Chapter 28: A HISTORY OF THE MARK

3.8K 116 18
                                    


******
Chapter 28: A HISTORY OF THE MARK

KIARA's POV

Hay papasok na ako bukas sa Academy since magaling na naman ako. Nandito na ako sa dorm at nakahiga na. Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga nangyari kanina. Grabe lang ang dami kong tawa. Nagkwento kasi si Blaze ng mga nangyari sa kanya nung bata pa siya.

→→→→→flashback←←←←←←

Pagkatapos ng seryoso usapang iyon. Bumangon nalang si Blaze bigla at nagyayayang kumain. Habang kumakain marami siyang mga kinukwento lalo na nung mga naranasan niya nung bata.

"Alam mo Kiara nung minsang naligo kami nina Eros sa lake, pffft..."

"Bakit ka tumatawa? Hindi ka pa nga tapos sa kinukwento mo eh!" pagrereklamo ko.

"Eh kasi di ko mapigilan pag naaalala ko ito. Pffft."

"Tapusin mo na nga muna yang sinasabi mo." saad ko pa sa kanya.

"Okay ito na, aayusin ko na. Ganito kasi 'yun. Naalala mo pa ba yung puno kung saan ka dapat magpapahinga ngunit bigla nalang akong sumulpot galing sa taas nun?" tanong niya. Tinanguan ko na lang siya.

"Kasi sa punong yun, may isang sanga kaming parang kinonekta sa lake at pag umakyat ko dun gagamitin namin yun upang lumundag kami patungo sa lake. At nag-isa isa na kaming tumalon at ang panghuli ay si Eros. Eh itong si Lane mapang-asar eh di ang ginawa niya ginamit niya ang tubig upang gumawa ng parang kamay at inihawak sa laylayan ng shorts ni Eros at nung pagtalon niya naiwan ang shorts niya sa sanga. Nung nakita niya kami, halata ang pagtataka sa mukha nito. Iginaya naman ni Zeck ang kanyang kamay upang ituro kung ano ang pinagtatawanan namin. At boom! Hindi mo maipinta ang itsura niya."

"Hahahahahaha! Kawawa naman si Eros! Eh pano siya umahon kung wala ang shorts niya!? Hahahaha!"

"Tinanong niya pa nga kami kung sino ang may gawa nun. Tinuro ko si Lane, tinuro naman ni Lane si Zeck at tinuro ni Zeck ay ako. Eh di sa huli kaming tatlo ang nalintikan. Hahahaha. Dahil dun bigla kaming umahon tatlo at nagtatakbo habang tumatawa. Sigaw pa nga ng sigaw si Eros eh pero wala kaming pake. At kung papaano si umahon ng walang saplot? Ang sabi niya samin ginamit niya ang kapangyarihan niya upang gumawa ng parang saplot. Hahaha!"

"Hahahaha! Nakakatawa kayong magkakaibigan! Nagka-isa talaga kayo at kinawawa si Eros! Hahahaha!"

Pagkatapos rin ng kaunti pang kwentuhan umuwi na rin kami kasi lumalim na ang gabi.

→→→→→end of flashback←←←

Kaya heto ako ngayon gumugulong sa kama. Parang ayoko pang matulog eh. Ang mga kasama ko naman ayun tulog na.
Magbibilang nalang ako ng mga tupa upang makatulog na. At nagwagi naman ako.

The next day....

Maaga akong pumasok sa Academy dahil na rin sa mga na-miss kong mga aralin. Umupo na ako at sinimulan ko na ang pagsusulat ng mga kulang kong notes at iba pa. Nanghiram kasi ng mga ito kina Lauren at Denise. Matapos ang ilang minuto nagdagsaan na ang mga estudyante hanggang nakarating na rin ang teacher.

Puno ng pagtataka ang aking mukha? Sino 'to? Teacher ba siya? I looked at Khairy as if asking who's that girl standing in front of everyone but instead of answering it she just shrugged her shoulders. Tss. I don't like the looks of this girl, very suspicious. Prof Choi arrived, his one of the history profs.

The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon