Chapter 9

330 20 2
                                    

"Mag taxi na tayo" I said kahit parang wala naman akong kausap.

Binaba ko muna ang bitbit kong pinamili para pumara ng taxi, si momo naman wala siyang kibo, bahala nga siya sa buhay niya. It's better of that way, tahimik siya.

Pagkadating ng bahay nila lola agad naman siyang lumabas ng kotse at sumabay na sa akin papasok sa bahay.

"So you're here?" malditang tugon ni Rain

"Bakit?" tanong ko, pumasok naman si momo sa kusina ng tahimik at sinundan siya ni mama, magluluto daw kasi ng meryenda, spaghetti.

"I thought so, dito talaga ang punta mo!" She smirked

"Of course naman Ulan, bakit bawal ba pumunta si Sky dito? Ikaw talaga" sabay akbay ni Cloud kay Rain na natatawa pa.

"Hoy kayong tatlo, tulungan niyo mama niyo, Rain, sige na!" Pagsabi ni papa

"Kaya na nila yan pa, and Rain? Ano naman ang alam nito? Nagging ang specialty niyan eh" si Cloud talaga

Mabigat na naman ang loob ni Rain sa akin, alam ko naman ang punto niya, she hates momo for me kaya nairita siyang nakita na andito ako plus kasama ko pa si momo kanina papasok ng bahay galing grocery, si Rain, she hates what she hates, loves what she loves, you can't force her to do this and that.

"Sky, tingnan mo to" pakita sakin ni Cloud ng cellphone niya, loko loko talaga, pinakita niya lang naman sakin ang mga babaeng naka two piece.

"Gago ka talaga Ulap!" Napalingo ako

"What? Ang isa diyan kasi Ex ko.. Ganda na nga eh, sexy pa" he grins

"Tss.. Hanggang tingin ka lang naman diyan eh!" Pang aalaska ko kay Cloud

"Oy, ano yan patingin" pakikijoin ni papa.

Nasa dating kwarto kasi kami ni mama ngayon ni cloud, pahigahiga dahil napagod ako, not to mention na muntik na ako matigok kanina sa sinehan.

"Pa, bawal kana nito kasi oldies kana, tsaka may mama kana.." Sita ni Cloud, siya lang naman ang nakakasalita ng ganyan kay papa.

"Oldies? Kelan ba ako napagkamalang tatay niyo? pag nag bo'boys bonding tayo huh? Si Sky pa nga oldest sa atin eh" Pagmamayabang ni papa..

True. Napagkakamalan kaming magkapatid lagi o di kaya magbarkada pag nagsasama kaming tatlo nina Cloud at papa. Halos magkasing tangkad kami tapos sabi ni mama parang di daw tumanda si papa kaso lagi nasisita nila mama na isip bata daw kasi si papa kaya di tumanda. Tss

Pero mind you, iba magalit si papa. Nakakatakot siya, I've seen him got angry once, na as in super angry talaga nong nasa London kami, nakakatakot siya.

"Eh, kahit na pa. Tsaka bawal kana sa mga ganito!" Sita ulit ni Cloud.

"Sus, ako dati lahat ata ng girlfriend ko dati puro sexy, mama niyo lang di talaga showy sa skin eh" natatawang tugon ni papa

"eh, pa.. Sakanya ka parin napunta, pano naman nangyari yon? How did you know na si mama na? kasi kelangan ng advice ni Sky eh, may prospect na kasi siya" ako na naman na kita ni Cloud.

"Talaga Sky? Hmm.. Nong nagkaroon ako ng chance sa mama mo ang feeling ko kompleto na ako, ayokong nalalayo ako sakanya, ayokong may nakikitang kasama siya na iba, ayaw ko na may nagkakagusto sakanya, kahit super suplada niya nacucute-an padin ako sakanya parang ganon, feeling ko lagi pag gising ko masaya ako" sabi ni papa, corny.

"Pa, totoo ba? Na nagkagusto si Tito Clarence at Tito Alex kay mama? Mga pinsan niyo sila pa ah.." Sabi ni Cloud na ikinagulat namin ni papa.

"Wawents na naman nag kwento niyan ano? Mga hayop talaga mga tito niyo'ng yon! Ang yayabang!" Bulyayaw ni papa.

Hey, It's Love! (TST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon