Chapter 2: MONSTER?!

7.7K 265 5
                                    

Umuwi na ako, since walking distance lang naman ang bahay namin sa school, di na ako nagsayang pa ng pamasahe. Pumasok na ako sa bahay at nakita si mama sa kusina.

"Hi mama!!" maligayang bati ko sa kanya.

"Oh anak, ba't ka umuwi? Wala na ba kayong pasok mamayang hapon?"tanong ni mama

"Wala po eh, may meeting ang mga teachers."sagot ko

"Kumain ka na ba? Halika saluhan mo ako, wala kasi ang Papa mo umalis may inasikaso."

"Sige po."

Kumain na kami. Sinasabi ko sa inyo hindi kami mayaman di rin mahirap sakto lang nakakakain ng 3 beses sa isang araw. Nagkwentuhan lang kami ni mama. Pagkatapos namin kumain at magligpit umakyat na'ko. Matutulog nlng ako kasi si mama aalis may pupuntahan din ata. Humiga na'ko at nakatulog.

******************************
*Tok tok tok tok*
Rinig kong sunod-sunod na katok. Naramdaman kong may pumasok sa kwarto ko.

"Anak gising na, kakain na tayo ng hapunan." kilala ko ang boses na yon, boses yon ni Papa. Iminulat ko ang aking mata at nakita nga siya. Nginitian niya ko nginitian ko din siya pabalik.

"Sige po papa, susunod ako." sabi ko. Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na din ako at pumuntang dining para kumain na.

"Anak kamusta ang school mo?" tanong ni papa.

"Okay lang naman po."

"Di ka ba binubully sa bago mong school?" tanong din ni mama.

"Hindi naman po." ayaw kong sabihin na may nakabangga ako kanina. Kahit labag sa kalooban ko ang magsinungaling.

Nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkwekwentuhan. Pagkatapos umakyat natin ako at nahiga na. Bakit kaya kahit natulog na ako kanina, pagod pa rin ako. Hindi ko namamalayan unti-unti na akong nilalamon ng pagod.

Kinaumagahan:

Nagising ako ng maaga, ginawa ko na ang mga dapat gawin. Bumaba na rin ako pagkatapos. May nakita akong pagkain na nakahain sa mesa. May nakita din akong maliit na papel na may nakasulat.

Anak,
       May pagkain na diyan, maaga kaming umalis ng papa mo.

Kumain na ako, tapos umalis na din. Nakarating ako ng school 6:40 malapit na ang flag supposedly maraming tao na ngayon, pero bakit prang walang katao-tao. Naglakad nalang ako papuntang klasrom. Pagpasok ko wala talagang tao, may nararamdaman akong mali dito. Nasaan ang mga tao dito??

"Hi WHITY KIA!!!" bati ni Monique yung nakabangga ko kahapon. Tsss sabi na nga ba may mali dito.

"What do you need?!" malamig kong sabi without any expression in my face.

"Girls!!" sigaw niya. At naglabasan ang mga klasmet kong babae na may dala-dalang itlog, flour, paint at tubig.

"Sabi ko naman sayo diba. Don't mess up with MONIQUE GREY!!"

"Simulan niyo na!!" sigaw niya.

Pinagbabato nila ako ng mga bagay na dala nila tapos pinagsasabunutan pa nila ako.

"You deserve this mangkukulam!"

"That's what you get upon messing with our dear Monique!!"

Gusto kong lumaban. Gusto kong sabihin tama na, masakit na.

"Bagay yan sayo, stupid mangkukulam!!"

Tama na!! Sabi ng isip ko

"Hindi ka nababagay dito!!"

Tama na!! Please tumigil na kayo!!

"Stupid wi----"

"SABI NG TAMA NA!!!" sigaw ko na ikinagulat ng lahat. Pero di lang pala dahil sa sigaw ko kundi dahil sa mga bagay na itinapon nila at pati narin ang chair at table, lumulutang lahat pati na din ako.

"O-oh m-my god!! Sh-she's a MONSTER!!" sigaw ng isa. Nagtakbuhan ang ibang estudyante pero si Monique nanatili sa harap ko.

"W-wh-what a-are you??"

"Tumigil ka na Monique if you don't want to be out of this world right now!!" sabi ko.

Ang nararamdaman ko ngayon ay poot at galit. Parang may namumuong fire sa chest ko.

Parang umiikot ako, nahihilo, parang, parang... ang bigat ng mata ko. Pero bago ko pa napikit ang mata ko nakita kong nawalan din ng malay si Monique.

What comes in my mind right now is, AM I REALLY A MONSTER??!

Black out****

The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon