Light's POV
Napabalikwas ako ng tayo mula sa pananaginip. Nakikipag unahan sa karera ng kabayo ang puso ko sa kabog. Para bang hinuhugot iyon at pinatatalbog talbog. Jusko, anong meron doon at bakit napaginipan ko?
Napatingin ako sa side table ko at 2:45am palang pala. Kung sabagay halata naman, dahil wala pa si haring araw.
Kahit nanginginig at nafrufrustrate ako sa mga napaginipan ko hindi pa din naman ako bumabalik sa pagiging Ailey. Siguro dahil nakuha ko nang makontrol ang sarili ko, nasabi na din sa akin ni Brinx na sarili ko lang din talaga ang makakatulong sa akin sa MID ko.
Kailangan ko daw na intindihin at lawakan ang isipan ko upang mapabilis ang pag galing ko. Kumuha ang ng baso at nilagyan ko ng tubig mula sa ref na nasa gilid lang, mini ref lang.
Wala akong kasama sa room dahil wala kami sa hotel. Si liandrei ay nasa kabilang room kakonekta nito. Inubos ko ang laman ng baso at huminga ng malalim. I can't believe this--- tunay ba na naganap yun o kasama lang sa trauma ko.?
Sabi ni Brinx minsan maniwala ako sa panaginip dahil kung minsan daw iyon ang nawawala kong ala ala
Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa kama para habulin ang tulog ko dahil masyado pa akong maaga sa 6am.
Pero di pa din mawala sa isip ko kung bakit ba ako nagagalit kay Twin gayong bestfriend ko lang naman siya. Gayong nakita ko sa panaginip kong nasaktan ko siya ng labis. Nakita ko kung paano siya nagdudusa at nagmamakaawa sa akin. Kung paano ko siya iniwan doon habang pinili ko si Lift?
Hindi ko na alam kung alin ang totoo pero ang sa tingin ko na tunay ay yung maramdaman kong mahal niya pa din ako gaya ng dati.
Napakaselfish ko ba? Dahil may Lift na ako may Twin pa?
Pero hindi yun yung tinitignan ko eh. Oo mahal ko si Lift at di ako naniniwala na siya ang pumatay sakanila pero ung kay Twin na ngayon ay manliligaw uli para sa pangalawang pagkakataon. Para saan pa? Hindi pa ba niya nakikita na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sakaniya?
"hayy" tinalukbong ko nalang ang comforter sa sarili ko at pinikit ang mata ko pero bakit siya ang nakikita ko? Di ba dapat si Lift? Tumihaya ako sa kama at iniiling iling ang ulo ko. Arghhh bakit!
9am***
Nagising nalang ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng room ko. Umikot ako at tumihaya sa kama dahilan para makita ko ang kisame na---
Kelan pa naging transparent ang kisame ng kwarto ko?
Napabalikwas ako sa ibabaw ng kama at siniyasat ang paligid ng maintindihan kong wala ako sa kwarto ko, kundi sa ibang kwarto ako. Nasaan ako?
"Good morning" nanigas ako sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama ng marinig ko ang boses na iyon. Boses na alam na alam kong hinding hindi ko makakalimutan.
At ngayon ko lang narealize na---
"fuck" i cursed.
"is my bed comforts you?" Tumalon ata ang mata ko sa kama ng makita kong hindi ko nga talaga kama ito. Gosh, nasa kwarto ako ng lalaking ito!
"Anong ginawa mo sa akin ha!?" i accuse him. Shit, paano ako mapupunta dito?
"Kissed you?" napabuga ako ng hangin ng sabihin niya iyon. Nasisiraan na ba siya?
"Anong i kissed you? Manyak ka!" binato ko siya ng unan at saka ako umalis sa ibabaw ng kama niya ng maintindihan kon---
"I love the way you wore that shirt of mine" may nakakalokong tingin ang lalaking ngayon ay hawak hawak na ang binato kong unan. Oh my god! Bakit ko suot ang damit nya!
BINABASA MO ANG
Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)
Mystery / ThrillerKilala mo ba siya? Kilala mo ba kung anong nakaraan niya o kilala mo ba kung sino siya ngayon? Ako kilala ko lang siya sa pangalan, madalas ibang tao ang nagpapakilala sa kaniya. Kakaiba diba? Pero kapag nasubukan mo siyang makilala ang unang...