Chapter 32: FOUND HER

5K 132 58
                                    

*******
Chapter 32: FOUND HER

THIRD PERSON's POV

Pagkatapos ng incidenteng iyon ay agad na dinala ng hari at reyna ang dalaga sa isang kwarto sa palasyo upang doon pagpahingahin. Nang mailapag na nila ang dalaga sa kama ay umupo sila sa magkabilang gilid nito at masinsinang pinagmamasdan ang dalagang mahimbing na nakahimlay. Di nila mapigilan ang labis na kagalakan na kanilang nararamdaman. Isang ngiti ang gumuhit sa kanilang nga labi.

"Tama nga ang hinala ko. Hindi ka pa patay anak ko. Nandirito ka lang pala." saad ng hari habang hibahaploa ang buhok ng natutulog na dalaga.

"Kay tagal ka naming hinanap anak. Ngunit ngayon andito ka na. Hinding-hindi ka na namin papabayaan pa." saad naman ng reyna habang nakangiti ngunit di maiwasang umiyak ng dahil sa labus na kagalakan na kanilang nararamdaman.

Ang binata namang naging ng muling pagkakabuo ng pamilya ay nasa isang gilid lamang habang nanonood sa masayang pamilya. Isang kurbada din sa kanyang labi ang namuo.

"Sa unang pagkakataon palang na ang ating mga mata'y nagkatagpo alam ko ng may kakaiba kang taglay. Yung pala ikaw pala ang matagal ng nawawalang prinsesa. Ngayong bumalik ka na magiging kumpleto na ang iyong pamilya. Magiging kumpleto na rin ako." saad ng binata sa kanyang isipan.

Ipinatigil ang pagtitipong naganap kanina dahil sa nangyari. Inutos ng hari na pauwiin na muna ang mga bisita. Ang kaibigan naman ng dalaga ay sa palasyo na muna pinatuloy. Dahil na rin a nagbabadyang piligro. Delikado na kasi ang maglakad pag gabi di nila alam kung may mga kalaban na pala sa tabi-tabi.

Sa kabilang dako naman ay abot langit ang ngiti ng taong pinagmamasdan ang magandang image ng muling nabuong pamilya sa palasyo. Nasa malayo siya ngunit kitang-kitang dito ang nga kaganapan sa palasyo.

"Ngayong nagkatagpo na sila at nakumpleto na ang kanilang pamilya ma's magiging madali ang pagbuo ng ating plano." sabi ng lalaki.

"Hinding-hindi ako papayag na sisirain ng babaeng yan ang lahat ng pinaghirapan ko ama. Sisiguraduhin kong tayo ang mamumuno ng buong kaharian." saad naman ng katabi niyang babae habang suot-suot ang cloak nito.

"Wag kang mag-alala anak ko, may alas pa tayo laban sa kanila. Huwag mong kalimutan na hawak natin sa leeg ang nga taong itinuring na magulang ng babaeng yan." sabi ng ama habang unti-unti pang lumawak ang kanyang ngiti.

"Hindi ko yan nakakalimutan ama. At sa pagdating ng takdang panahon ako mismo ang papatay sa mga walang kwentang taong iyon." ani ng babae habang nakasuot ng nakakatakot na ngiti.

"Itatabi natin ang mga bangkay nila at sama-sama susunugin." saad ng ama at humalaklak. Isang nakakatakot at mala-demonyong pagtawa. Sinabayan naman ito ng kanyang anak.

Ang halakhak na iyon ang nagpa-ingay sa gabing iyon.

BLAZE's POV

Dalawang araw ng tulog si Kiara at hanggang ngayon di pa ri siya nagigising. Ang aklat naman na dala-dala ko noon ay ibinigay ko na sa hari at reyna. Sila na daw ang bahalang magtago nun. Atsaka pagising na pagising daw ni Kiara ay ipapaliwanag daw nila ang lahat sa kanya. Habang hindi pa siya nagigising, abala ang mga tao sa palasyo dahil sa oras na magising na si Kiara ay ipapakilala na siya sa buong kahjran bilang nag-iisang tagapamahala ng elementong yelo at ang matagal na nilang nawawalang prinsesa. Nandirito ako ngayon sa hapagkainan di lang pala ako kundi ang TCO at ang mga kaibigan at pinsan ni Kiara. Di na muna kasi kami pinatuloy para na rin tumulong sa paghahanda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon