Chapter 3: THE TRUTH

7.5K 263 7
                                    

Nagising ako sa isang puting kwarto. Patay na ba ako, makikita ko na ba si San Pedro na may bitbit na manok?? May nakita akong babae na papalapit sa'kin. Teka babae?? Diba lalaki si San Pedro??

"Ms. Torres, sa wakas ay gising kana!!"sabi niya

"So di pa pala ako patay?" tanong ko kay nurse at oo nurse pala 'yun.

"Hindi noh, masyado namang advanced yang utak mo. Nahimatay ka lang." saad niya. Kung ganon nasa school clinic ako!?!

May dumating na isa pang babae. Ang school doctor.

"Ms. Torres tinawagan na namin ang parents mo, paparating na raw sila."

"Sige salamat po." saad ko.

"Pwede po ba akong lumabas?" tanong ko sa doctor.

"Sige pero hintayin mo nalang ang parents mo sa labas, okay?"

"Okay po."

Lumabas na rin ako sa clinic. Paglabas na paglabas ko, lahat ng mata sakin nakatingin.

"Siya 'yun diba?"

"Oo siya yung nagpalutang ng mga chair kanina!"

"She's a freak, a monster a..a..a..a anong tawag dun?" tanong niya sa katabi.

Tsss. Hay nako di din naman pala alam ang itatawag. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Hanggang sa nakarating ako sa main gate. Nakita ko ang sasakyan nina mama at papa. Lumabas sina mama at papa at sinalubong ko naman sila.

"Anak ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Ano ba talaga ang nangyari?" nag-aalalang tanong ni mama.

"A-ayos na po ako mama. Pwede po bang sa bahay nalang tayo mag-usap?" tanong ko sa kanilang dalawa. Agad naman silang tumango. Sumakay na kami at agad umalis ng school. Nakarating kami agad sa bahay.

"Anak maglinis ka muna ng katawan at maghahanda lang ako ng makakain." sabi ni mama. Tango lang ang tangi kong naisagot. Nagtungo agad ako sa kwarto at naglinis ng katawan.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa baba. Nakita ko si mama sa kusina nagluluto habang tinutulungan siya ni papa. Nagpunta ako sa likod-bahay, may swing doon. I can feel the beautiful splash of wind as it touches my skin. Ang sarap sa pakiramdam. Parang lahat ng pinoproblema ko ngayon unti-unting nawawala. Ngunit alam kong ang isang problema ay di ganon-ganon nalang nawawala. Busy ako sa pagmumuni-muni ng may lumapit sa'king isang maliit na nilalang na nag-iilaw. Kitang-kita ang liwanag dahilan narin ng madilim na gabi. Ng ito'y unting lumapit mas nagiging malinaw ang nilalang na ito. Ang ganda, isang maliit na tao na may pakpak. Fairy?? Yan ang nasa isip ko. Totoo pa ba ang mga ganyan? Lumapag siya sa kamay ko.

"Hi Kiara!" matinis niyang saad.

Napaatras ako gawa narin ng pagkagulat. N-nagsasalita ang nilalang na ito??

"Nagsasalita ka? Paano nangyari 'to? Siguro ilusyon lang ito, tama ilusyon lang." sabi ko habang kinukurot ang sarili.

"Hindi ito ilusyon. Totoo ako. Ako nga pala si Samantha, Sam nalang!" pagpapakilala niya.

"Talaga bang totoo ka?" tanong ko.

"Oo at ikaw lang nakakakita ng anyo ko kasi kung sa iba ang liwanag lang ang tanging makikita nila." ani niya.

"Sige kung totoo ka nga, bakit mo alam ang pangalan ko?"

"Kasi matagal na kitang minamatiyagan Kiara. Mula pa pa ng mapadpad ka sa mundong ito."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Di pa pala nila nasasabi sayo?"

Narinig kong may sinasabi siya ngunit di malinaw.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

"Ah wala naman he-he-he!"

Patuloy kami sa pakikipag-usap. Marami siyang kinukwento gaya nalang ng kapangyarihan niya at iba pa. Nakakatuwa naman ito.

**SOMEONE'S POV***

Lumapit sakin ang asawa ko. Nandito ako naghahanda ng makakain.

"Mahal tingin ko kailangan na nating sabihin kay Kiara ang totoo." saad niya.

"Sumasang-ayon ako sayo mahal. Karapatan din niyang nalaman ang katorohanang." ani ko.

"Tara puntahan natin siya!" tumango lang ako at susunod sa kanya.

Nakita namin si Kiara sa swing ng likod-bahay. May kausap siya at nagtatawanan pa. Isa itong maliit na ilaw ngunit kinakausap niya. Nagkatinginan kaming mag-asawa at alam na namin ang ibig sabihin nito. Ito na siguro ang hudyat para sabihin na namin sa kanya ang totoo.

**KIARA's POV***

Patuloy parin kami sa kwentuhan nina Sam. Ang cute niya ayy di pala maganda pala siya. Nakakaaliw din siya. Nag-uusap pa kami ni Sam ng may biglang tumawag sakin.

"Anak halika na, kakain na tayo!" sigaw ni mama. Tumango lang ako bilang tugon. Tiningnan ko ang direksyon kung nasaan si Sam kanina ngunit wala na siya. Naglaho nalang?? Tsk.Pumasok nalang ako upang makakain na, medyo gutom narin naman ako eh. Pagkadating ko sa mesa agad akong umupo.

"Anak pagkatapos natin kumain may pag-uusapan tayo." sabi ni papa.

"Opo." sagot ko.

Pagkatapos namin kumain at maglinis ng pinagkainan, napagpasyahan naming mag-usap sa sala.

"Anak di namin alam kung saan magsisimula, pero sana tandaan mo mahal na mahal ka namin." sabi ni papa.

"A-no po ba ang ibig niyong sabihin? Di ko po kayo maintindihan?"

"Anak patawarin mo sana kami kung di namin nasabi ito kaagad." sabi ni mama habang umiiyak. Ano ba talaga ang ibig nilang sabihin. Bakit ganito din ang nararamdaman ko, kinakabahan ako! Ano bang nangyayari??

"Ano po ba talaga ang pinuponto niyo kasi di ko na talaga maintindihan??"

"Kiara di ka namin tunay na anak."

"P-paanong nangyari 'yun mama, papa!" di ko na naiwasang di sumigaw. Then suddenly a hot thing came rolling down my cheeks, tears..

"Hindi ka man galing sa amin, minahal ka pa rin namin ng lubusan." malumanay na sagot ni papa ngunit kitang kita sa mata niya ang sakit.

"Pero paano po ba nangyaring nagpunta ako sa inyo?" tanong ko. My heart is like breaking into tiny pieces and scattered and can no longer be fixed. Kahit masakit pilit ko parang inaalam kung paano ako napunta dito.

"Isang gabing malakas ang bagyo, nandun kami ng papa mo sa kwarto. Ng may nakita kaming liwanag na nagmula sa labas dali-dali kaming bumaba. May narinig din kaming utak ng isang bata. Pagkabukas ko ng pinto, nakakita kami ng basket na may lamang bata. Pilit naming hinanap ang may-ari ngunit di siya mahagilap ng mata namin. Mula noon naisipan naming mag-asawa na alagaan nalang ang bata dahil kawawa naman siya. At tinuring na sariling anak. At ikaw ang batang ito Kiara." sabi ni mama. Di ko narin mapigilan ang humikbi.

"Ito ang mga naiwan sa basket anak." ibinigay ni papa sakin ang isang blanket na may kung anong tatak at ang lamig pa.

"Alam naming di ka isang pangkaraniwang tao Kiara." saad ni papa. Yan din ang nais kong malaman kung normal ba talaga ako?? Lumapit silang dalawa sakin at niyakap ako ng mahigpit. Kaming tatlo na ang umiiyak.

THE TRUTH REALLY HURTS BIG TIME....

The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon