Chapter 23 *Jealous*

244 18 62
                                    

Ano bang problema nun at palaging nakakunot?

Noon walang emosyon, ngayon naman sobra sa inis. Tss, yun ba talaga epekto ng 'pagmahal ka ng isang tao kahit pinagtabuyan mo na, mahal ka pa din?'

Yes, tama kayo ng basa. Alam ko nang mahal pa din ako ni Twin. Natatandaan ko na yung pinagsasabi nila nung isang gabi at natatandaan ko na din kung paano ako minahal ng lalaking ngayon ay napakapossessive sa akin.

Pero hindi ko naman maibigay yung tamang pagmamahal sakaniya. Kung sa akin kaibigan lang, sakaniya iba ang ibig sabihin.

"Buti nalang isinuot mo na yan, nakuu baka nagkaworld war 6 na dun kanina." Atungal ni Sachi sa akin.

Walang pinagbago, ang daldal mo pa din Chichi.

"Pinagbigyan ko nalang siya. " sabi ko habang kumakain ng piatos.

"Pero grabe ngayon ko nalang siya nakitang ganyan." Biglang lumungkot ang mukha nito.

"Bakit naman?"

"Eh kasi, simula ng mawala ka namanhid na yan, para bang nawalan ng buhay. Yung coldness niya dati na katamtaman lang ngayon sobrang taas na. Dinaig pa yung freezer sa lamig" napaisip naman ako.

"Tapos, wala nadin siyang kaemosyon emosyon. Kapag nagagalit siya banat agad, wala ng pasabi. Mas naging brutal sya eh, gaya mo." Turo ng gagong to sakin. Ano namang kinalaman ko dun.

"Bakit ako?" Askad ko.

"Eh kasi ikaw ang dahilan bakit nagkaganyan si Twin." Sabi nito saka kumaway sa mga chix doon.

"Tss, di pa din ba siyamakamove on sa akin?"

"WHAT THE?!" gulat na gulat siya, wow ha.

Kulang nalang kumuha ako ng scalpel tas salain ko yang mata mong lalaglag na.

"Nasabi kasi ni Karen kanina" pagdadahilan ko.

"Tae talaga nun" tapos yun nga back to normal.uli.

"Pero salamat nadin at bumalik kana." Ngiti naman ngayon.

"Kasi bumabalik na din ang dating Twin." Tila kumirot ang puso ko sa narinig ko.

" kahit nasaktan mo siya hindi ka pa din niya iniwan hanggang huli. Yun nga lang napakamartyr niya sayo" lumungkot na  naman ang mukha niya.

"Nang magkamnesia ka lahat ginawa niya para matiwasay kang mamuhay. Light, sana bigyan mo pa din ng pagkakataon si Twin " napatigil ako sa paglalakad ng matawag ng pansin ko ang pag makakaawa ni Sachi.

"Alam mo naman diba?" Sabi ko habang nadidismaya.

"Wala na si Lift. Tanggapin mo na" udyok niya sa akin.

Bakit ba nagmamagaling ka?!

"Pero siya ang mah--"

"Oo siya ang mahal mo pero si Twin ang nandyan para sayo nung nawala yang hayop na Lift na yan." Tumonong galit naman siya ngayon.

"Alam mo ba Light. Tsss" di na naman niya itinuloy, uso sainyo magpabitin ano. Eh kung ipabitin ko kaya yang dila mo?

"Argghhh" napapadyak sa buhangin tong kasama ko habang ako tss.

"Hindi ko alam kung bakit pinipilit niyo sa akin si Twin samantalang alam niyo kung sino ang mahal ko. Besides, kahit wala si Lift dito at kahit sabihin niyo na siya ang pumatay sa grupo at kapatid ko. Di ako basta basta maniniwala hanggat hindi siya ang nagsasabi o ebidensya na siya ang tinutukoy!" Umalis ako sa harap niya para hindi ko siya masapak.

Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon