Chapter 10: FIRST TRAINING DAY

5.7K 190 3
                                    

******
Chapter 10: FIRST TRAINING DAY

KIARA's POV

Nakatitig pa rin sa'kin si Blaze na may mapang-asar na ngiti sa kanyang mga labi. Talagang may binabalak ang isang 'to. Halatang may hidden agenda. Ngunit mas nabigla ako sa sumunod niyang ginawa. Bigla kasing nagwink ang mokong. So you want to play games Blaze, tingnan natin. Di kita uurungan.

Maraming in-explain si sir na kung ano-anu pero isa lang ang sigurado ako, di ako nakikinig sa kanya. Umalis narin ang mga taga S-section kasi bukas pa magsisimula yung mentor-mentee. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, sina MAMA at PAPA. Naalala ko kasi bigla sila. Namimiss ko na sila. Yung mga masasayang oras na magkasama pa kami. Kamusta na kaya sila? Saan kaya sila dinala ng mga taong dumukot sa kanila? Pinapakain kaya sila doon? Nakakatulog kaya sila ng maayos doon? Tinatrato kaya sila ng mabuti? At bakit ba napakarami kong tanong di ko naman nasasagot.

"Arrrrggghh!!" sabi ko in irritation.

"Ms. Torres what do you think you're doing?" biglang tanong ng prof namin. Napatingin naman ako sa position ko at narealize kong napatayo pala ako habang hawak ang buhok na para bang sinasabunutan. Shete pinagtitinginan nila ako with a curious expression, nakakahiya.

"Uhm nothing sir, sorry for interrupting your class." sabi ko sabay upo. Psh napahiya ako don.

Pagkatapos ng class since 'yun ang last subject napagpasyahan naming tatlo nina Lauren at Denise na sa El-ice Plaza kumain ng dinner since pagod na kami. Pumunta kami tapat ng academy gate at naghintay ng masasakyan. Ang ipinagtataka wala kahit ano ang dumadaan. Anong uri ng vehicle ba ang nandito katulad din kaya sa mortal world? May jeep, tricycle, at ano pa?! Maya-maya pa may biglang lumitaw sa ere. Ano yan? Ibon? Pegasus? Napatingin ako kina Lauren at ngumiti lang sila.

Nakakamangha ang isang 'to. Paglapag na paglapag sa lupa mas naaninag ko na ang hitsura. I-it's like a combination of horse and a turkey. From its head down to its waist is a horse's feature but halfway down its the turkey's feature. It's tail is consist of different kinds of vibrant colors with small dots. Napanganga talaga ako literally.

"Hoy Kia ang bibig mo baka mapasukan yan ng insekto!" saway ni Denise sakin at napailing nalang.

"Tsk." tanging nasabi ko. Sumakay na ang dalawa sa dalawa pang kagaya non. Tinignan nila ako ng 'sasakay ka ba look'. Tumango nalang ako at sumakay na rin. Pagkasakay ko biglang nalang itong tumakbo ng napakabilis. And just a snap of a finger, we are now infront of a restaurant and the two say it was one of the famous restaurants in El-ice Kingdom. Agad kaming pumasok pagka landing namin.

One word to describe this place. BEAUTIFUL. It's like a mini dining in a castle. There are a lot of people inside. So this place really is that famous because of their food. We sat near the glass window. They ordered our food kasi sila lang ang may alam kung anong masasarap at sila din ang nagsabing sila ang oorder. Sinerve na ang pagkain at nagsimula narin kaming kumain. Ang sarap kahit di ko alam ang tawag ang sasarap ng pagkain dito.

"Anong tawag sa sinakyan natin kanina?" tanong ko sa kanila. Eh curious ako kung anong tawag dun.

"'Yun ay ang Turose." sabi ni Denise at nagpatuloy kumain. Tumango lang ako at nilantakan na ang aking pagkain ang sarap eh.

Pagkatapos namin kumain, sumakay na kami sa Turose at umuwi na. Pagkapasok namin sa kwarto diretso sa higaan ang dalawa at tulog. Ako nagshower na muna at nagpalit ng pangtulog. Tapos higa na. Pinikit ko na ang aking mata at naalala na naman sina mama at papa. Hanggang sa nakatulog ako na yun ang laman ng isip ko.

Kinabukasan.....

Pumasok ako ng maaga at iniwan ang dalawa sa dorm dahil mga tulog mantika. Nakasuot ako ng T-shirt, jogging pants at rubber shoes. Ngayon kasi ang unang araw ng training at wala kaming klase ng dahil lang dun. Pinafocus kasi kami ng mga teachers sa training.

Nandito na ako sa training room mag-isa pa. Ang room na ito ay malaki, maraming mga kagamitan gaya ng baril, different kinds of sword, spears, bow and arrow and marami pa. Namangha talaga ako. Meron namang parang space sa gitna na pinalilibutan ng mga hard metals na pabilog ang form. Siguro doon ang sparing. I decided to get gloves at pumunta sa isang punching bag. Marunong akong magboxing kasi isa ito sa bonding namin ni papa. *Sigh* Naalala ko na naman sila. Naimagine ko ang mukha ng mga taong kumuha sa kanila at bigla nalang itong pinagsusuntok.

"Arrrrggghh!!"

Boooggsshh!!
Tuuuuugggsshh!!!

"Seems like you're that angry to punch that bag full of emotion." bigla akong natigilan ako ng may biglang nagsalita. Yung mokong lang pala. Tinanggal ko na ang gloves at sinuli sa lagayan. Umupo ako sa isang bench at uminom ng tubig. Napagod ako dun ah. Naglakad siya patungo sakin at hinagisan ako ng isang mahabang stick. Mabuti nalang at nasalo ko.

"Ano ba!" sigaw ko sa kanya. He just smirked. Tss stupid.

"Come here I'll teach you." sabi niya. Sumunod nalang ako. Pumusition na siya, tinignan ko lang siya may pagtataka. Anong ginagagawa niya. Bigla siyang sumugod sakin mabuti nalang at naging alert ako at nasangga ko ang tira niya.

"First, you must be alert and focus to what your opponent's been doing. Mag focus ka sa kalaban mo, wag mong i-divert sa iba ang atensyon mo." paliwanag niya.

Bigla siyang umikot and motioned na parang isa-slash ako. Napatalon ako paatras sa ginawa niya. Nakakagulat eh, muntik na akong tatamaan.

"Second, study your opponent's moves. Sa ganoong paraan mas magiging madali ang goal mong manalo." paliwanag niya na naman.

Umatras siya ng mga 2 meters sakin. Napatingin lang ako sa kanya. Bigla siyang tumakbo at tried to punch me but I quickly move my body to the other side. But what I did was a wrong move because he hit my foot with the stick that made me out of my balance that causes myself to touch the ground. And to tell you frankly, it hurts like hell. He pointed the stick to my face and made my eyes grew wide, I thought he's going to hit my face.

"Lastly, if you fall from your first attempt never let that drag you down, stand up and show your opponent what you've got. Never give up." he said.

He handed me his hand and I willingly accept it. Tss, this kid surely knows a lot. Umupo na kami sa bench at 'yun lang yung time na narealize kong nandito na lahat ng kaklase ko at napatingin silang lahat sa amin. Bakit di ko man lang naramdaman ang presence nila? Tss. My body's aching. I think I need a long rest in this situation. Seems like this first day of training is a bit hard but fun.

*********
An/N: Yes nakapagUD narin sorry kung natagalan something came up po kasi. Yehey Happy 200+ reads!! Hindi ko po inexpect ito. Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng story ko. Thanks a lot readers sa pagsupport.
Kamsahamnida😃😃😃😃

The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon