Chapter 40

251 12 8
                                    

Gwenette Alina Richmond's POV

"Miss Gwen, your breakfast is ready" tumango lang ako sa aming kasambahay.

Nandito na ulit ako sa amin, Westminster, United Kingdom., Ang totoong buhay ko, ang totoong lugar kung saan ayoko na sanang balikan kung may pagkakataon lang ako. I hate here, ayoko dito.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil nawalan na ako ng pag-asang makapag desisyon at wala na ata akong ibang kinaiinisan ngayon kundi ang hayop na Sebastian na yun at itong tatay kong nagbenta sa akin. Akala ko makakatakas na ako sa pamumuhay na ito habang buhay pero ngayon nga ay tuluyan na akong nakakulong sa lugar na ito.

12 years old ako noong itinakas ako ng aking ina sa Pilipinas, sa kaibigan niya raw at iyon nga ay si Tita Mel, noong buhay pa si Mama ay mabait naman si Tita Mel pero noong namatay na ang mama ko ay umiba na ang ihip ng hangin, pinagtrabaho niya ako at minsan nasasaktan niya na ako, pero ininda ko iyon dahil wala naman akong choice dahil niisa sa Pilipinas ay wala akong kakilala at noon ay hirap pa akong magtagalog.

Swerte nalang isang araw ay narinig ko si Tita Mely na may kausap sa cellphone at ito nga ay ang aking Ama. Sinasauli niya na ako kapalit ng pera, lugi na ang negosyo namin noon pero may mga maliit na property parin kami na nakakatulong. Noong marinig ko ito ay napag desisyonan kong lumayas sa bahay na yun. Hindi ko alam kung saan pupunta kaya nag palaboy laboy ako sa daan. Natuto akong makipag sapalaran sa buhay at maging palaban para mabuhay. Mabuti nalang ay may tumulong sa aking matandang ale na nagmamay-ari ng isang karenderya at binigyan niya ako ng trabaho.

Simula noon ay nag pasya akong burahin ang mga alaalang iyon at simulan ang buhay ko sa pag-aaral at pagtatrabaho sa karenderya. Hindi naging madali sa akin ang mamuhay ng mag-isa pero kinaya ko ito basta lang ba ay maging matatag ako at palaban sa kahit anong laban na kakaharapin ko.

Akala isang kaibigang maituturing si Sese dahil sa mga naipakita niya sa akin pero hindi pala! Isa siyang impostor at abot kabilang buhay na ang galit ko sakanya. He, Sebastian Lloyd Mckinley is actually the guy I am forced to married with., Ang pamilya nila ang tumulong para makaahon ang pamilya namin sa paglubog, sakanya ako binenta ng tatay ko. I though he's true, I thought he is a friend but he isn't! He was just trying to make me fall for him pero hindi nangyari dahil nakilala ko si Sky and I loved that man forever! Pinagbantaan na ako ni Sese out of his desperation na idadamay niya si Sky at ang pamilya niya kung hindi ako sasama sakanya pauwi dito., He is heartless! How can I marry that kind of person? How can my so called Dad allow me to marry a man like that? ang sakit.

"Good morning my princess" Bati ng aking tatay pag dating ko sa dining area namin.

Umupo lang ako dun without saying any words sakanya protesting that this is not the life I wanted! Simula ng pagdating ko dito sa amin ay never ko na siyang kinausap except kung siya mauuna. I just hate him so much. Sino ba naman kasi nagsabi sakanyang mag sugal siya ng magsugal? Urgh!

"Today, as our company has started to merge with Sebastian Mckinley's family, I want you to take over the management, is that Okay?" ngumiti pa siya "I realized that it was really so smart of you to have business management as a course, it suits well" Wala akong pakialam,  bahala siya.

"can I have a pbone?" sabi ko

"As much as I wanted to my princess, clearly, Sebastian told me I need to excempt you from having a chance to communicate with.."

"I get it! I'm sold by flesh and that doesn't excempt my freedom. Okay!" tumayo at umalis, pisting buhay to!

Hindi ko pa nakikita yung Sebastian na yun simula noong pagdating ko dito pero pag nakita ko siya makakatikim talaga siya ng kamao ko! Nyeta siya!

Hey, It's Love! (TST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon