******
Chapter 30: ATTEMPTBLAZE's POV
Ngayon ko balak gagawin ang plano ko. Pero bago ang lahat gusto ko munang makausap si Kiara tungkol sa nangyari nung isang araw. Bakit may bakat ng kamay ang leeg niya? At higpit sa lahat sino ang may gawa nun. Wala ibang pwedeng humawak o manakit sa kanya.
Naglakad na ako patungo sa dorm nila habang dala-dala ang librong kinuha ko sa library. Pumasok ako sa loob ng girls dormitory na pinagtitinginan ng ibang mga babae. Kabisado ko na ang daan patungo sa kwarto nila. Kumatok na ako at pinagbuksan naman agad ako ni Lauren.
"Oy Blaze, anong satin?" tanong niya.
"Sino yan Lauren?" biglang sigaw ng isang tuning ng mapagtanto kong si Denise pala yun.
"Nandiyan ba si Kiara?" tanong ko.
"Hala, wala siya dito eh. Hindi nga namin alam kung saan yun pumunta. Maaga siyang umalis eh." sabi ni Denise. Malas naman.
"Ah sige, salamat." sabi ko at nagpaalam na aalis na rin.
Ngayon saan ko naman kaya hahanapin ang babaeng papel na yun. Saang lupalop ko kaya hahanapin ang babaeng 'yun. Tsk.
Napadaan ako sa main building ng academy kung saan nangyari ang pagpatay sa estudyante mga two days na din ang nakalilipas. Napatingin ako sa maliwanag gawi ko ng nakita kung nakatingin sa akin si Teacher Evie. Ngumisi ito sa akin. Kung para sa iba ay normal lang ang ginawa ng pagngisi niya para sa akin hindi. I find this smiles creepy. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Kiara nung araw na ipinaliwanag niya sakin kung sino ang may gawa ng pasa sa leeg niya.
→→→→→→flashback←←←←←
Nandito ako ngayon sa may plateau yung pinagdalhan ko kay Kiara noon. Dito namin naisipang mag-usap upang walang makarinig. Mga 5 minutes na rin akong naghihintay dito ng may nakita akong babaeng naglalakad patungo sa direksyon ko. Nung una di ko matukoy kung sino dahil balot na balot siya na animo'y may pinagtataguan.
"Anong nangyari sayo? Bakit balot na balot ka eh ang init naman ng panahon ngayon." sita ko sa kanya.
"Nag-iingat lang ako." sabi niya sabay tangal ng sombrero niya. Nilipad ng hangin ang kulay puti at asul niyang buhok. She's so beautiful. Her hair sways as if dancing because of the wind.
"Hoy nakatunganga ka diyan." sabi niya. Di ko napansin naka-upo na ala siya sa inilapag kong kumot. Wala na rin yung mga binalot niya sa katawan. Biglang nag-init ang dugo ko sa nakitang pasa sa leeg niya. Pero di tulad kahapon na maga at pulang-pula ngayon di na masyado pero halata pa rin.
"Bakit ka may pasa sa leeg? Who the hell did that to you." sabi ko sabay upo sa tabi niya.
"Kalma lang naman Blaze. Nakakatawa ka, mukhang sasabog ka na eh." sabi niya at mahinang tumawa.
"Kiara di dapat tinatawanan ang ganito kaseryosong sitwasyon." sabi ko habang titig na titig sa mga mata niya.
"Sorry, pasensya na." sabi niya sabay yuko. Bigla kong iniangat ang mukha niya.
"Hey ayos lang. Ngayon sabihin mo ba kung saan mi nakuha ang pasang yan." sabi ko. Nagbuntong-hininga naman siya.
"Kasi nung mga panahong may nabalitaang may namatay na estudyante nandon ako mismo."
"Nakita mo kung paano pinatay? Sino ang pinatay sa kanya?" Tanong ko. Umiling naman siya.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)
FantasyIsang simpleng babae na may ordinaryong buhay. Masayang pamilya, meron din siya. Pero paano kung isang araw malaman mo ang katotohanang makakapagpagulo ng iyong buhay? Ano ang gagawin mo? Samahan natin si Kiara Marie Torres sa pagtuklas ng kanyang...