Chapter 22

286 18 0
                                    

Momo's POV

At long last, finally it's my time to shine. Hello, I'm Moureen Castillo better known as Momo. Ako ang girlfriend ni Sky, first girlfriend niya. Is he my first? No. Pero siya ang last ko.

Being Sky's girlfriend is never really easy, as in. Andami niyang ugaling hindi ko gusto at sa tingin ko mas marami pa atang ugali ni Sky ang hindi ko gusto pero love na love ko parin siya.

I met Sky isang beses sa school namin dati. He's competing against me in a Quiz bowl sa sobrang talino niya hindi ko kinaya ang powers ko. Akala ko dati dahil nasa Private school siya ay hindi siya masiyadong magaling. I mean minsan kasi naiisip ko na ang mga teachers na nasa public ay mas pursigidong mag turo dahil malaking suweldo. Well, iyon ang paniniwala ko dati. Pero noong nakilala ko si Sky, mali pala. Sobrang talino niya.

Sa totoo lang siya ang unang tumalo sa akin sa larong iyon. Dahil doon ay hindi ko maiwasang magkagusto sa kaniya. Kung titingnan mo pa siya dati sa malayo ay para siyang kumikinang. Tahimik lang siya, naka eye glasses pa at talaga namang saksakan ng gwapo. As in!

Pero dahil nga isang beses lang nangyari ang pagkikitang iyon ay tila nawala narin siya sa isipan ko. At talaga namang andami kong pinagdaanan sa buhay noong mga panahong iyon kaya tuluyan ko na lang siyang ibinaon sa limot.

Masalimuot ang naging buhay ko simula noong lumayas ako sa amin. Pumanaw na ang mommy ko at naiwan ako kasama ang lasenggo kong tatay at talaga namang lubog pa sa utang dahil sa pagka-casino niya. I hated him kaya umalis ako sa bahay namin. Di bale ng mag isa nalang ako alam ko naman na kaya ko ang sarili ko.

Tumira ako sa kaibigan ni Mama pero hindi rin sila well off kaya hindi rin ako nagtagal doon. Nakakahiya naman kasi. At Age 15 naging palaboy ako sa kalye kahit saan saan ako natutulog pero marami namang pagkakataon na may tumulong sa akin.

Nakapag trabaho ako sa isang karenderya kaya kahit papano sinuwerte din. Umupa ako ng isang bed spacer, mabait sa akin ang matandang may-ari non at madalas ko siyang pinaglalaba kaya imbis na 600 na upa sa kwarto, naging 300 nalang. 500 daan ang suweldo ko sa buong linggo kaya kahit papano talaga nakakaraos ako, ilang taon din na ganoon ang routine ng buhay ko.

Kahit anong hirap ng buhay ko noon ay talagang nag aral ako. Suwerte din kasi ang puwesto ng karenderyang pinag ttrabahuan ko ay nasa harapan lang mismo ng public highschool. Halfday lang ang duty ko sa karenderya pero hanggang linggo.

Doon nakilala ko si Sebastian, mabait siya sa akin. Transferee siya at halatang mayaman kutis pa lang pero sa public school parin siya nag aral pero ayon nga, naging magkaibigan kaming dalawa.

Simula noong magisa na lang ako ay hindi na ako nagpapaapi. Wala akong ibang katuwang sa buhay ko kaya syempre hindi dapat ako maging mahina.

Nakilala ko si Gabin, tatlong taon ang bata niya sa akin kahit may pamilya siya parang ulila din siya. Lasenggo ang tatay niya at ang nanay niya naman ay may ibang pamilya na. Lagi pang napag bubuhatan ng kamay si Gabin ng tatay niya lalo na pag kinukulang ang bigay na pera ni Gabin sa tatay niya mula sa pagtitinda ng kalamansi at selopeyn sa palengke. Naging close kaming dalawa to the point na magkapatid ang turingan namin sa isa't isa.

Isang araw ay napagdiskitahan ako sa school. Uso ang bullying noon sa amin, kahit pa ako itong mukhang bully dito sa paaralan, peksman! Kelan man hindi ako umuna sa gulo. Tsaka, kung tutuusin nga pride of the school ako eh dahil halos lahat ng contest ako ang lumalaban kaya nga nakilala ko si Sky eh. Pero dahil nga sa maimpluwensya ang pamilyang nambully sa akin, sa kasamaang palad ako pa itong na kickout. Wala akong magawa noon at napanghinaan na ako ng loob pero lumaban parin ako. Nag ipon ako mula sa pagtatrabaho sa karenderya at kahit anong raket pa diyan.

Hey, It's Love! (TST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon