Chapter 42 *Secret Love Song*

179 12 30
                                    

"Ano sinabi mo doon sa dalawang babae?" Tila inis pa din ito sa lalaking kasama ngayon sa loob ng kotse. Nasa alabang na sila at malapit na sa hotel ng makakita sila ng jollibee.

"Twin, tara doon nagugutom ako." Turo ni Light sa Jollibee. Di naman nag atubili ang binata at pumunta dun.

Mabilis na bumaba ang dalaga at patakbong pumasok ang dalaga. Napangisi naman ang naiwanang binata habang pinagmamasdan nito ang dalagang sabik na sabik sa jollibee.

Pagkapasok niya pinagtitinginan na naman siya ng mga tao mostly babae dahil sa nakasando nga lang siya at pang agaw eksena talaga ang mga muscles niya sa katawan.

Nakita niya ang dalaga na nakapila na sa counter at umoorder ng pagkain. For sure madami itong oorderin.

"4 piece chicken joy. 2 sundae. 2 large fries at 2 jolly hotdog please" sabi ng galak na galak na si Light. Nakatitig lang siya dito at masayang masaya ito. Parang batang ngayon lang nakakita ng jollibee.

"This is the payment" nag abot ng isang libo ang binata sa counter. Napatingin ang cashier kay Light na bumubunot palang.

Kinuha agad ng cashier ang bayad at kinash out na agad.

"Okay na po mam wait nalang po sila" sabi ng cashier at ngumiti bago kumuha ng order.

"Ho--"

"Ive paid" nilingon ni Light ang binata at nanliit na naman ang mata niya ng makita ang mga matang nakatutok sa katawan ng kasama niya.

"You know what, i really really hate their eyes" habang tumatagal dumidilim ang itsura ng dalaga. Si Twin naman ay nakaramdam ng konting pagkatuwa sa inaasal ng dalaga.

"Sir. Mam. Ito na po ang order niyo" sabi ng cashier at naagaw ang atensyon nila.

Kinuha ni Twin ang dalawang tray na walang kahirap hirap. Nag 'wooooaaah' ang mga tao sakaniya ng buhatin niya ito ng tig iisang kamay samantalang puno ito ng laman.

Inilapag ni Twin sa lamesa ang lahat ng order at isa isang tinatanggal sa tray ng--

Pok!

"Pasikat ka din noh!" Namewang ang dalaga.

"May pag buhat buhat kapa ng tig isang kamay. Tss" halatang halatang naiinis ito.

Siya naman ay nakangisi lang di niya aakalain na effective ang ginawa niya.

"Wala akong ginagawa" sabi ni Twin pero nakangisi pa din ito.

"Anong wala! Kitang kita ng dalawa kong mata na ang mga babae na iyon at tuwang tuwa sa mga muscles mo, lalo na ng buhatin mo yan---"

"Nagseselos ka ba?" Biglang natahimik si Light.

Umiwas ito ng tingin para maiba ang mood.

"Hindi!" Sabay upo sa upuan at kinuha ang mga pagkain.

"Kumain ka nalang tapos umuwi na tayo!" Inis na sabi nito sabay kuha ng chicken joy.

Pagkatapos ay kumuha ito ng fries at pinagsasabay ito. Napangiti nalang ang binata ng maalala niya ang dating gawain nito kapag kumakain. He is waiting for another foodweirdness nito.

"Akin to. Iyo yan" kukunin sana ni Twin ang kinakainan ni Light na fries ng ituro nito ang fries na nasa tabi niya.

Kain lang sila ng kain pero si Twin, inoobserbahan pa din ang kaharap at hinihintay ang susunod na gagawin nito.

"Twin, paabot nung ketchup" maamos na request ng dalaga na may gravy pa sa labi. Napangiti ng lihim ang binata dahil eto na ang inaantay niya.

Inabot nito ang ketchup at di lang isa kundi lima. Napangiti nalang ang dalaga at inilagay sa kaniyang sundae.

Manghang mangha ung katabing table nila ni Twin pero sila, parang wala lang sakanila.

"Ang sarap talaga ng mix nito!" Turo ni Light at sarap na sarap sa kinakain.

Napapangiti nalang ang binata, di maalis sa paningin niya ang mukha ng dalaga.

"Like the old days" naibulong ng binata.

"Sarap ah!" Sabi pa nito.  May pagpikit pikit pa itong nalalaman at sobrang nasasarapan talaga ito.

"Twin, ketchup pa nga!" Suyo ni Light sakaniya at sinunod naman niya ito. Sa loob loob niya tuwang tuwa siya na makitang masaya ang taong mahal niya. Naaalala niya yung gaya ng dati na kumakain sila kahitsaan basta si Light may sundae at ketchup. Di lang basta ketchup, kundi hentz kechup.

"Are you okay?" Hinto ng dalaga sa pagkain. Nakita niya na nakatitig lang ito sakaniya.

Naalimpungatan ang binata at bumalik sa pagkapoker face.

"Yeah" at kumain na jolly hotdog niya.




"So, goodnight" sabi ni Light.

Tumango nalang si Twin at ngumiti. Napangiti din ang dalaga dahil nakita na uli niya ang matamis na ngiti ng lalaki.

Namiss niya din ang mga ginagawa nila nito. Pero isang bagay ang naaalala.niya ngayon.

"Si Lift?" Nasambit niya.

Nawala ang ngiti ng binata kaya tumalikod nalang siya at kumaway. Ayaw na niyang alamin ang sasabihin nito.

"Twin!" Tawag uli nito pero di na siya nilingon ng binata sa halip ay pumasok na ito sa kotse niya.

"Hala nagselos ata" naisabulat niya.

Tumakbo siya agad pababa sa hagdan at hinarang ang kotse ng binata.

Napamura ang binata sa ginawa ng dalaga na pag harang nito sa harap ng kotse. Buti nalang mabilis ang paa niya at naapakan agad niya ang preno.

"Ano bang trip mo!"  Sigaw ni Twin ng makalabas ng sasakyan.

"Eh alis ka kasi ng alis eh!" Biglang bumaba ang galit ni Twin ng makita nito ang paglambot ng imahe ni Light. Nag mistulang batang babae ito na nagpapaawa na wag na muna siyang umalis.

"God damn it! Are you fucking insane! Kung nasagasaan kita edi namatay ka?!" Nanginginig sa kaba si Twin.

"Eh kasi--" pag papababy face nito. Tapos nag uungot.

"Tsk, don't fucking dare to do that again Light. Mapapatay ko ang sarili ko kapag nasaktan kita!" At sinipa niya ang gulong ng kotse niya. Nangangatal siya sa sobrang takot, kaba at pagsisisi.

"Ah- ahm. Im sorry"

Umupo sa sidewalk si Twin at pilit pinapahinahon ang sarili. Napasandal nalang ang ulo nito sa tuhod niya. Mabigat ang pag hinga nito.

"He-hey, im sorry" tila na konsensiya naman ang dalaga. Hinawakan niya ang binata at naramdaman niya na nanginginig ito. Mas lalo siyang naguilty sa ginawa.

"Gusto ko lang naman kasing makausap ka ng masinsinan. Eh kasi umalis ka naman agad eh" hiyang hiya na konsensiyang konsensiya siya.

Bigla siyang nalungkot.

"Let me hold your hand" umangat ang ulo nito paharap sa kaniya at nagkatitigan sila na may tumutulong luha sa mata ng binata.

" please let me hold you"  nakikiusap ang pahiwatig ng binata.

Tumango lang si Light kaya parang batang sabik si Twin na niyakap niya habang sinubsob ang mukha sa leeg niya.

Niyakap din niya ang binata at sa unang dampi palang ng balat nila dama.na niya ang nakakakiliting kuryente na aakalain mong kinakaskas sa laman niya.

At the same time nararamdaman niya ang bigat ng nararamdaman nito.

"Im sorry Twin. Im sorry" bulong niya dito at niyakap din ang binata habang bumigay na at umiyak na ng tuluyan sa balikat ng dalaga.

A/N: sorry kung di nakapag UD. May trangkaso kasi ako now and nauubusan ako ng drafts kaya pending ako for daily UD. Babawi ako kapag gumaling na ako guys. Ito muna sa ngayon :* arigatou!

Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon