Chapter 31: SUCCESSFUL ATTEMPT

3.7K 112 15
                                    

*******
Chapter 31: SUCCESSFUL ATTEMPT

KIARA's POV

Nandito ako ngayon sa likod ng pinto, hindi ko alam kung ilang minuto ng nakahawak ang kamay ko sa aking noo. Bakit ganon nalang ang nararamdaman ko? I didn't even run miles away but the pounding of my heart never stops. Tsk. Ano ba kasing pumasok sa utak ng unggoy na yun at ginawa niya to. I touched my lips and discovered that I have been smiling widely. Weird. Bakit parang may sariling mga mundo 'tong nga parte ng katawan ko? Tsk. Siguro kung nandito yung dalawa kanina pa nila ako inaaasar, swerte ko nalang at wala sila siguro natutulog na. Pumasok na rin ako sa kwarto at tama nga ako tulog na sila.

Humiga na rin ako, ng bigla kong naalala ang mga magulang ko. Kumusta na kaya sila? Saan kaya sila dinala ng nga taong kumuha sa kanila. Bigla ko ring naalala si  Evie. Nagkita kami sa hallway kanina at gustong-gusto ko na siya tirisin. Ngiting-ngiti pa nga siya eh, sana mapunit yong bibig niya kakangiti.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

******
Kinabukasan...

Maaga akong nagising and I did my morning rituals. Nagpalit na rin ako ng uniform at ready na para pumasok. Nakita ko sina Denise sa mesa kumakain. Napaaga rin yata ang gising nila.

"Oh hi Kiara! Good morning!" masiglang bati ni Denise.

"Morning." sabi ko sabay ngiti.

"Halika, kain tayo." pag-aaya ni Lauren.

"Di na sa cafeteria nalang ako. May gagawin pa kasi ako. Sige una nako sa inyo. Kita nalang tayo sa classroom." sabi ko sabay alis at kaway sa kanila. Narinig ko pa ngang may pahabol si Lauren pero wala umalis na ako.

Nandito ako ngayon sa lake since maaga pa naman. Bumili na rin ako ng pagkain kanina sa cafeteria pero sandwich lang. Naka-upo ako habang nakalublub yung mga paa ko sa tubig. Hinubad ko na muna yung sapatos ko, gusto ko kasing magtampisaw saglit. Kumakain ako ng sandwich ng naisipan kong paglaruan ang tubig. I froze some of it and formed it into different kinds of shapes. I even made weapons out of it like daggers, shurikens, katana and the like. I threw the daggers together in the other side and it hit the tree. I followed it with a fireball at agad nalusaw ang mga ice daggers.

Biglang tumunog ang napakalaking orasan ng academy hudyat ito na magsisimula na ang klase. I gathered all my things and quickly went to the room.

Naabutan ko silang tatlo doon nagtawanan at napatingin naman sila agad nung pumasok na ako at naupo sa upuan ko.

"Kiara akala namin sa cafeteria ka? Bakit wala ka doon kanina?" tanong ni Lauren. Hala oo nga no. Di pa pala ako nakapag breakfast. Nawala sa isip ko eh.

"May pinuntahan lang ako." sabi ko sa kanila.

"Saan ka naman nagpunta? O di kaya ay sino ang pinuntahan mo?" tanong ni Denise habang tumataas baba ang kilay.

"Baka naman nagkita kayo ni Blaze? Di mo lang sinasabi sa amin. Ikaw Kiara ha, malihim ka na." sabi ni Khairy na may mapang-asar na tono.

"Hay nako, ewan ko sa inyong tatlo. Palagi niyo nalang akong pinagtutulungan." sabi ko.

"Pikon talaga tong isang to." sabi ni Denise.

Biglang silang natahimik ng pumasok na ang prof at nagsimulang magdiscuss. Nasa kalagitanaan na ng discussion ng bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Napapikit nalang ako ng biglang kumirot ang ulo ko. Tsk. Bakit ngayon pa to sumakit? Nasa kalagitnaan pa naman ng klase.

"Hey Kiara, are you okay?" mahinang tanong ni Khairy sakin. Tumango nalang ako kahit pilit.

"But you didn't seem one. Gusto mo punta tayong clinic? Ipapa-excuse kita sa prof." sabi niya na puno ng pag-aalala.

The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon