"Ano ba yan, ganyan na ba ang new style ngayon?!" sabi ng maarteng babae.
"Oo nga so cheap!!" sabi din ng isa.
"Yeah right!!" sunod naman ng isa.
" Hahahahahaha!!" tawa ng tatlo.
Sanay na'ko sa ganyan. Kada lilipat ako ng school ganyan ang mga sinasabi nila. At oo palagi akong napapalipat ng school dahilan binubully ako at weird pa daw. Ngayon ang first day ko sa bagong school na ito.
*Riiiiiiiiiinnnnggg*(bell rings)Nagsipasukan na ang lahat ng estudyante, at kitang-kita sa mga mata nila ang pandidiri. Narinig ko pa nga ang isa na nagsabing "Ewww, what is she??" Tsk. What I am? Syempre Tao?? Pumasok na rin ang teacher.
"Good morning students." bati ni ma'am.
"Good morning!" reply namin.
"So, meron tayong transferee. Halika iha, please introduce yourself."- ma'am
"Hi everyone, I'm Kiara Marie Torres. Nice to meet all of you." sabi ko ng nakangiti pero ang awkward.
"Bakit ganyan ang buhok mo?" tanong ng babae.
"Oo nga ang weird, para kang mangkukulam." sabi din nung isa.
"Hahahahahahaha!!!" tawanan ng lahat, pati nga si ma'am natawa din eh. Pero nung nakita niyang tinitignan ko siya, pinatahimik niya lahat.
"Class quite, let Miss Torres explain herself." dagdag pa niya.
"Ah.. a-ano k-kasi inborn ito. Di ko rin alam kung saan ko ito nakuha!" sabi ko nlng.
"Nasubukan mo na bang kulayan yan ng itim??" tanong ng etchuserang babae.
"Oo pero the next day bumalik ulit sa dati niyang kulay."sagot ko nlng.
"Okay enough class, Ms. Torres take your seat." -ma'am. Tumango nlng ako at naglakad patungo sa upuan ko.
Bakit ba kasi napaka big deal nitong buhok ko sa kanila. Mabuti nalang at naka contact lens ako ngayon kundi pati mata ko uusisain nila. Ganito kasi 'yun, ang kulay ng buhok ko ay white na may highlights na blue ganun din ang mata ko puti na may blue. Oh diba, ang weird?! Tapos nung napagtripan kung kulayan ng itim ito kinaumagahan naging puti ulit, tss. Nagsimula ng magturo si ma'am.
Haaayyy salamat at lunch na, dumiretso ako sa cafeteria at umorder ng favorite ko spaghetti, chocolate ice cream, lasagna and a slice of choco-strawberry cake. Yeah, parang may fiesta lang no. Gutom ako eh. Hehehehe.😃😃😃😃
Papunta na sana ako sa isang vacant table ng..
"Holy sh*t!!!! What have you done??" sigaw ng maarteng babae.
Oh my natapon ang lahat ng pagkain ko sa kanya. Ang buhok niya punong-puno ng spaghetti tapos bakat ang ice cream,lasagna at cake sa shirt niya.
"Look what have you done Missy, you ruined my shirt!? Mahal pa 'to sa buhay mo!!" pasigaw niyang sabi.
"Sorry di ko sinasadya, sorry talaga miss."sabi ko
"Sorry? Walang magagawa ang sorry mo. The damage has been done. Pagbabayaran mo 'to. Pagsisisihan mong nakabangga mo ang isang Monique Grey!!"sabi niya at umalis na.
Okay that was terrible. Nakita ko ang mga tao sa cafeteria na nagbubulong-bulungan. Tsss. Umalis nalang ako since wala namang klase mamayang hapon.
Yeah what a great first day. I've encountered a super arte girls..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)
FantasyIsang simpleng babae na may ordinaryong buhay. Masayang pamilya, meron din siya. Pero paano kung isang araw malaman mo ang katotohanang makakapagpagulo ng iyong buhay? Ano ang gagawin mo? Samahan natin si Kiara Marie Torres sa pagtuklas ng kanyang...