Chapter 60 *babies*

272 11 39
                                    

Chapter 60 *

Light's POV

Araw ng check up ko ngayon sa pang syam na buwan at limang araw kong pagiging buntis. Limang araw nalang at manganganak na ako. Di ko nga akalain na isang beses lang namin ginawa ni Twin pero pinagkalooban na agad kami ng anak at di lang yun, gaya ng pangalan ng asawa ko, kambal sila.

Di ko pa pinatignan ang gender kasi gusto ko surprise kahit kinukulile ako ni Twin na patignan namin, ayaw ko talaga.

"EL, magaling kang magmaintain ha. Healthy kayo ni baby, ipagpagtuloy mo lang ha malapit kanang manganak." Payo sa akin ng personal doctor ko sa LiTribe.

"Syempre, para sa mga anak ko" hinipo ko ang tyan ko at bigla nalang---

"Ah!" Hiyaw kong mahina dahil sabay sumipa ang mga anak ko.

"Manang mana sa nanay at tatay" iiling iling na sabi ni doc.

"Asan si Mr. ET?" Habang nagsusulat ng reseta.

"Nasa opisina, madaming gawain kaya ayun di nakasama." Sabi ko nalang.

"Walang pahinga din ang isang iyon. Pag aalaga sayo tas sa trabaho. Wow!" Iiling iling si Doc. Kahit ako nag aalala na din ako sakaniya, tama ito wala na ngang pahinga si Twin tas kinukunsumi ko pa. Lagi kong inaaway tapos napapagbuntungan pa ng tantrums.

"Tignan mo mga anak mo oh, ang lilikot. Manang mana sa nanay tas ung isa mana sa tatay " tumawa si doc habang tinuturo ang mga bata sa akin.

Ang likot likot nga nila nakakatuwang tignan, alam mo yung saya na parang arrghhh hirap explain basta masayang masaya ako.

"Oh, napakaiyakin talaga nito" buska niya sakin, eh bat ba! Naiiyak ako eh.

"Tears--"

Napalingon kami ng bumukas ang pinto at iluwa si Twin.

"Mister ET" tumayo si doc at sinalubong si Twin.

"Hows my babies and this!" Hinawakan niya ako sa balikat at niyakap.

"Asssusss, nilalanggam ako nakakainis!" Kuskos ni Doc sa balat niya at nakangisi.

"Okay naman sila, healthy na healthy tapos sobrang tapang pa. Pero dahil andito na din ang asawa mo EL, dapat ko na sigurong sabihin sainyo to." Bigla akong nangamba ng magbago ang atmosphere at mukha ni doc.

"An-no un?"

"Dont worry wala namang komplikasyon, may nakita lang akong nakaharang na bituka sa loob mo Light" nanigas ako bigla.

"Nakaharang siya at kapag sinubukang mong umire ay tyak na puputok iyon dahil sa maiipit siya ng paglabas ng mga bata" naglabas siya ng isang malaking envelope at inilabas doon ang papel na naglalaman ng aking xray at ct scan.

"Ito ung bituka na dapat sana operahan pero dahil buntis ka kaya di maari yun. Kaya di ka pwede mag normal" bigla akong nalungkot sa sinabi niya. So, di ko mararanasan maging ina?

"Oh, so we go for Ceasarian Section?" Usal naman ni Twin. Pero ako--

"Oo at yun lang ang paraan kasi kung ipipilit natin ang normal delivery baka ikamatay pa ni Light."

Di ko magawang umimik, para bang pinagsakluban ako ng problema. Bakit naman ganun? Akala ko okay na, malapit na eh. Pero bat may ganto pang pagsubok?








"Hey, its okay." Nakahiga na kami sa kama at niyakap ako ng asawa ko.

Sumubsob nalang ako sa dibdib niya at basta nalang tumulo ang luha ko.

Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon