Pumasok na kami ni momo sa loob ng aming hotel room dahil narin sa tumitindi na ang lamig.
"Momo, is it really fine with you na iisa lang tayo ng kama? Okay lang sa akin kung sa sofa na ako matulog" I said.
Napatigil siya sa pag aayos ng kama at napatingin sa akin, she was looking at me like she's trying to figure out something. She sighed.
"Sky, seryoso ka ba talaga? Okay lang talaga! Tsaka noong sa retreat natin nagtabi na tayo ah, ngayon ka pa nahiya at na concern? Girlfriend mo ako Sky" she insisted.
"Ikaw bahala. Baka lang naman kasi isipin mo na napaka ungentleman ko at nakipag tabi agad ako sayo" nakakahiya tong topic namin ngyon.
Natawa si momo sa sinabi ko kahit hindi naman ako nag bibiro.
"Ang cute mo Sky" parang kinilig pa siya dahil nanggigil pa siya sa unan. "Alam mo naman na kahit anong gawin mo okay lang sa akin basta ba hindi ako nasasaktan o dikaya di mo 'ko pinag kakatuwaan eh!" She smiled widely habang bumabalik siya sa pag aayos ng mga gamit namin.
Napapikit na ako noong may kumatok sa aming pintuan, tumayo ako para buksan ito and just as I expected, si Kuya Kristoff ito.
"Nadisturbo ko ba kayo? Sorry" natatawang tugon niya "may gusto kang sabihin sa akin Sky?"
"Yes, sana pero pwede ba sa labas na muna tayo?" Pumayag siya at nagpaalam narin ako kay momo at okay lang naman siya.
Noong nasa labas na kami ay umupo kami ni Kuya Kristoff sa isang bench along the hallways ng floor namin sa hotel.
"Sky, may problema ba?" Kuya Kristoff seemed clueless. Hindi ko tuloy alam kung appropriate pa ba na tanongin ko pa siya about Grace and him.
"Ano.. I just want to ask you something kuya"
"About what Sky?" Napatitig na sa akin si Kuya Kristoff "Is this about you and momo sharing one room? C'mon Sky, you just to hold it in. If you can't then go through it. If you get her pregnant then.."
"Kuya!" Pinukulan ko siya ng naliliyab na tingin. C'mon, the heck!
"It's not?"
"Kuya, ano ba kayo ni Grace? That's what I wanna ask!" I smirked. Kainis eh. Bahagyang natawa si Kuya Kristoff. Was that even funny? Damn
"Akala ko naman you're asking about my experiences" tumawa siya "what about me and Grace?" Kumunot ang noo niya
"Kayo ba?" Ewan ko ba! Malabo at magulo din minsan kausap si Kuya Kristoff eh. Minsan seryoso minsan naman nasasaniban ng kaluluwa ng wawents tropa ni papa. Tsss
"Do we look like one?" Ngumisi si Kuya, parang engot eh "We're friends. I like her but we're not a couple Sky" sabi niya
"You like her?" Pag klaro ko
"Yup.. But you know Sky, it's not because I like her means liligawan ko siya. She likes someone else and it isn't me. Isa pa, alam mo na. Kung magdedecide ako na makipag relasyon, It definitely needs alot of process" natawa siya
Sabagay oo nga naman. Kay Rain pa lang, mahihirapan si Kuya na mag paalam.
"Kailangan ko pa dumaan sa mga palad ng triplets" tumawa na naman si Kuya parang may topak lang
"Ang gulo mo talaga kausap. Mag sama kayo ni Cloud!" Tumayo na ako "matutulog na ako" sabi ko at palakad na pabalik sa kwarto
"Sky" napalingon ako "if I found that girl that my heart would beat for, I'll tell you, okay?" sabi niya at tumango lang ako at naglakad muli "Sky" ang kulit, pero lumingon na naman ako "sigurado ka ba na di mo kailangan ang advice ko? Baka makatulong?" Tumawa na naman siya
BINABASA MO ANG
Hey, It's Love! (TST #1)
RomanceSaico Series #3 Triplets Series #1: Sky Sairus Javier-Spencer