"Sky, Sky gising muna, bilis" napadilat ako, si Rain nanggigising.
"May problema ba?" I said at isinuot ko muna ang eye glasses ko. I did some stretching at tumayo. I feel like a zombie right now, inaantok pa ako, alas otso pa lang.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nagkakagulo sa baba kaya bahagyang naibalik ang uliran ko sa ingay na nagmumula sa baba.
"Oy ayan na si Sky" andito ang mga tito wawents namin kasama ang mga asawa nila well except tita Lea.
"Ano ba naman yan Sky, kanina pa kami dito ah" reklamo ni Tito Lance
Si Cloud nakapulupot na sa favorite tito niya daw na si Tito Jed halatang sabog din, si Rain naman nakay tito Kris nakasandal.
"Bakit po andito kayo?" Sabi ko sabay tabi kay Tita Karen, ang bestfriend ng mama ko.
"Eh kasi nga Sky diba inabanduna na kayo ng parents niyo? So eto kami to the rescue" si tito Red lang natawa sa sariling joke niya "pero seryoso Sky, tinawagan kami ng papa mo kagabi na bantayan muna kayo habang nasa London pa sila"
"Hindi naman pwedeng sa mga bahay namin muna kayo tumira kasi sa ideyang ganyan alam ko di niyo na feel kaya we decided na bisitahin kayo everyday depende sa schedules" sabi ni Tita Karen
"Except sa amin kasi kapitbahay lang naman tayo. Bibisita ako every gabi, dapat by 10pm nasa bahay na kayo pag wala pa babalian ko kayo ng kamay!" Nagtawanan ang mga tito namin sa sinabi ni Tito Kris
"10 pm? 12am nalang tito. Ano ba naman yang 10, 16 years old?" Reklamo ni Cloud
"Gusto mo sayo 9pm?" Ewan ko talaga sa mga trip ng barkada ng tatay ko, ang iingay.
"I'm fine with 10pm, anything else?" Sabi ko.
"Ah, walang magdadala ng babae sa bahay! Lalo na kayo ni Cloud, may mga girlfriend na kayo, baka mamaya dahil wala ang parents niyo ay.."
"That won't happen Tito Red, Swear" sumabat na naman ako
"Makalalaban nila ako mga tito pag ginawa nila yan, I swear" Si Rain na inaantok pa
"Ipagluluto muna namin ang mga bata ng breakfast ha?" Tumayo si Tita Luisa, Tita Karen at Tita Hannah.
"Kampante naman ako kay Cloud eh dahil malamang di pa 'to nakaka score kay Mira, pero si Sky, di ko ma keri. Nalampasan ata si Pareng Sai" nagulat ako sa sinabi ni Tito Jed
"Oy, Sky! Sabi nga pala sakin ni Kristoff iisang kwarto lang kayo sa Davao ah, kamusta naman yun?" Si Tito Kris talaga.
Kapag andito talaga ang mga tito namin puro kalokohan ang mga sinasabi
"Spill it out Sky, si momo ayaw mag kwento sakin eh, feeling ko may something" damn it Cloud.
"Ew Sky, that fast? Ni wala pa kayong one year ni momo, akala ko ba..." Si Rain nakisawsaw narin.
"Natulog lang naman kami" sabi ko, nakakapikon dahil tumawa pa sila.
"Ganyan din ang papa mo! Ayun nagka triplets!" Tapos tumawa sila. Naiinis na ako sobra.
"Pero biro lang Sky, wag mo seryosohin. Joke lang! Basta magingat ka lang Sky ha? Wag mo naman kami agad gawing lolo" buti nga kay Tito Lance at nabatukan siya ni Tita Karen.
"Isusumbong ko kayo kay bestfriend. Akala niyo ha?! Si Sky na naman pinagdidiskitahan niyo" buti nalang talaga andito si Tita Karen.
"Oh pareng Sai, andito na nga kami! Oo kasama namin ang mga anak mo" tapos ni loud speaker ni tito Kris ang tawag ni papa.
"Wag kung anu-ano mga tinuturo niyo sa mga anak ko ah! Mga wala pa naman kayong kwenta! Lalo kana Kristoffer!" Si papa
"Wag ka magalala pareng Sai, tuturuan namin ng magagandang asal ang mga anak mo gaya ng mga itinuro mo samen, isa kang mabuting ehemplo" nagtawanan sila sa sinabi ni Tito Jed
BINABASA MO ANG
Hey, It's Love! (TST #1)
RomanceSaico Series #3 Triplets Series #1: Sky Sairus Javier-Spencer