Chapter 26: PUZZLED

4.2K 155 6
                                    


*******
Chapter 26: PUZZLED

BLAZE's POV

We arrived quickly in the palace and I immediately place Kiara to the room where my room is next to. She's now sleeping but you could still see those visible dry tears she cried awhile ago. I was relieved when she didn't do anything to me, us. After screaming her pain out she immediately passed out and now she's lying here with me sitting beside her. But not only me, the others are here too, they surrounded Kiara wearing those worried faces.

"Ano ba talaga ang nangyari sa kanya?" biglaang tanong ni Lauren na siyang nakabasag sa katahimikan.

"I don't know either." sagot ko nalang. Gusto ko mang sabihin sa kanila ngunit wala ako sa position. It's better if Kiara will be the one telling them about this.

"Why is her nape glowing?" ask Zeck.

"What's with her nape? Why is she shouting painfully?" ask Lane.

"Kiara gumising ka na. Sabihin mo naman samin kung anong nangyayari sayo." saad ni Denise habang hinahaplos ang buhok ng natutulog na Kiara. Miski ako maraming katanungan. Maraming bakit at paano ang naglalaro sa aking isipan.

Biglang gumalaw si Kiara at humiga sa kabilang direksyon. Mula rito, kitang-kita mo ang pag-ilaw ng batok niya. Pero ngayon di na tulad kanina na sa sobrang liwanag nakakasakit sa mata. Ang ilaw sa batok niya ngayon ay unti-unting humihina. Mukhang anytime di na ito magliliwanag. Ano ba talaga ang meron sa batok na yan.

"Blaze son, matulog na kayo ng mga kaibigan mo. Magpahinga na kayo, mukhang pagod na kayo eh." Sabi ni Mom. Bigla pal itong pumasok.

"Okay lang po kami tita. Tutulungan nalang po namin si Blaze na bantayan si Kiara." Eros said.

"Oo nga po mahal na reyna baka magising na po si Kiara anytime." saad naman ni Lauren.

"Haynako iha, wag mo na akong tawaging mahal na reyna, tita nalang tutal kaibigan naman kayo ng anak ko." sabi naman ni Mom.

"Ah sige po ma-- tita. Hehehehe." saad ni Lauren na halatang nahihiya.

"Ikaw rin Blaze, magpahinga ka na." sabi niya.

"Mamaya nalang ma. Babantayan ko na muna si Kiara." sabi ko.

"Sige una na ako sa inyo mga bata." paalam niya.

Umalis na si mom at nagpatuloy ang katahimikan. Maya-maya pa biglang naghikab si Lane. Tss. Ayaw pa kasing magpahinga eh.

"Sige na guys, matulog na kayo. Ako na ang bahala dito." sabi ko. Magsasalita pa sana si Denise when I cut her.

"Hindi gugustuhin ni Kiara na makita kayong nanghihina kaya matulog na kayo, susunod ako." pangungumbinsi ko sa kanila. Wala na silang nagawa kung hindi ang magbuntong-hininga.

"Sige Blaze una na kami." -Zeck

"Matulog ka na rin."-Lane

"Magpahinga ka rin, kung ayaw mong makita ka no Kiara na mahina." saad ni Eros na nakangiti ng mapang-asar. Tsk. Itong lalaking to talaga.

Umalis na sila, ako nalang ang naiwan sa kwarto. Tutal sa tapat lang naman nito ang kwarto ko. Unti-unti na talagang humihina ang pag-ilaw ng kaniyang batok. Bigla siyang umungol, akala ko na kung ano ang nangyari sa kanya pero tumagilid lang pala siya.

Kiara paggising na paggising mo, itatanong ko na lahat ng tanong na naiisip ko. Patuloy ako sa paghaplos ng buhok niya ng di ko namamalayan unti-unti na akong kinain ng antok.

KIARA's POV

Ano 'to? Nasaan ako? Bakit ang dilim. Wala akong makita. Pero teka, mukhang pamilyar ito ha. The same sensation, but I can't really tell where I felt it. I want to scream and ask for help but is it my voice working. It's like something is stuck in my throat and that's the reason why I can't even utter a word.

The place was changed and now I am standing infront of the Ice King and the dark King. They were fighting each other. But wait I saw this one, ito yung nangyari kanina. Pero sa pagkakaalam ko pinaalis kami ng tatay Blaze. Bakit nabalik ako sa mga pangyayari kanina. Nag-usap ang dalawang hari ngunit walang kahit na anong uri ng tunog ang naririnig.

"Ahhhhh!" yan ang sigaw ng utak ko ng biglang sigurong ni Haring Arman si Haring Leicester.

Nagbago na naman ang kapaligiran, ngayon nasa harap ko ang isang masayang pamilya. Masayang niyayakap ng Ina ang kanyang anak at magiliw naman na tinitigan ng ama ang kanyang mag-ina. Ang ganda nilang panuorin. Lumapit ako sa kanila. Bigla akong napaatras ng makita sa malapitan kung sino ang ama ng bata. Ito ay ang Hari na si Leicester at ang kanyang reyna. Muli akong lumapit at kitang-kita mo sa mga mata nila kung gaano sila kasaya. Ang bata, bakit ganon, magkapareha kami ng mata at buhok.

Hindi ko namalayan, a hot thing came rolling down my cheeks, tears. Pinahiran ko ito. Bakit ako umiiyak? Bigla kong kinapa ang aking dibdib kung nasaan ang aking puso. Ang bilis, pati paghinga ko ay mabilis din. Di naman ako tumakbo ng milya-milya. Ngunit ano ito, bakit patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Bigla na namang nagpalit ang lugar. Ngayon nasa lugar ako na napapaligiran ng apoy.

Ang buong kaharian ay napapalibutan ng apoy. Mga tao'y nagtatakbuhan, nagsisigawan at may naglalabanan. Alam ko ito, nakita ko na ang pangyayaring ito. Bigla na naman nagbago ang paligid at napunta ako sa bahay namin. Sa may pintuan mismo kung saan ako iniwan ng taong nag-iwas sa akin dito. Nagdilim ang paligid bigla at ako'y parang nahuhulog. Ano 'to! Tulong! Wala bang nakakarinig sakin? Pumikit nalang ako.

"Ahhhhh!" ngayon nakasigaw na ako.

"Kiara anong nangyari sayo?" binaling ko sa gilid ang aking paningin at doon ko nakita ang taong palaging nasa tabi ko. Biglang nalang akong napaluha.

"H-hoy bakit ka umiiyak? Di naman kita inaano diyan ah." sabi niya na halatang nagtataka. Miski ako nagtataka at naguguluhan na talaga.

Niyakap niya ako at hinaplos ang likod para siguro patahimikin. Pero patuloy pa rin sa pagdaloy ang luha ko. Sa mga nakita ko kanina. Napagtagpi-tagpi ko ang mga pangyayari. Posible kaya? Aissh ewan ayoko na munang i-conclude baka ako lang tin ang masaktan.

"Kiara.." pagtawag niya sakin dahilan ng pagbalik ko sa aking ulirat. Tinuro niya ang likod ko at doon ko nakitang umiilaw na naman pero iba na ngayon dahil hindi na siya masakit.

Maraming tanong ang namumuo sa utak ko ngunit isa lang ang pinakahalagang tanong na gustong gusto ko ng  masagot dahil nakakapagod ng kilalanin at hanapin. Ito ang dahilan ng pag-alis sa mundong tinirhan ko. Ang mundong inaakala ko ay mga katulad ko ang nakatira. Ang mundong kinalakihan at minahal ko rin.

"Sino ba talaga ako?"

Yan mismo ang tanong na nais ko ng masagot.

*******
An/N: Annyeong! So sorry for the super late Update. Marami lang ginawa. Busy kasi. By the way thanks sa mga nagtiyatiyagang maghintay ng mga updates. And thanks for reading this story. Matutuklasan na kaya ni Kiara ang totoo niyang pagkatao? Yieehh abangan.

~OnceThereWasMe💞
February 4, 2017 Saturday




The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon