Kinabukasan ng pag gising ko ay agad akong nag-ayos for an adventure today, wala naman akong plano pero gusto ko lang talagang maglibot.
"Good morning Miss Gwen" si Annie.
Pumunta kaming dalawa sa restaurant ng resort. Everything feels surreal. Hindi ko parin lubos na mapaniwala ang sarili kong Sky and I are in the same country at mamayang hapon ay maaari kong makita ang kapatid ko. I want to make things all worth it. Ang pangsamantalang paglaya ko ay maaaring simula ng maraming pagbabago.
Masama kayang pangarapin kong iligtas ako ni Sky, kahit ngayon lang?
"Are you okay Miss Gwen? You haven't touched your food yet, jetlag?" si Annie ulit.
"Maybe." I smiled "My brother's coming here today. He doesn't know that I'm here yet, I hope you can give us time to bond Annie" tugon ko sakanya
"I understand Miss Gwen. Sir Seb has been contacting me every now and then. He must be really worried right now. He must be really afraid that you'd be escaping away"
Napatingin ako kay Annie. Escape? Pwede kong gawin iyon. Pero hindi ko kayang ipahamak ang mga mahal ko sa buhay lalo na si Sky at Gabin na maaaring madamay pag sinuway ko si Sebastian. He is a powerful man, anong laban ni Sky sakanya? Sobrang tamad pa naman iyon, baka nga ioffer niya nalang ako kay Sebastian ng walang kahirap hirap eh. Hay, sobrang miss kita Sky.
"I will not make things hard for you Annie. Don't worry" I smiled.
Pagkatapos ko mag breakfast ay nagpasya akong maglakad sa buhangin ng dagat. At 6am, sobrang ganda ng dagat, ang ganda na ng Casa Luisa. Sa loob ng limang taon kay rami na nga ng pagbabagong nangyari at isa lamang ang nananatili, ang pagmamahal ko kay Sky. He's my one great love na kailangan ko ng ipatangay sa dagat.
Hindi ko alam kung bakit naging ganito kasaklap ang buhay ko. Minsan ko lang nasabi tunay akong masaya, iyong panahong kasama ko pa ang Mommy ko, nakilala ko si Gabin at iyong minahal ko si Sky at naramdaman kong minahal din ako niya ako.
Sad story? Hindi naman siguro. Sadyang hindi lang siguro kami para isa't-isa ni Sky sa lifetime na ito.
Napapikit ako ng aking mata at dinadama ko ang bawat paghampas ng hangin'g amoy dagat sa'king mukha at hindi ko mapigilang mapaiyak.
Letting go is never too easy, specially if it meant like letting go of your life.
Napaupo ako sa buhangin, gusto kong sariwain ang mga alaala namin ni Sky. Iyong mukha niya tuwing nagagalit at naiirita siya sa kakulitan ko at iyong mga titig niyang isinisigaw na mahal niya ako.
"Miss Gwen, I'm sorry to interrupt you pero you have a phone call" si Annie all of a sudden.
si Dad pala.
"Why the heck did you chose to comeback there?!" galit siya
"What's the problem. I've talked to Sebastian already and he gave his permission to me. You don't need to whine about it. I'm coming back, don't worry! This is a trip to burry everything in me. You need to be happy instead, I'm doing this because you wanted me to do so. I'll be there in 5 days, I'm going to marry Sebastian as you pleased." Tugon ko at iniabot na kay Annie ang phone.
BINABASA MO ANG
Hey, It's Love! (TST #1)
RomantizmSaico Series #3 Triplets Series #1: Sky Sairus Javier-Spencer