Nasa kulungan na ang matandang lalaki na siyang may pagkakasala sa naturang pagsabog ng dalawang shop sa mall. At ang dahilan ng pag papasabog ay ang pagkatanggal nito sa trabaho at nawalan ng asawa.
Isinisisi nito sa mall management kung bakit nawala sakaniya ang asawa nito, napag alaman pa na naospital ang nasabing lalaki at hindi pinayagan ng mall na umalis ito pagkat nasa kasagsagan ng concert ni Taylor Swift ito.
Inutusan nito ang apat na babae na magpasabog sa loob ng mall gamit ang napakadaming granada na pinakalat nito sa buong mall. Kaya pala ito may hinahalungkat sa crime scene na parang may hinahanap na di malaman ay dahil naalala nito ang nangyari sa asawa nito na nabagsakan ng mga debris at natabunan na ikinamatay nito.
At ang salarin sa pagkakabagsak ng lalaking terorista nang mag aakma itong magpasabog kasama sina Light?
Walang iba kundi si Iceman. Nasa 2nd floor ito habang naghahanap sa mga kasabwat nito ng makita niya ang tatlo: Culprit, light at Lift.
Kinuha nito sa isang pulis na snipper ang M40 at ginamit na panali ang nakalawit na wire at binaril ang matanda sa balikat upang di na ito makagalaw pa.
At doon na nga siya umentra ng hanapin na siya ni Light.
IDA***
"Akalain mo yun, pinatayo mo talaga to tol?" Palinga linga si Lift sa buong kwarto ng conference room.
"Alangan mayaman siya eh" usal ni Karen.
"Diba ideya ito ni Light before?" Naibunghal nito kaya napalingon sakaniya ang dalaga.
"Yeah, pero maybe pinush talaga ni Twin yung usapan namin" tapos ngumiti ito.
Tumango tango nalang si Lift na para bang wala talaga itong alam. At parang wala.siyang kasalanan sa lahat ng kasama.niya.
"Bakit bumalik kapa?" Inis na tanong ni Sachi.
"Chichi!" Tawag ni Light.
"Ailey!" Tinawag naman siya ni Rosh.
"Sana di ka nalang bumalik. Okay na eh umepa--" napatigil si Sachi ng tumayo si Light at galit na galit.
"Ayan na naman kayo!" Usal ni Light at tinignan isa isa sila kahit ang tahimik na si Twin ay tinignan nito.
"Tss, kung alam mo lang talaga ang buong katotohanan, Light. Baka ikaw na talaga---"
"Eh ano? Mas matimbang pa din sakin ang pagmamahal ko sakaniya! Isa pa kaya lang kayo galit sakaniya dahil masyado kayong nasaktan ng siya ang piliin ko!" Agad na tingin kay Twin.
Tahimik lang ito at nakikipagsabayan kay Aircon sa pagpapalamig.
"Light, okay lang" pumagitna na si Lift dahil lumalaki ba ang gulo.
"Kung di niyo ako kayang paniwalaan na wala akong kinalaman talaga---" mahinahon nitong usal ng bumanat na naman sila.
"Kupal! Huwag kami, kung si Light na papaniwala mo, kami.hindi! " napatayo na din si Sachi sa upuan.
"Kayang kaya ka na naming patayin ngayon sa lahat ng kahayupang ginawa mo sa amin pero di namin magawa dahil kay Light! " sinaksak nito sa mukha ni Lift ang mga salitang kanina pa pinipigilan ni Sachi ilabas.
"Pwede ba tumahimik na kayo!" At nagsitahimik naman sila. At namutawi na doon ang nakakabingi na katahimikan.
"Light pwede bang sa labas ka muna?" Pakiusap ni Lift.
"Pero---"
"Kaya ko" tapos ngumiti ito sa dalaga. Kahit napililitan ang dalaga ay umoo nalang siya at hinalikan naman siya ng lalaki sa noo.
BINABASA MO ANG
Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)
Mystery / ThrillerKilala mo ba siya? Kilala mo ba kung anong nakaraan niya o kilala mo ba kung sino siya ngayon? Ako kilala ko lang siya sa pangalan, madalas ibang tao ang nagpapakilala sa kaniya. Kakaiba diba? Pero kapag nasubukan mo siyang makilala ang unang...