Chapter 59 * 2 month later*

213 13 41
                                    

"Nakakainis ka naman eh. Kanina ka pa. Pwede bang wag kang huminga?!" Kanina pa mainit ang ulo ni Light kay Twin dahil sa kanina pa din nitong pag puna sa kaniyang paghinga. Kahit nasa malayo na ang binata ay napupuna pa din nito.

"Light naman. Ano gusto mo mamamatay na ako?" Di na malaman ng asawa niya kung anong gagawin sa pinakamamahal niya kanina pa itong umaga.

"Nakakairita alam mo yun! Imbis na nakakatulog ako ng mahimbing. Hindi ko magawa dahil sayo! Lumayas kana nga!" Bulyaw pa nito. Napatameme nalang talaga siya dahil di na niya maintindihan ang asawa.

"Hay" iling iling na lumabas ng kwarto si Twin at pasapong umupo sa sala.

"Sinasaniban ba yun?" Takang taka siya na galit na galit sakaniya ito wala namang siyang ginagawang masama.

"TWIIIIN!" napapikit na naman siya.

Lumapit siya sa kwarto at binuksan iyon ng makita niya ang galit na bulto na naman ng asawa niya.

"Bakit Light?"

"Bakit mo ko iniwan? Loko ka ha!" Binato siya ng asawa ng tsinelas.

"Eh sabi mo lumabas ako" kamot kamot na siya di niya maintindihan ang asawa. Sala sa init sala sa lamig.

Sinamahan siya ng tingin nito at namewang sa harap niya. Napapikit nalang talaga siya at nag iisip ng tamang gawin ng---

*phone ring*

Sinagot ni Twin ang phone na nasa kama at dahan dahang tinignan ang asawa.

[Mr. Everyones, we have new report]

Lumabas muna siya ng silid ulit habang kausap ang taong nasa phone.

"Spill"

[Mr. Everyones as what we've knew, the respective human being isn't contaminated of drugs nor any kind of medicine. ]

"Then what is it?" Napatingin siya sa pintuan ng kwarto at baka mag tantrums na naman ang asawa niya.

[It produced by blood from cells]

Napahilamos si Twin hindi niya kasi maintindihan kung bakit pinaliligoy ligoy pa ng tauhan niya ang report.

"Every human has cells and blood"

[It has different features and shapes]

Napapikit nalang siya gusto na niyang babaan ang kausap dahil wala naman itong sinasabing lead sa report, nauubos lang oras niya at naabala pa siya.

"Are you gonna tell me? Or i'll fired you?"

Natahimik ang kausap niya pero nakahuma din.

[Miss EL is pregnant, thats the report. Have a good day Mr. E, i'll pass the result. ]

At ibinaba na ng kausap niya ang tawag habang siya--

*cricket sounds*

--tulala.






"TWIIIIIN" napabalik siya mula sa pagkatulala at biglang pasok niya sa kwarto ng---

"Bakit ba ang tagal mo!" Nakasimangot na naman ang asawa at inis na inis.

"Ah-eh- so-sorry. " kamot kamot na naman siya. Paulit ulit nalang ang expression niya.

"Damn! You wearing that shirt?! Diba galing yan dun sa mga haliparot na babae sa parking lot?" Lumapit ito sakaniya at hinatak ung damit.

"Yeah. Hehe" napangisi siya ng iba naman ang mapansin nito, tunugang nagseselos.

"Anong yeah! Hala, hubad! Nakakairita tignan yan ang dami dami mong damit bat yan pa sinuot mo! Nang aasar ka ba?" Napangiti ng tuluyan ang binata sa inaakto ng asawa, napapailing nalang siya at inisip na "mukhang magiging tatay na ako"

Pagkamulat niya, tinitigan niya ang galit na mata ng asawa. Gusto niyang sa mga mata niya maitransfer ang kasiyahang nadarama niya. Mas gusto niyang sa action gawin kesa sa salita.


"Kahit ilang beses mo kong awayin, ayos lang" hinawakan niya sa pisngi ang dalaga.

"Basta ba magiging ka--" bumukas ang pintuan ng bahay nila kaya napalingon sila pareho.

Paglabas nila sa sala na may dala dalang baril---

"Surpriseeeeee!" Sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan nila. Nagulat naman si Light at naibaba ang baril habang si Twin, nakangisi lang pero nakatutok pa din sa mga ito ang baril.

"Hoy ibaba mo yan!"

"Anong ginagawa niyo dito?" Matamlay na tanong ni Light.

"Hmmm bumibisita lang. ---bakit masama ba?" Nakakaloko ang tono ni Karen.

Kumunot naman ang noo ni Light na nilapitan siya ni Karen.

"Ano Twin, di ka iimik dyan?" Usal naman ni Rodel.

Napatingin sakaniya lahat ng tao maging si Light at siya naman hindi na maitago ang saya dahil sa namumula nitong teinga.

"Iimik?" Puzzled na mukha ni Light.

Binaba nito ang baril niya at hinarap ang asawa.

"Basta mahal kita"  at hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan.

Wala nang nagbalak magsabi sakaniya ng balita naramdaman nilang may balak si Twin.

Umorder sila ng lasagna at pinadeliver nalang sa bahay nito habang sila ay nanonood ng movie.

Nag cr bigla si Divine dahil naiihi daw habang si Karen ay kumuha ng pineapple juice sa ref. Pag balik ni Karen sa sofa ay agad na sumimangot si Light at lumayo dito. Napapangisi naman sila dahil walang pag kakaila, confirm na confirm buntis nga ito

"Ano na nangyari?" Habol hinga ni Divine galing banyo. Mas lalong sumimangot si Light ng makalapit si Divine.

"Bakit ang baho mo Divine!" Nagtakip ng ilong ito at dumikit kay Twin.

"light, nagpabango lang ako. Ang bango bango ko kaya!" Sumalampak ito sa tabi ni Rodel.

"Galing bang smokey mountain yang pabango mo? Ang sang sang!" Paypay pa ito ng kamay.

Nagkatawanan silang lahat dahil sa sinabi nito. Imbis na mainsulto sila natatawa sila kasi alam nila kung bakit.

"Bakit kyo tumatawa?"

"Wala!" Sabay sabay nilang sabi saka nanood uli ng tv. Weirdong weirdo naman si Light sa mga ito pati na din ang asawa niya na ngayon ay napakasweet na sakaniya.






Dumating na ung lasagna nang bigla nalang tumakbo si Light sa lamesa.

"Ang bango!" Nagkatinginan ang mga ito dahil sa naging reaction ng asawa ni Twin.

"Uh-oh!" Si Sachi

"Umorder kanalang uli" suhestyon ni Rodel.

"Pero ibang food" sabi pa ni Divine.

"Alam na this!" Iling iling si Karen.

Nagkatingin silang lahat sa babaeng ngayon nilalantakan na ang malaking container ng lasagna. At kaya naman--

"I have a pen. I have an apple. Ugh, apple pen" sabay sabay silang nag pen pineapple apple pen habang sinasaby ang action, napangisi nalang si Twin.

"Wag niyo ngang kantahin yan nabwbwisit ako dun!" Nagsilakihan ang mga mata nila.

"Patay!" Pang horror ung mukha ni Rosh.

"Tang ina wag niyo ng uulitin yun. Maawa kayo sa anak ko."facepalm na sabi ni Twin.

"Hehe" simpatya nila.

Bigla nalang nilabas ni Divine ang phone niya at nagpatugtog ng nothing's better.

Pagtingin nila sa babaeng kumakain ng lasagna kumekembot na ito at sumasabay sa indayog ng kanta.

Natawa nalang talaga sila sa mga nangyayari. At kinongrats ang kaibigan nilang si Twin.



A/N: isang chap nalang po at epilogue at end na talaga promise! :)))) sana napasaya ko kayong lahat :)))

Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon