Chapter 24: THE EL-ICE BALL

4.6K 166 6
                                    


**********
Chapter 24: THE EL-ICE BALL

KIARA's POV

Umalis agad? Di man lang ako pinagsalita! No buts nga diba Kiara? Ngayon naman para na akong timang kinakausap ang sarili. Tsk. Ayos din mang-aya ng ka-date si Blaze ah!

"Ayiiieee. Oh ayan solve na ha! May mga ka-date na tayong lahat." biglang sabi ni Khairy.

"Hahahaha ayos yung style ni Blaze mang-aya ah! Hahaha unique." Lauren na tawa pa ng tawa. Tignan mi to.

"Eh ikaw nga eh. Biglang naging statue nung lumapit si Eros. Hahahaha." pang-aasar ko naman sa kanya.

"Nakakatawa din si Eros! Di ko lubos akalain may ganung side di pala siya. Mahiyain! Hahahaha." Denise. Ba't parang ang saya nila ngayon ang daming tawa eh!

"Tara punta tayong mall. Let's go shopping!" sigaw ni Denise. At bigla akong kinaladkad nung tatlo.

Cancelled ang classes ngayong hapon pati na rin bukas. Para daw maihanda ang lahat ng tao sa Kingdom. So lahat pala invited? Ayos to wala na namang pasok.

Lumabas kami ng gate at nag-antay ng Turose. Pagkadating ng mga Turose agad kaming samakay at nagpahatid sa mall. Nakarating kami ng matiwasay.  Pumasok na kami at nagsimula ng maghanap ng susuotin. Parang mall lang din sa mortal world ang mall na ito. Ang kaibahan nga lang ang mga tao doon ay mga normal, walang kahit na anong kapangyarihan samantalang dito lahat merong angking galing.

Naglabas-masok kami sa iba't ibang mga boutique at promise pagod na talaga ako kakalakad.

"Teka, teka wait! Pwede pahinga muna. Ang sakit na ng mga paa ko eh, atsaka nagugutom na rin ako. Pwede kain muna tayo." sabi ko sa kanila.

"Oo nga. Tara may alam akong restaurant. At masarap doon." sabi ni Khairy na sinang-ayunan nan ng lahat.

Umorder na kami at pagkatapos nagsimula ng lantakan ang pagkain. At tama nga siya, ang sarap!

"Susunduin ako ni Chen para sabay kami papuntang ball. How about you? Sabay din ba kayo ng date niyo?" Denise na biglang nagtanong.

"Ako, oo susunduin din ako ni Sean."-Khairy

"Ako siguro."-Lauren. Bigla silang tumingin sa akin. Ano na naman?

"Eh ikaw Kiara sabay ba kayo?" Denise.

"Aba ewan! Pagkatapos niyang sabihin iyon bigla nalang siyang umalis."saad ko naman. Nakita ko silang tatlo na nakangiti ng mapang-asar. Tss. Eto na naman sila.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Ano kayang rason ng ball na ito. Hindi man lang in-explain ng prof kanina nagmamadali siguro. Itanong ko na lang sa kanila.

"Ano nga pala ang meron sa ball na iyon? Bakit kayo nagdidiriwang ng ganyan?" tanong ko sa kanila.

"Eh kasi sini-celebtrate ang kaarawan ng prinsesa." Sagot ni Lauren.

"Sinong prinsesa? Yung nawawala ba?" tanong ko pa rin.

"Yes, it's the Ice Princess." -Denise

"Eh bakit pa pinagdiriwang? Diba yan din mismo ang araw na nawala siya?" tanong ko.

"Oo, pinagdiriwang parin ito ng kaharian tanda na rin siguro na kailanman hindi malilimutan ang nag-iisang prinsesa." -Khairy.

"Anong date nga ang ball?" tanong ko.

"Sa Thursday yun, ahm November 25. Bakit mo natanong?" -Khairy. Biglang nanlaki ang mga mata ko.

"Weh? Di ka nagbibiro?" paninigirado ko.

The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon