"Mukhang Shinkenki na naman ang may kagagawan nito. " nagsuot ng gloves si Divine at kinuha ang maliit na sulat mula sa katawan ng nabaril na suspek
Kasalukuyan silang nasa crime scene ng nasabing barilan ng isang businessman at isang hinihinalang inutusan ng Shinkenki para patayin ang anak ng businessman.
Inshort, ang anak ang target.
"Another note was found" may hawak hawak si Twin na maliit na papel mula sa kinuha ni Divine.
Note:
Find me and kill us. Try to deduct and decode. Keep in touch guys. The battle has just started.
Decipher this code and you will know me well:
Love has full of me,
Or love has full of hate,
Me and i is the same,
You are my will,
I'm gonna die,
For me i love you,
I live you,
Am i?
Your my life,
My nice piece,
My darkness nightmare,
I live,
I lift."Wow ang makata niya" singit ni Sachi.
"May connections yung tula pero magulo" komento pa ni Rodel.
"Patingin nga!" Kinuha ni Karen ang papel.
Lumapit din si Light sakaniya para makita ng maigi ang nakasulat sa papel. Bigla ata siyang naexcite at nakuha nito ang interes niya.
"Lift?" Un agad ang napansin ni Light sa tula. Biglang kumabog nalang ang dibdib niya dahil sa nakita.
"Porke may Lift sa sentence,si Lift agad?" Sarkastikong sabi ni Karen.
"Ikaw, salawahan ka din eh." Kinutusan pa siya niyo kaya napakunot noo siya.
"Di ako salawahan nakita ko lang yun---" napatigil siya ng may biglang marinig na tunog mula sa kaniyang isipan na parang nagsasabi sakaniyang alam niya ito.
"Patingin nga uli?" Ngayon ay siya na ang nakahawak sa papel at tinitignan lang siya ng mga kasamahan.
Binasa niya uli ang tula ng paulit ulit at iniisip kung paano at ano ang mga koneksyon nito sa bawat salita.
"Wala bang kasamang papel to Divine? May naisip ako" umakyat ata lahat ng light bulb sa ulo niya na ngayon ay nag nining ning sa taas ng ulo niya.
At may naisip siya na isang method na satingin niya pwedeng madecipher ito.
"Meron" tumingin silang lahat kay Twin.
Kaya nilapitan niya ang binata.
"Nasaan?" Tila para siyang nalululong na drug user sa kahahanap ng karugtong ng papel na iyon.
"Basa ng dugo" nakapamulsa na naman ito at wala na namang reaction. Pero nakikitaan niya ng kagahaman sa nangyayari.
Walang patumpik tumpik na nilapitan niya ang bangkay ng business man na nakabulagta doon habang may kordon sa paligid nito.
"Hayop talaga ng gumawa nito" bulong habang nilalapitan niya ang bangkay.
Iniangat niya ang kordon at hinanap ang nasabing papel para masolve na agad nila ang papel.
Naglalakad siya sa madugong semento sa gilid ng bangkay ng mapansin niya ang isang sing sing na may lion na naman. Itim at gaya ng nakaraan na traces ng Shinkenki.
Kinuha niya iyon at hinanap uli ang papel, di siya sinundan ng mga kasama niya kasi alam na ng mga ito ang gagawin niya.
Nang makarating siya sa taas ng ulo nito, may nakita siyang basang papel. Pero ang nakakagulat dito may series ng numbers. Napakunot lalo ang noo niya at napapaisip siya kung ito ba ang sinasabi ni Twin na papel?
BINABASA MO ANG
Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)
Misterio / SuspensoKilala mo ba siya? Kilala mo ba kung anong nakaraan niya o kilala mo ba kung sino siya ngayon? Ako kilala ko lang siya sa pangalan, madalas ibang tao ang nagpapakilala sa kaniya. Kakaiba diba? Pero kapag nasubukan mo siyang makilala ang unang...