"Handa na ba ang lahat? Baka may nakalimutan pa kayo?" Sabi ni mama. Inaayos namin ang mga dala naming gamit sa sasakyan.
As planned ihahatid nga kami nila papa sa Laguna, sa mismong venue na pag dadausan ng aming retreat. Si Cloud at Rain ay panay check sa mga cellphone nila. Social Media users kasi sila, When, I have none.
I don't have facebook, twitter, instagram or whatever.. Why? It's just asking too much of my private life, I don't need to share.
"Grabeh mamimiss ko ang cellphone ko, isang linggo din" nakabusangot na tugon ni Rain sa amin.
Linalakbay na namin ang daan papunta sa bakery nila lola kung saan dadaanan namin si momo. Hay, still got all the craziness momo had to share sa kaibigan niya.
Nalaman ko na si Sebastian ang nag bansag kay momo ng palayaw nitong 'momo'.. They're Junior highschool mates at dahil napakick out si momo sa dating school ay hindi na nila nagawang mag-usap at magkita mula noon. 2 years na daw ang nalipas.
"Sky, sinali mo ba si momo sa mga groceries na binili mo? Baka mamaya walang supply si momo for the whole week" sabi ni mama
"Grabeh naman ma! Sky knows the principle sharing is loving kaya for sure" sumingit na naman si Cloud.
Inirapan ko nalang si Cloud at ngumisi ito na parang nakakaloko pa. Langhiya. Napaismid nalang ako sa ginawa niya.
"Oh, ayan na pala si momo" nasa labas at nakaupo sa stairs si momo ng bakery ng madatnan namin siya.
"Sky, tulungan mo naman si momo sa gamit niya!" Cloud winked
Nagpakawala ako ng malalim na hininga, can I just breathe stronger para matangay si Cloud? Nakakairita na talaga eh.
Lumabas ako at sinalubong si momo at kinuha ang bitbit na grocery bags siya na nagbitbit ng pack bag na para sa gamit niya.
"Good morning momo" bati ni Cloud sakanya
"Good morning po sainyong lahat" ngising tugon ni momo
"Oh, momo? Yan lang ba ang dala mong gamit? One week tayo don ah at hindi 2 days!" Ngising tugon ni Cloud
"Will that be enough momo?" Tanong ni mama
"Ay opo, tsaka bumili po ako ng sabong panlaba, kaya maglalaba po ako doon" she replied
Dahil maaga kaming bumyahe ay nag stop over muna kami sa isang fastfood para mag breakfast, niisa sa amin wala pang kain kasi maaga kami bumyahe.
"Sky, Cloud kayo na umorder" sabi ni mama, at agad naman akong tumayo kasama si Cloud but into my surprise sumama din si momo.
"Sky, bayad ko.. Yung 50php lang, pwede naiyan" she smiled innocently
Nawala na naman ang matalim at nanlilisik niyang mga mata at bumalik sa pagiging kalmado. What a pretender.
"Seriously?!" I smirked
"Seryoso, magbabayad nalang ako or ako na umorder ng sa akin" sabi niya, ang kulit.
"Leave it to me, bumalik ka na!" I commanded and she showed me a weird look. hay! Umalis siya at bumalik sa table namin.
"Ang cute talaga ni momo Sky no? She told me na nahihiya na siya sa pamilya natin kaya ayaw niyang magpagasto, kaya siguro nagbigay siya ng pera para pambayad niya, I really like how genuine she is" ngising tugon ni Cloud and I can't dig in for the reason kung bakit sinabi niya pa ito.
Umorder na kami ni Cloud at bumalik na sa table namin bitbit ang mga dala namin'g orders.
"Oh, kumain kayo ng marami.. momo, sige na 'wag na mahiya" pagsabi ni mama
BINABASA MO ANG
Hey, It's Love! (TST #1)
RomanceSaico Series #3 Triplets Series #1: Sky Sairus Javier-Spencer