Chapter 13: THE EL-ICE PEAK

5.5K 168 3
                                    

*******
Chapter 13: THE EL-ICE PEAK

KIARA's POV

Hooo salamat naman at tapos nadin ang last training namin. Grabe talagang torture, pagod na pagod ako. Samahan mo pa yung sinabi ni Blaze non. Nakakapagtaka lang kasi kada training namin ang awkward ewan ko rin kong bakit. At may pa-mine mine pa siya nalalaman.

'And basically you are MINE'

'And basically you are MINE'

Ayan naalala ko na naman. Letche talaga yung lalaking 'yun.

"Calling the attention of all the students please proceed to the auditorium."

"Again all students please proceed to the auditorium. Thank you."

At dahil sa announcement na yun, nagsitakbuhan ang mga estudyante sa auditorium. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit kami pinapapunta doon. Tsk tanga ko talaga bakit di nalang ako pumunta doon para malaman ko. Tsk. Tumakbo narin ako at pagdating ko doon ang dami ng students nakisiksik pa ako para lang mapunta sa pinakauna. Pagkarating ko doon nakita ko sina Lauren at Denise so I immediately went to them.

"Bakit nila tayo pinapunta dito?" taning ko sa kanilang dalawa. Nakita kong kompleto ang lahat ng profs namin sa harap.

"Di rin namin alam eh." sagot nila.

"So students all of you are gathered here to hear the special announcement." sabi ng isang prof pero di ko siya kilala. Di ko pa siya nasasalamuha.

"Ano kayang announcement?"

"Bakit special?"

"Oo nga dapat pahinga natin ngayon eh kasi bukas na ang leveling"

Dinig kong reaksyon ng iba. Wala nga akong kaalam-alam sa leveling na yan eh.

"All of us knows that the leveling will be tomorrow,right?"

"Yes!" sigaw ng marami.

"This time there are a lot of changes in our leveling. There is a twist this time. A big change. If in the past few years our leveling happens just inside our academy, now it will be different. The leveling will take place outside the academy."

"Woah this is first time!"

"Oo nga ang saya!"

"And if in the past its individual this is the twist, imbes na individual we are going to make it by pair."

"Yeeesss!"

"Sana naman di lampa ang pair ko."

"Ayos to ah!"

Ayan na naman ang iba't ibang reactions. Napatingin ako sa right side ko but the next thing I didn't expect it. Nakatingin sakin di Blaze. Nagkatitigan kami at sabay din kaming nag-iwas ng tingin.

"Ang pairing niyo ay yung sa Mentor-mentee ninyo." What! Makakasama ko na naman siya. Ano ba naman yan oh. Ang malas ko naman. Marami ang nagdiwang at masaya talaga sila.

"Ah sir saan naman magaganap ang leveling?" tanong nung babaeng maikli ang buhok.

"Nice question iha. Magaganap ang leveling natin sa El-ice Peak."

"Sa El-ice Peak po. Di ba pinagbabawalan ang kahit sino man na pumunta doon?" sabi nung lalaki. Bakit pinagbabawal doon?

"Oo noon pero ngayon pinahintulutan na tayo ng hari at reyna ng buong kingdom. So ito ang gagawin ninyo. Sa El-ice Peak mayroong limang uri ng flag. Ang una ay ang kulay red na flag na may dragon at symbol ng Fire kingdom, second is the green flag of Earth kingdom with its symbol, third is the blue flag of Water kingdom, fourth is the white flag of Air kingdom and lastly the bluish white flag with ice crystals of Ice kingdom. Ang unang makakuha ng flag na nabanggit ko ay may makukuhang lalaking points and dito nakasasalay kung nag-improve ba kayo o hindi." mahabang explanation niya. Ganun pala 'yun.

The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon