Chapter 56 *Love of the century*

175 16 34
                                    

A/N: This is it! This is it na talaga! Voments and share guys enjooooyyy :))))








Silaw na silaw silang dalawa dahil sa liwanag na sumilay sa kinalulugaran nila, takip takip ang mukha nila at napapaurong pa dahil mas lalong lumalaki ang pag pasok ng liwanag ng--- tumunog ang kantang 'A Thousand Years'.

Ilang minuto ang lumipas ng makahuma na sila pareho sa nakakasilaw na liwanag at dahan dahan nilang binuksan ang mata nila at sa pagbukas nito ang unang una nilang nasilayan ay isang malapad na stems na parang ginawang bakod at sa likod nito ang kumikinang na mga baging. Bumukas ang gitnang parte ng bakod na ngayon ay isa palang pintuan. Pintuan na kung saan sinasabayan ng sinag ng papalubog na araw ang pwesto nila. Para itong malaking spotlight na talagang inaro para sa kanilang dalawa.

Pagkabukas ng pintuan ay bumungad agad sa kanila ang mahabang aisle na may gold carpet at mga nagkalat na white and pink tulips. Napansin pa nilang sa magkabilang pintuan ay may mga nakasabit, dahan dahan silang naglakad ni Twin na parang hindi na nila maintindihan ang nangyayari.

Hinawakan siya ng binata ng sobrang higpit sa kamay na para bang ayaw na niyang mawala ito sa tabi niya. Nang makalapit na sila, doon lang nila nakita ang nakasabit sa pinto.

Pangalan nilang dalawa ang nakalagay doon-- 'Layto and Iceman'. Nagkatinginan sila kung bakit pangalan nila ang nandoon, isa pang pinagtataka nila aalis sila sa lugar na iyon pero bakit dito sila napunta?

Napalingon sila sa loob ng bakod na iyon ng may humuning mga ibon at mas lumakas ang tunog ng kanta kaya ngayon lang nila napansin ang buong lugar na--- napapaligiran sila ng maraming taong na katingin sakanila at nakangiti. May mga umiiyak, may mga nag chcheer, at meron ding tuwang tuwa na makita sila.

Nilibot nila ang buong lugar ng kanilang mapanuring mata ng mapansin nilang---

"It's like---"

"It's like your wedding idea" napalingon siya sa binata at nagtagpo ang kanilang mata. Matang lumuluha na sa saya, matang nakikita niyang may pagkatuliro man pero may malaking porsyento ng sakit. Bakit iba ang pakiramdam ko?

Bakit parang isinusuko na naman niya ako?

Mukha silang nasa magical forest na madaming kumikinang na gold sa paligid, hindi alam ni Light kung paanong nangyaring parang nagrereflect ang sinag sa mga ito at nagbibigay ng magandang tanawin na aakalain ong may fairy god mother sa lugar na iyon.

At di lang iyon, may mga parang nahuhulog na dahon at bulaklak mula sa taas at mga baging na nakahilera ng diretso sa gilid-gilid na nagbibigay daan sa aisle papuntang center, ang Altar. Napapalibutan ng kulay itim at ginto ang buong lugar, ang mga upuan ng tao ay hindi bakal o plastic na pangkaraniwang nakikita sa mga reception o kasalan, isa itong kahoy na parang stems na pinagtagpi tagpi at kinurbang upuan na may nakaukit na LT.

Ang mga tao ay mga nakasuot ng pang goddess dress para sa babae na kulay gold habang ang lalaki naman ay mga nakatoxido at nakaitim. Hindi maipaliwanag ni Light ang mga nakikita, kung nananaginip ba siya na ito na iyong kasal na pinapangarap niya noon. Tinignan niya ang katabi niyang ngayon ay nagpupunas na ng luha, napangiti siya dahil ngayon na lang ito umiyak sa harap ng maraming tao naging mistulang bata ito doon.

May mga lumilipad pang mga ibon na nakita si Twin at Light sa loob ng forest at talagang di sila tinantanan ng sinag ng papalubog na araw pero napadako ang mata ni Light sa altar kung saan nahagip ng paningin niya si Lift na nakangiti sakaniya.

Bigla siyang nakaramdam ng takot, kaba, sakit. Naisip niyang maling ideya na tumuloy pa sila ni Twin sa loob dahil ngayon wala na silang takas, baka kaya---

Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon