Dedicated to: Akashi_Kim for padaan scenes and support my work. Hopefully silent or loud readers please support our works. Arigatou!"Hoy, Ailey anong ginawa mo kanina?"
"Hoy, Ailey!"
"AILEEEEY!" ay shemas, ano ba yun?
Lumingon ako sa likod ko dahil may umaatungal doon na argghhh-si KC?
"Ano, dedede ka?" kaloka naka-earbuds na ako nadinig ko pa siya. Hindi na nga ako makapagconcentrate dito sa ginagawa ko sumasabay ka pa. Nga pala si KC Villanez kaibigan ko dito sa office. Tama po! Tama po kayo ng pagkakarinig isa akong office staff/clerk/utusan. Alila another term.
"Anong dededeng sinasabi mo, wala kang dede wag kang assumera" abat walangya tong babaeng to ikaw na nga nang abala ikaw pa manlalait, hmmm oo na maliit na yung--- oo na basta!
"Ano ba kasi problema mo?" inis ko siyang tinalikuran at hinarap uli ang gabundok na mga papeles na kailangan kong icheck isa-isa.
Naramdaman kong lumapit siya sa akin papasok sa cubicle ko dito sa office kaya nasa gilid ko siya. "Girl, balita ko nang galing ka daw sa seminar ah" Seminar?
Napalingon ako ng dahan-dahan sa mukha ni KC, anong sinasabi mong Seminar eh hindi naman yun Seminar.
"Wala akong ina-ttendang seminar pumunta ako sa IDA, may pinautos si boss na ibigay doon sa may-ari" saan ba niya nakuha yung balitang nag-seminar ako, kaya pa ako bigyan ng seminar dito eh promotion nga wala eh.
"Eh sabi nila nag seminar ka daw kaya ka nandoon, eh diba yung IDA agency o institution ng mga detectives?" bakit tila curious na curious ka kahit naman napadpad ako doon wala naman akong napala. Hindi ko pa nahanap yung boss, napahiya pa ako.
Hay nako naalala ko na naman yung lalaking poker face, emotionless, yung ICEMAN na yun! Oo, hanggang ngayon di pa din ako makamove on doon ayyy my gosh nakakahiya ang nangyari sa akin.
"Eh naiabot mo ba yung pinaabot ni boss?" dismayado yung mukha niya ng iwan ko at harapin yung mga papel. Hay nako KC trabaho ang pinunta ko doon hindi ang manlalaki. Alam ko ang iniisip mo, ang maghanap ako ng lalaki doon.
"Hindi nga eh." Kahit ako nadismaya din sa sinabi ko eh. Akala ko goodshot na ako kay boss pero nung nalaman niyang may ginawa akong katangahan doon kanina pinabalik na niya ako at pinautos nalang niya sa iba yung pag aabot.
"Ok lang yan girl, makakabawi ka din. Oh sya balik na ako akala ko pa naman may love life kana." Aray ko, grabe ka sa akin ha ako na nga tong nabadshot ako pa pinitik mo?
Bakit ba ang malas ng araw ko na ito, una naligaw ako sa IDA kaya napadpad ako sa CR kasi natanggal nga yung hook ng bra ko tapos nameet ko nga yung Everyones Twin na iyon tss.. Ano bang meron sa litanyang yun at akoy napapaisip tapo--- hayy magtratrabaho na nga lang ako.
"Ailey, pinatatawag ka ni boss. Sesante ka na daw." Napanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko yun. Tss, bukod sa nairita ako sa tono ng boses ni Clariz hinatak pa niya yung buhok ko sa likod. Arghhh nakakaasar na siya palibhasa siya yung inutusan ni boss kaya siya yung may magandang imahe ngayon.
"Eh kung ikaw kaya hinahatak ko dyan ha!" narinig ko pang apila ni KC sa likod ko siguro nakita niya yung ginawa ng bruhang Clariz.
Imbis na intindihin sila ay lumakad na ako papunta sa office ni boss. Huminto muna ako bago ako lumapit sa pinto at huminga ng sobrang lalim grabe para na ata akong bibitayin sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
Pumasok na ako sa loob dahil ayaw ng boss namin na pinag iintay siya ng---
"Aiiileeey!" napaurong ako ng bigla akong salubungin ni boss ng yakap. Ano-
"Naku naku salamat sayo! Salamat talaga kundi dahil sayo hindi natin makukuha ang IDA!" Wha-what?
Tama ba ang pagkakarinig ko I-D-A? At A-K-O? Paanong naging AKO?
Ngumiwi ngiwi ako habang kinukuha ang lakas ng loob na lumayo kay boss pero mukhang napasarap na siya at yakap yakap pa din niya ako. Ano bang nangyayari hindi ko maintindihan?
"Si-sir, h-hindi ho ak-o maka-" hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko ng humiwalay na siya tapos hinatak nalang ako sa loob. May narinig pa akong nagsinghapan sa labas mismo ng office ni sir at mukhang nakita nila ang nangyari.
Sinara ni Sir ang pinto kung kaya bigla akong nakaramdam ng kaba. Hala diba sa mga movies lang tong scene na to yung rarape-in yung babae tapos walang kalaban-laban yung babae sa boss niya tapos magbubuntis yung babae tapos magkakaanak tapos-
"Okay ka lang?" tinapik ako ni Boss sa balikat at naagaw niya ang atensyon ko.
Tumango nalang ako dahil sa mga naisip ko, hay nako Ailey ano ano ba mga pinag iisip mo. Simula lang ng makita mo yang lalaking robot na Iceman na yun eh nagkaganyan kana.
"Kaya kita pinapunta dito para ipaalam sayo na-" nakaupo na ako sa harap ng table ni boss tapos sasabihin na niya sana kaso binitin pa ako. Ano ba sir sesante na ho ba talaga ako?
"I-pro-promote kita"
Loading... Loading.... Loading...
"Hoy, Ailey!" napabalik ako sa huwisyo ng bigla akong tapikin uli ni boss. Teka totoo ba yung narinig ko i-propromote nga niya ako?
"Kung di dahil sayo hindi natin makukuha ang IDA, kaya deserve mong mapromote pero sa isang kundisyon." Napakunot naman ang noo ko ng may narinig pa akong kundisyon, sir akoy nakaranas nang mapahiya doon ano na naman hong kondisyones yan?
"Ikaw ang itotoka kong magsusulat ng pag-iinterview sa boss ng IDA." Halos lumuwa yung mata ko ng --- sir parang di naman ata makatarungan yan.
"Gusto ko lahat aalamin mo kung saan sila nagsimula. Kung sino ang founder, buhay ng founder, kelan mismo nabuo? At kung ano ano pa. Basta lahat ng makakalap mong information isusurrender mo dito. Kahit ang pag kuha ng mga photos ay ikaw din ang itotoka ko." Teka lang ha hihinga muna ako, feeling ko kasi para akong ulaga na nawalan ng oxygen sa katawan.
Nilamig ako bigla, shemas nandito ba yung lalaking yun kaya biglang lumamig? Siya lang naman ang taong unang-una kong naramdaman na soooobrang lamig kahit mainit ang panahon.
"Sir, why me?"
"Bakit ikaw?" ngusong sinabi ni boss, ay jusko sir alam ko nang malapad yang nguso niyo wag niyo na ho lalong palapadin.
Kung kanina yung kabog ng dibdib ko slite lang, ngayon maximum na kumabaga sa roller coaster, lalabas na.
Bakit ako?
"Oho sir, eh ang dami-dami naman ho ng magagaling na manunulat dito sa compan---" napatigil ako ng may sabihin si boss.
Hindi siya naging klaro pero naging dahilan siya para mapatigil ako sa pag sasalita, tila ba may sumagi na agad sa isip ko feeling 'deja vu' lang pero bigla din nawala.
"Narinig mo ba yung sinabi ko?" teka teka boss ha teka po. Bigla po kasing gumulo yung isip ko.
"Okay ka lang ba talaga, Ailey?" may pag aalala na sa boses ni boss, kahit yata si boss naguguluhan na sa akin. The feeling is mutual boss, naguguluhan na naman ang isip ko. Ano ba kasi yung sinabi niyo bigla ho naglaho sa utak ko.
"Eh, sir bakit nga po ako?" inulit ko nalang habang kinakalma ang sarili ko.
"Kasi nga ikaw ang gusto ng boss ng IDA."
A/N: ohayo! Kamusta naman kayo? Hows my UD for today? Did i produce a good one or bad one? Please share your thoughts guys. :) happy reading. Please vote and comment. Arigatou.
BINABASA MO ANG
Hey, I am Everyones Twin (COMPLETED)
غموض / إثارةKilala mo ba siya? Kilala mo ba kung anong nakaraan niya o kilala mo ba kung sino siya ngayon? Ako kilala ko lang siya sa pangalan, madalas ibang tao ang nagpapakilala sa kaniya. Kakaiba diba? Pero kapag nasubukan mo siyang makilala ang unang...