Hindi ko alam at hindi ko ma distinguish kung gaano ako kagalit ngayon. Napipikon ako kay Sky!
"Moureen, are you okay?" Pag tanong ni Tita Dee.
"I'm fine tita, mediyo inaantok lang" I lied. Ang totoo naiinis ako ng sobra-sobra. Nakakabadtrip si Sky, mahabagin.
Gumising nga ng umaga pero nambadtrip pa rin. Just as he insisted kahapon dahil nga sa issue niya sa suot ko. Binigyan niya ako ng kondisyon kaninang umaga, sasama lang daw kami sa trip na to kung susuotin ko ang rush guard na binili niya. Yes! May parang store dito sa resort for swim wear, souvenir shops and all. Bumili pala siya at iyon nga pinasusuot niya sa akin. Nakapag promise ako kay Tita Dee na sasama kami ni Sky kaya wala akong choice. Of course nag suot ako.
Pero hindi ko na kinausap ang isang 'to. Bahala siyang mapanis ang laway niya. Hindi ko talaga siya kakausapin. Ergh.
Alam niyo ba iyon?! First time ko pumunta sa ganitong lugar, tapos sobrang effort ko pa para lang maka pag suot ng bikini tapos ano? Gaganituhin ako ni Sky?! Nakakabadtrip talaga. Bahala siya diyan.
"Momo, kainin mo itong hard boiled egg oh, hindi ka kumain kanina. Baka malipasan ka ng gutom" kanina pa siya nagpapapansin sa akin hindi man lang makaramdam. Bwisit. Inirapan ko nga.
"Kanina ka pa momo, problema mo?" Tumabi na siya sa akin sa bangka "may problema ba tayo dito, ha?" Makiramdam ka Sky utang na loob at baka mahagis kita sa dagat.
"Momo, look at the corals! Wow!" Mabuti nalang talaga at tinawag ako ni tita dee at naiwasan ko na naman si Sky dahil sobra na kasi ang pag pipigil ko eh. Nababadtrip ako ng sobra.
"We can start the diving here, Ser and Mam" pag tugon ng driver slash tour guide namin.
Inilagay ko muna ang mga bitbit na gamit ko sa loob ng bag at kinuha ang underwater camera na dala namin ni Sky, pinadala sa akin ng mama niya 'to eh at pag katapos nun ay walang kibong dinaanan ko lang si Sky at lumusob sa dagat. Halatang nag pipigil din ng inis si Sky. Ganiyan ang itsura niya lalo na at galit ito sa akin. Hindi siya vocal pero ang mga mata niya lalo na ang pag kunot ng noo niya says it all. Pero of course! Kailan ba ako nagpatinag sa kaniya? Bahala siya.
"Uwaaaa! Look at these shots!" Tuwang tuwa akong pinagmasdan ang mga kuha kong pictures mula sa camera.
"They look wonderful Momo, are you sure you aren't a professional photgrapher?" Binibiro na naman ako ng asawa ni Tita Dee na kano.
"Hey momo, nag away ba kayo ni Sky? Parang wala sa mood iyong boyfriend mo at doon lang siya sa bangka ah" napansin na ni tita Dee ang walang pagpansinan namin ni Sky
"Hayaan niyo nalang iyan tita. Ganiyan talaga iyan" I said. Kala mo naman madadala ako sa mga kaartehan niya. Of course, sa aming dalawa ni Sky ako itong super inlove sa kaniya pero natitiis ko naman siya eh lalo na pag sobra na ang ugaling pinapakita niya sa akin.
"Sky, let's eat?" Hindi na siguro makatiis si Tita Dee dahil ultimo sa kainan hindi ko tinawag si Sky.
Tumabi si Sky sa akin at umurong ako ng kaunti ang kaso dumikit parin siya sa akin. Kinuha niya pa ang platong bitbit ko at nilagyan ng pagkain. Walang imik kumain siya at syempre kumain din ako. Nagsalo kaming dalawa sa iisang plato.
"Ang cute niyo naman mag tampuhan dalawa. Sweet pa rin" parang kinilig pa si tita Dee sa aming dalawa. Nakakaloka.
"Mag bati na kayong dalawa. Andami pang adventure na pupuntahan pangit naman kung magkaaway kayo!" Sita sa amin ni tita dee.
"What's so good about wearing bikinis on places like this?" Nagulat ako sa sinabi ni Sky, Hindi ko inexpect na mag buburst out siya ng ganoon, pansin ko din sila tita eh.
BINABASA MO ANG
Hey, It's Love! (TST #1)
RomanceSaico Series #3 Triplets Series #1: Sky Sairus Javier-Spencer