Chapter 12 *Hot headed*

290 20 34
                                    

"Dumating kana pala Rosh" tapik ko kay Rosh Wartz. Isa sa The Solvers, ang pinaka pogi sa barkada sumunod si Twin.

"Oo sinundo ako nito eh" tinuro niya kay Rodel, galing siyang Italya, for business matter. Sa mag babarkada kasi halos lahat sakanila may mga sari sariling namanang ari arian at kompanya.

Ako lang ang wala.

"Ganun ba." Napatingin ako kay Rodel na tahimik lang na nakaupo kasama ang kapatid niya na si Divine. Hindi nga sila mapag hiwalay eh tipong parang kambal tuko. Nakakainggit.

"So kamusta naman ang lahat after that---" may tumilapon na agad na sandugong tsinelas mula sa likod ko. Kaya napalingon kaming lahat.

It is Sachi.

"Gago, sino may sabi sayong dyan ka umupo?" Nakangising sabi habang papalapit sa amin. Tss kahit kelan ang mga batian nila hinding hindi pa din nag babago.

----brutal.

"Ulol, iyo ba to? May pangalan mo?" Turo ni Rosh sa upuan. Natatawa tawa naman si Divine sakanila. This little girl has been replaced sa posisyon ni Sohata, siya na ang youngest sa clan.

Di ko akalain.

"Asan na si Twin? Mukhang siya nalang ang kulang sa atin." Oo nga pala di nga pala niya alam na nakipag meeting uli si Twin kay Ailey sa labas.

Di pa daw kasi sila tapos sa interviewhan kuno.

"Si Iceman? Naku, busy yun kay ---" tinakpan ko ang bibig ng madaldal na Sachi na ito.

"Naeepilepsy ka na naman dyan, halika nga iinom ka ng gamot!" Ngiwe ngiwe kong hinatak tong tangang to.

Nang makalayo kami doon saka ko binatukan ang lalaking to.

"Aray ano ba!"

"Anong ano ba? Sira ka. Sisirain mo ang plano eh!" Askad kong sabi. Bwisit na bwisit na nga ako dahil di ako nakaganti sa pang aasar mo, ngayon naman sisirain mo pa ang plano?!

"Wala ba siyang karapatan malaman?" Kakamot kamot ka ngayon.

"Hintayin mo na si Twin ang magsalita, wag mo siyang pangunahan." Huminahon ako saglit at pinahilamos ang kamay ko sa mukha ko.

"Ano ba yan pati ba naman yan pa mysterious sya?" Inis ang umukit sa mukha niya natawa ako bigla.

Nadismaya ka lang?

"Pakyu" sabi ko nalang tas nagkatawanan kami. Lakas tama namin diba? Bestfriends nga naman.

Pagkabalik namin sa mga barkada namin nag aya ako ng konting salo salo habang hinihintay ang Iceman. Busy siya masyado sa interview nila eh, interview'ng may kasamang pag th-throwback ng past.

3rd person's POV

Nagkita sila Ailey at Twin sa labas. Medyo nagulat lang si Ailey dahil ang binata ang siyang nag aya sakaniya na sa mall nalang isagawa ang interviewhan. Kasama pa din nila si Liandrei habang mag isa naman si Twin.

"So mister Everyones, naisend ko na po ang mga dapat niyo pong sagutan tutal po ayaw niyo naman pong sagutin lahat ng mga katanungan ko. Dyan nalang po ako magbabase sa kung anong nakalagay sa papel na iaabot niyo sa akin" yun lang sinabi niya sa harap ng binata habang kumakain sila sa RaiRaiKen.

Dahil kagustuhan ng binata na doon kumain kaya hindi na nakatanggi pa si Ailey. Nagtataka naman siya kung bakit sa Japanese Restaurant pa sila kumain imbis na sa fast food nalang.
Pero pag pasok palang nila dito, nag iba na agad ang simoy ng pakiramdam niya. Tila alam na alam na naman niya kung bakit ganun ang nangyayari. Deja vu.

Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon