABASA MO ANG
Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)
Tajemnica / ThrillerKilala mo ba siya? Kilala mo ba kung anong nakaraan niya o kilala mo ba kung sino siya ngayon? Ako kilala ko lang siya sa pangalan, madalas ibang tao ang nagpapakilala sa kaniya. Kakaiba diba? Pero kapag nasubukan mo siyang makilala ang unang...