Chapter 57 *How it happen: The Used One*

177 15 20
                                    

A/N: sabi ko 2-3 chaps  nalang eh. Kaso may nagrerequest pa ng ilang chap at ayaw magpatapos pero waaah kailangan tapusin na natin. Basta 2-3 chaps uli salamat :* :*

Lift's POV

"AAAAAAH!" Hindi ko na ata makakayanan na makulong pa dito, kailangan ko ng makatakas dito. Sobrang paghihirap na ang nararanasan ko dito. Araw araw na lang na ginawa ng diyos, palagi nalang ako nakagapos at nakabitin dito.

"Manahimik ka dyan!" Tss, tang ina mo, kung ikaw kaya isabit dito di ka magsisigaw?

Nakasabit ako dito isang buwan na ang nakakaraan, noon nasa hawla ako kung san dun na ako dumudumi at umiihi, maging kumain ay dun na din. Nang makatapos ang ilang buwan ikinulong naman nila ako sa masukal at nakakatakot na gubat. Di lang yun, para pa akong nasa hunger games na kailangan kong magtago para lang di matamaan ng mga patibong. Makaraan ang dalawang taon sa gubat, inilabas naman nila ako at namalayan ko nalang nasa isang isla pala ako. Isla na malayong malayo sa pilipinas, di ko akalain na doon pala ako itinago ng mga Shinkenki para di malaman ng mga kaibigan ko ang totoo.

---na may pekeng Lift nag eexist sa mundo.

Isang gabi ng makakita ako ng isang tauhan nito na pagala gala sa isla, nakakita ako ng tyansa na magbalak tumakas at mapuntahan ang mga kaibigan ko. At di nga ako nabigo dahil mahina ang tauhan na iyon. Baguhan siguro kaya nakuha ko ang sasakyang pandagat niya at umalis ako ng isla.

Di ko alam kung saan ako pupunta, ni hindi ko nga alam kung saang lupalop ako ng mundo naroroon. Pero ang tangi ko lang naiisip ngayon ay si Light, si Light na mahal na mahal ko. Kahit ang totoo, kasunduan lang ang lahat para mahalin siya at saktan ang kaibigan kong si Twin.

Nakarating ako sa lupain kung saan may cherry blossom. Mayroon ding mga naghahapon, at natitiyak kong nasa japan ako.

Nagtago muna ako dito ng ilang buwan, tumira ako sa liblib na lugar sa japan, wala akong makain o makuhang tulong. Wala naman akong kilala dito at lalong dayuhan lang ako.

Isang araw ng bumaba ako sa kinatitirahan ko ay may nakasalubong akong isang sasakyan na pagong. Pinara ko agad iyon, pero dahil sa tulin ng takbo nito ay nakaladkad ako.

Pag gising ko nas hospital na ako at kinakausap ako ng mga hapon, at dun nila nalaman na dayuhan nga akong walang papel. Ni hindi alam ang pangalan ko at kung sino ako.

Ang taong nakasagasa sa akin ay si Krie, isang sikat na manga artist sa japan. Pero dahil tinatago niya ang identity niya hindi siya kilala bilang si Krie kundi si KB.

Tinulungan niya ako habang nagpapagaling ako, tumira ako sakaniya at doon ko lang nalaman na kambal niya si Kruo o mas kilala sa tawag na Xercus ang taong kumuha ng identity ko, na lider ng Shinkenki at ang taong may malaking galit kina Twin at Light.

Umuwi ako ng pilipinas at sa pag uwi ko pinahanap ko agad ang mga kaibigan ko, at nalaman ko nalang na: nagkaamnesia si Light at magkasama na sila ni Twin ngayon.

Aaminin kong nakaramdam ako ng selos at sakit pero naisip ko na may karapatan pa ba akong maramdaman un pagkatapos ng panloloko ko sakanila?

Kaya noong nalaman kong limang taon na pinoprotektahan ni Twin si Light, naging masaya din ako dahil kung may tao mang dapat maging masaya dito, siya yun. Kasi in the first place siya naman talaga ang dapat mamahalin ni Light at hindi ako kung hndi lang dahil sa kasunduan na iyon.

Pinalano ko na ang lahat, simula sa unang pagkikita namin ni Light sa convenience store: nagpanggap akong taong grasa.

Dinala niya ako noon sa pad niya para linisan, kitang kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya sa akin. At ikinasiya ko din iyon pero nasabi ko na sa sarili kong 'Lift, para na siya kay Twin.'

Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon