Chapter 8: MEET THE TCO

5.6K 220 3
                                    

KIARA's POV

Sa wakas natapos na rin ang klase. Ang daming dinadaldal ng teacher pero di naman ako nakikinig. ^_^V pasaway eh. Kasalukayan akong nandito sa dorm kasama sina Denise at Lauren. Nag-aayos lang ako ng sarili habang ang dalawa nag-uusap.

"Malapit na ang leveling Lauren. Nakapag-ensayo ka na ba?"- Denise

"Hindi pa nga eh, sabagay sa susunod na linggo pa 'yun. May time pa para nakapag-ensayo."- Lauren. Wow ha, hiya naman ako sa kanila. Wala akong kaalam-alam sa pinag-usapan nila.

"Anong leveling ang sinasabi niyo?"-ako

"Ang leveling ay tradition na dito sa Academy. Ito yung maglalaban-laban ang mga students para malaman kung nag-increase ba ang level mo at malalaman mo kung anong rank ka na." mahabang paliwanag ni Lauren. Ahh ganon pala.

"Kailan naman yan magaganap?" tanong ko.

"Sa susunod na linggo pa, makaka-ensayo ka pa."- Denise.

"Ahhh." yan lang ang masasabi ko.

Pero anong gagawin ko. Wala nga akong kapangyarihan eh. Di kaya ako mamatay sa panahong yan.

XCYLLE LANE COLE's POV

Grabeng babaeng 'yun kala mo kung sino. Ano nga ba pangalan nun Jen, Jess, Jessica ah ewan basta nagsimula sa letter J. Kami ang bali peace maker ng academy. Di naman sa bakit ang mga estudyante pero parang ganon na rin. Ay ang gulo. Basta.
Ang ipinagtataka ko rin ay kung bakit ganon ang ikinilos ng captain o leader naming si Blaze kanina don sa babae. Halata namang bago siya eh parang di niya nga kami kilala eh. Pero ang masasabi ko lang ang cute niya. I like her hair. Ay by the way, I'm Xcylle Lane Cole princess of the water kingdom. Nandito lang kami sa classroom namin at ang issue, yung nangyari sa cafeteria kanina.

"Totoo kayang walang kapangyarihan ang newbie?" tanong ni Zeck yung may red hair.

"Oo nga, that's impossible how can she enter the school if she doesn't have one."-Eros

"What do you think captain?" baling ni Eros dito pero as usual walang imik si captain, wala ding pinagbago ang expression ng mukha niya. Haay mabuti na nga lang at nasanay na kami jan dahil kung hindi ah sus ewan ko nalang. Minsanan lang kung umimik at ang tipid sa salita. Blaze just shrugged his shoulders.

"Sino gusto sumama?" tanong ni Zeck.

"Saan naman?"- Eros

"Punta tayong El-ice Lake. Maganda doon presko ang hangin." pagkukumbinsi ko sa kanila. Biglang tumayo si Blaze at dumiretso palabas. Haay umuna na ang loko.

"Tara na, unahan tayong makapunta doon!" sabi ni Eros sabay takbo na ng mabilis. Nagsinuran naman kami ni Zeck at tumakbo narin.

"Yes! Una ak---" tinabig ko si Eros. Ang ingay kasi eh. Nagulat siya sa ginawa ko tinuro ko naman ang dahilan kung bakit ko siya pinatahimik.

Nakita namin si captain nakahiga sa damuhan habang ang braso nakapatong sa mata niya. Pinatahimik ko na agad si Eros bago masunog at maging abo. Nako mainitin pa naman ang ulo niyang si captain.

"Basta nauna ako ha!" pabulong na sabi ni Eros sakin. Tss napaka childish talaga ng isang to.

"Magtigil kana nga Eros, ang ingay mo." sita ni Zeck ang pinakamataray samin pero pag nakilala mo siya ng mabuti mabait naman.

"Whatever red hair!" napalakas ang sabi ni Eros dun.

"Gusto pakulayan natin yan kay La-----"

"You f*cking moron disturbing my sleep! Shut the hell up!" sigaw ni Blaze sabay bato ng fireball papunta kay Eros pero di si Eros ang tinamaan kundi ang puno sa likod niya.

(O.O)- ako

(O.o)- Zeck

(o.O)- Eros

(-_-)-Blaze

"Di ba talaga kayo titigil? Peste naman oh I'm trying to sleep here then you came up just to disturb me!"- Blaze. Lagot nakakatakot na talaga si Blaze kulang nalang lunukin niya kaming tatlo.

"Now if you don't leave this time. I might burn you to death!"- Blaze at biglang nagliwanag ang buong katawan niya at nag-aapoy ito.

Nagsitakbuhan na kaming tatlo. Bahala na, nagkahiwa-hiwalay na kami. Ganyan ang grupo namin masaya, magulo, nakakaaliw at mga baliw.

~~~~~~~~
Ito na po ang UD ko. Sorry po pala sa aberya. Hindi ko rin alam kung paano nangyari pero na fix na naman eh. Maikli lang po ang UD ito. Thankies!!!😃😃😃

The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon