Pagkatapos namin mag-iyakan dito at napakalma na rin namin ang aming sistema.
"Salamat po mama, papa kahit di niyo ako totoong anak, tinuring niyo parin ako bilang isa." sabi habang mangiyak-ngiyak pa.
"Oo naman anak no! Ikaw kaya ang aming prinsesa!" saad ni mama.
"Oh sige na tama na yan, tapos na ang drama. Tignan niyo nga ang itsura niyo ang papangit na!" pabirong sabi ni papa.
"Hahahaha!!" tawanan namin.
"Sige na anak matulog ka na. Ipahinga mo na yang mata mo. Lalaki lalo ang eyebags mo!" pananakot pa ni mama.
"Sige po mama, papa. Goodnight po at salamat sa lahat!!!" saad ko habang naglalakad patungo sa taas.
Pagpasok ko sa kwarto agad akong humilata sa kama. Di na ako muling naglinis ng katawan. Nakakapagod na kasi. Di ko namamalayan unti-unti na akong nakatulog.....
******************************
Hayyy another day, may pasok ngayon ngunit mas pinili kong wag pumasok dahilan narin siguro sa nangyari kahapon alam kong di parin nila ako titigilan. Kaya mabuti pang dito muna ako sa bahay. Naligo na ako para fresh. At bumaba narin.
"GOOOODDD MOOORRNNIINNG!!!" masigla kong bati sa kanila.
"Morning!!" sabay nilang sabi habang nakangiti.
"Halika na kain na tayo!" yaya ni mama.
"Sige po may kukunin lang po ako sa kusina." sabi ko.
Kumuha ako ng baso at pumunta sa may ref, kumuha ng gatas.
Nakarinig ako ng marahang pagkatok sa pintuan.
"Sandali lang!" saad ni mama pinanood ko lang siya habang umiinom ng gatas.
"S-sino kayo?" gulat na tanong ni mama. Ako pati narin si papa gulat din. Sino sila?? Bigla nilang hinawakan sa leeg si mama at hinigpitan nila ang kapit.
"A-anong ginagawa niyo? Bitiwan niyo ang asawa ko!!" galit na saad ni papa habang pilit inaalis angahigpit na pagakahawak ng tao sa leeg ni mama. Mga nakaitim sila at may suot na parang cloak.
Di ko alam kung bakit di ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon at ang mga mata ko sa kanila lang nakatingin. Di ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Gusto ko silang protektahan, pero paano??
"Kiara tumakas ka na anak!" sigaw ni papa.
"Iligtas mo ang sarili mo! Lumayo ka na bilis!!" sigaw ni mama.
"Hanapin mo ang totoo mong pagkatao at magulang yan lang ang tanging paraan!"
"Dumaan ka sa likod-bahay bahay! Bilisan mo anak. Mag-iingat ka!" Hinahabol ako ng mga naka-cloak. Binilisan ko ang aking pagtakbo. Umiiyak na ako ngayon sina mama at papa, paano na sila. Gusto kong sumigaw ngunit di ko magawa.
"Kiara dito dali. Bilis!!" sabi ni Sam. Tinulungan niya ako. Ano to?? Isang spherical shape na liwanag ang biglang lumitaw.
"Dali Kiara ito lang ang tanging paraan upang di ka nila maabotan!"
"Pero ano ba ang bagay na ito Sam?" pag-aalinlangan kong tanong.
"Mamaya kana magtanong. Ipapaliwanag ko sayo lahat ngunit unahin muna natin ito! Bilis pasok na!"
Pumasok naman ako kahit di ko alam kung saan ang kahahantungan ko. Sina mama at papa. Umiiyak na naman ako. Ano bang nangyayari sa buhay ko?? Sino ba ang mga taong 'yun? Ano bang kailangan nila? Bakit nila ginawa ito sa magulang ko?? Hindi ko namamalayan unti-unti akong hinihila ng pwersa na para bang mahuhulog ako sa kawalan. MAMA!! PAPA!! Unti-unti ring bumibigat ang mata ko at nanghihina ako. Nakita ko si Sam sa gilid ko bago ako nawalan ng malay....
*******************
A/N: Ito na po ang UD ko. Sorry po kung natagalan medyo busy kasi.^_^^_^^_^. Hope you like it po kahit parang ang lame.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess Of Ice Kingdom (On-hold)
FantasyIsang simpleng babae na may ordinaryong buhay. Masayang pamilya, meron din siya. Pero paano kung isang araw malaman mo ang katotohanang makakapagpagulo ng iyong buhay? Ano ang gagawin mo? Samahan natin si Kiara Marie Torres sa pagtuklas ng kanyang...