Chapter 45

361 29 17
                                    

Ps: Sorry sa naghintay. Labyu! ❤

---

Chapter 45

"Sky?" Pagtawag ko sa pangalan ni Sky matapos ko tapusin ang tawag ko kay Sese.

Nag-asta akong galit sa ideyang pagsunod ni Sese sa'kin dito sa Samal. Ang sabi niya'y tama na raw ang halos apat na araw na bakasyon ko dito na wala sa kanyang puder. Pero dama kong may mga nalaman siyang hindi niya dapat malaman tungkol sa lugar na 'to.

"First thing firsts," sabi nito, "Let's run away!" he said at nagulat ako sa sinabi niya.

"P-pero Sky, nasabi ko naman sa'yo ang kayang gawin ni Sese, diba?"

"I should have known better." he smirked, "I'll protect you Momo, I won't let him steal you once again from me. He'll definitely regret it. Damn him."  Seryosong tugon niya.

Tumango na lamang ako't humugot sa mga binitiwang salita ni Sky. Hahayaan ko siyang ipagtanggol at protektahan ko, mga bagay na ipinagkait kong gawin niya sa'kin noon pa man.

"Nakausap ko na si Cloud at papunta na silang port ngayon. They're about to track kung nakasakay na ng barge ang Sese na 'yon. This Casa owns a yacht, we'll be using it to escape." he said at sobrang seryoso niya at sobrang talino pa. Siya nga iyong Sky na unang minahal ko. Siya pa rin.

"Ate!" si Gabin at kasama niya si Rain na tahimik lang sa gilid. She's mad at me but she's silent. Normally, sinugod niya na ulit ako lalo na't hanggang ngayon ay sobrang higpit pa rin nang pagkakahawak ni Sky sa kamay ko. Kanina pa 'to at hindi siya bumibitaw at ganun din ako sa kanya.

"Let's go. We can't waste any time." sabi nito kaya naglakad na kami papuntang daungan ng yate para makaalis na.

"Nakaabang na po daw iyong sasakyan na pinadala ni Tito Jed sa port, Kuya Sky!" si Gabin pagkatapos niyang ibaba ang tawag.

"Good. Tell him to provide everything once we arrived in Manila safely!" utos ni Sky at tumango agad si Gabin. Sobrang surprise ako sa kung gaano naging sobrang close si Sky at si Gabin na noo'y hindi naman ganito. Iba sa pakiramdam na ngayo'y nasaksihan ko mismo.

"Hindi ba't si Momo lang ang gusto nila? Let's just give her to them Sky, we have a new life! Bakit kailangan pa natin madamay sa mga ganitong ganap?!" si Rain at kinakabahan ako sa kanya.

Alam kong nakakahiyang idamay sila ngayon sa gusot na kinasasangkutan ko pero I saw before my eyes how determined Sky is to save me kaya gusto kong tulungan si Sky sa nais niya.

"Once we arrived Manila then you're out of this mess Rain. Hindi kita idadamay dito!"

"Really now Sky? Sigurado ka ba talagang hindi madadamay ang pamilya natin dito?! Well, siguraduhin mo lang dahil pag nalaman nila Mama at Papa 'to at mapahamak sila, ako mismo ang maghahatid sa babaeng 'yan sa kung saan siya nararapat!" si Rain at umirap na lamang ito noong hindi siya sinagot ni Sky.

Nakasakay na kami ng Yate at kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Napasandal ako ng ulo ko sa balikat ni Sky na hanggang ngayo'y nakahawak pa rin sa aking mga kamay. Mahigpit, sobrang higpit. Damang-dama ko ang takot niyang mawala muli ako sa buhay niya. Ang halaga ko sa kanya'y nararamdaman ko rin. Kung siguro una pa lang naging matapang akong aminin kay Sky ang mga tinatago ko'y hindi na umabot sa ganito pa.

"I'm sorry Sky," I whispered

"Shh..." pagtabon niya ng bibig ko, "Sleep, everything's going to be okay, Momo! I will not let them take you away from me once again." pag ganti niya sa aking bulong.

"Kakapit ako Sky, magiging matapang ako sa pagkakataong ito. Para sa'yo, para sa'tin." at napapikit ako ng aking mata.

Sa muling pagdilat ng aking mata ay nagising ako sa pagdaong ng aming yate na sinakyan sa daungan ng mga barko sa Davao. Agad kaming bumaba sa yate at may sasakyang itim ang sumundo sa amin. Andito na sila Cloud.

Hey, It's Love! (TST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon