Chapter 2.1 *The Atom*

516 27 54
                                    


Dedicated to: divineloveIU and 2EZ4RCD ang chapter na ito hopefully magustuhan niyo mga kapatid at magustuhan ng ating readers and hopefully readers i-support niyo din sila and as well as mine. Happy reading guys :)








"Magbehave ka doon. Huwag na huwag ka na naman uli gagawa ng katangahan. Kunin mo lahat ng pwedeng makuha na info, okay?" napapatango na lang ako sa kaniya, hay boss para kang tatay na nagpapalayas ng anak.

"Wa-wait! Sasabihan na kita hahabaan mo ang pasensiya mo sa boss ng IDA --- huwag mo na itanong basta!" habaan ang pasensiya, bakit boss abnormal po ba yung boss ng IDA at kailangan ko pongpagtyagaan?

"Teka teka, may nakalimutan pa nga pala akong sabihin sayo." Ano na naman po ba? Aalis na po ako sir.

"Pagkauwi mo sa inyo ayusin mo na mga gamit mo" biglang nanlaki yung mata ko ng makita ko yung inabot niya sa akin.

"Hotel keycard yan kung di mo alam." Tas tumawa siya. Tss, sir di naman ako bobo aware naman ho ako sa ganito.

"dyan kana titira simula bukas ikinuha na kita ng matitirhan mo, malapit sa mansion ng target mo." Yun lang naman pala sir e—ANO HO?

"Sige na layas! Gawin mong maigi ang trabaho mo, may marinig akong reklamo mula sa boss ng IDA at kapag hindi mo nagawa iyan tutunayin ko na sesantehin kana. Ge, larga na!"

"Hay jusko po" kanina pa ako dito sa tapat ng office at nag aantay ng taxi. Napapasabunot nalang ako sa naging kinahantungan kong ito, i hate exposures hindi ako makasocial, masyado akong out of place kapag may mga party, events atbp. Ni hindi nga ako naglalabas ng bahay namin, sabi nga ng mga kapitbahay namin kulto daw ako.

Pag talagang hinahabol ka ng malas ano, San Pedro pati po ba kayo may galit sa akin? Wala pa naman akong dalang payong paano na ako nito?

"Jusko taxi nasaan ka na ba?" pagpapadyak ko dun sa sidewalk, grabe na ang mga nangyayari sakin feeling ko para akong pinaglalaruan ng tadhana, ang daming bilin ni boss ano bang nangyari at bigla ako mapro-promote? Tapos kailangan ko pang gawin tong task na to para mapromote ako, jusko ang hirap nang pinagagawa niya sa akin ha!

Ayoko talaga ng masyadong naeexpose.

Bigla nalang may pumarada sa harap ko na yellow na taxi, oo yellow na taxi talaga parang kulay ni Kris, yellow. Nagulat naman ako, ano to instant? Di pa nga ako pumapara o nagtaas ng kamay para magtawag and i am sure na hindi pa ako nakakakita ng taxi, and what now?

"Miss, sa Acacia Hotel Manila po ba ang punta niyo?" ibinaba ni manong driver yung bintana niya pero paano ho niyo nalaman manong?

"Oho manong, pwede ho bang pumasok na?" kasi manong basang basa na ho ako kita naman ho sa damit kong halos makita na po kaluluwa ko, pasalamat nalang talaga ako at nakasando ako.

"Pasok na ineng, dadalhin na kita doon." Hala hala teka, baka mamaya rarape-in mo ko manong, yu-yung gaya sa mga napapalabas sa tv tapos gagahasain mo ko sa madilim na lugar. Teka manong pipicture-an muna kita.

"Miss ano bang ginagawa mo?" medyo nairita ata si manong sa flash ng phone ko, wag kanang choosy manong kailangan ko to baka mamaya san mo ko dadalhin eh, mamaya patayin mo ko at least may picture ako na ipapakita sa office pag nagkataon.

"Kinukuhanan kita manong para sure." Tapos umayos na ako ng upo doon sa tabi ni manong, hay basang basa na ako my gosh wala pa naman---

"Manong, bakit sa hotel agad! Sa bahay muna namin!" anong gagawin ko sa hotel kung wala akong damit?

Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon