Weekend it is, dapat sana tatambay ako sa bakery ngayon ang kaso may kailangan akong gawin para sa mga kapatid ko, Wonder what blessing would I receive for being an outstanding brother? Hay.
"Sky, sigurado ka bang wala kang lakad ngayon?" Pag tanong ni Mama
Pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa kama ko, hindi ko masiyadong pinansin si Mama dahil sinasagutan ko ang project ni Rain sa Math.
"Because of what happened last night hindi kana namin nakausap ng papa mo kaya ngayon nalang..."
Napatingin ako kay mama, nag hihintay ng susunod niyang sasabihin..
"Don't you think masiyado mong pinagbibigyan ang dalawang kakambal mo..?" Tugon niya
Tumayo si Mama at lumapit sa 'kin
"Look at these, aren't these Cloud and Rain's projects? Bat hinahayaan mong ikaw ang pinapagawa nila nito Sky?"
Lagot na.
"Honeybabes..." Pagpasok ni Papa "ay naguusap na pala kayo"
So kagabi, plano pala nila akong kausapin tungkol dito.
"Do you think they will learn dahil sa mga pangungunsinti mo sakanila? They're being so dependent on you na kahit para sa sarili nilang benepisyo ikaw pa gumagawa?!"
Medjo napapataas na ang boses ni Mama
"Honeybabes.." Pagpapakalma ni Papa kay Mama "Ah, ano Sky, we are really touched sa pagiging kuya mo sa mga kapatid mo, pero concern lang kami ng mama mo" ika ni Papa
"Eh, Ma.. Kasi, wala naman akong ginagawa and that si Cloud abala sa pag babasketball niya, Si Rain naman tagilid din yon sa Math at busy siya sa school festival, wala naman akong ginagawa for myself kaya naisipan ko gawin ko nalang to.." Okay, part of it are lies..
"Sky, don't think na hindi namin naappreciate to ha? We do, pero this is for your siblings, mas maappreciate pa namin kasi na turuan mo sila kesa ikaw na mismo gumawa sa dapat na sila" I get it..
"Sorry ma, sorry pa! Pero promise, ito lang talaga ang naiisip kong reason, don't worry po di ko ko na sila kokonsintihin" I said, para kumalma nadin sa mama.
"Basta Sky, just keep in mind na, It's okay to help pero if abled naman ang tao, guide them nalang ha?" I nod.
"Okay Ma, sorry ulit, sorry din pa!" I thoughtfully said "pero tapusin ko na muna to para sakanila for the last time na" I said para mapanatag na sila papa.
I understand mali talaga ang pangungunsinti ko pero pano na mga kapatid ko?
"Ma, Pa?" I said
"Bakit Sky?" Pagtanong ni Mama
"Kung pwede wag niyo na po pagalitan sila Cloud for this, ako na po bahala, ha?" I said
"Okay, we got it! Thanks for being a good son, Sky! Mana ka talaga sakin!" Tapos ginulo ni papa ang buhok ko
"Asus Saico! Lahat nalang ata mana sa'yo eh! Ikaw na, parang ikaw nanaganak eh!"
Yung mga ganito nila mama at papa ang nakakainit talaga ng pandinig ko...
"Totoo naman honeybabes, pero sige sayo na ang brains! Reto ko na 'yon saiyo" Dad laughed, and they're so noisy.
"Ma.. Pa.. Sige na po! Doon na kayo sa labas ng kwarto ko mag talo" sabay tayo ko at yakap sakanila, yup! pinapaalis ko sila
"Grabeh ka talaga anak.. Pag gumaganyan ugali mo mana ka sa mama mo eh.. Nakailang papaalis ang mama mo sa 'kin sa kwarto dati nong buntis siya" pag-alala ni papa
BINABASA MO ANG
Hey, It's Love! (TST #1)
RomanceSaico Series #3 Triplets Series #1: Sky Sairus Javier-Spencer