Chapter 37

203 16 2
                                    

Momo's changes never stopped, mas tumindi pa dahil umaabsent siya ng hindi ko alam. What is really happening? May iba ba siya?

Just like today, absent siya sa klase and I'm trying to call her pero hindi ko siya macontact. Nakakabanas na dahil nag-aalala ako.

"Dalawang araw na magkasunod ng hindi pumapasok si Momo, Sky. Akala ko may ginagawa siya para sa eskwela?" Si Lola, yup, dinner time at pumunta ako sa bakery para hanapin siya, I'm a bit worried.

Ano ba pinagkakaabalahan ni Momo? Why can't she even contact me? Or just inform me about her whereabouts?

I care, syempre bukod sa girlfriend ko iyong tao, mahal ko 'yon. Does these have something to do with her past life? I mean baka kasali si Momo sa mga gangster groups, or like, siningil na siya ng mga pinagkakautangan niya? She told me bayad na lahat ah. Damn, kahit anu-ano nalang ang naiisip ko while heading to the condo. Wala na akong maisip pa na pupuntahan niya kundi ang lugar na yun. Where else?

Pagkarating ko sa building ay agad diretso ako sa unit. Nakailang doorbell ako bago mabuksan ni Gabin ang pinto.

"Kuya Sky, pasok po" sabi niya at agad akong pumasok habang lumilingon sa paligid

"Nasaan ang ate mo?" I asked facing Gabin now

"Nasa kwarto po siya, natutulog. Puntahan niyo nalang po" sabi niya at nakahinga ako ng maluwag. My worries are gone finally.

Pumasok ako sa kwarto agad at nakita ko si Momo ma mahimbing ang tulog. She looks really tired at himbing na himbing ang tulog niya kaya I decided not to wake her up para naman makapag pahinga siya ng mabuti.

Lumabas ako ng kwarto at nakikita ko si Gabin na nagluluto.

"Kanina pa ba tulog ang ate mo?" I asked

"mediyo po? pagdating ko kasi kanina galing pong school, tulog na siya. Busy ata siya eh" Si Gabin

Well, sobrang busy nga ni Momo, no doubt to that.

I decided to go home. Ayokong istorbohin si Momo. Panatag lang ako dahil she's fine at wala namang nangyaring masama. Great.

"Huy, maaga tumawag sila Mama, bakit daw wala ka pa" si Cloud.

"Eh? pinuntahan ko lang si Momo, I was just checking her, umabsent kasi siya not hearing anything from her, I was just worried. Tatawagan ko nalang sila Mama" kumuha ako ng cellphone ko at mag da-dial na sana ng number ni Mama.

"Joke lang Sky, just making fun of you. Hindi pa nga nakakarating si Rain eh, may dinner meeting daw siya sa labas" ngising tugon niya. Cloud is just so annoying.

"Siraulo ka talaga!" I smirked.

Kinabukasan, I received an early text from Momo.

From: Momo

Sky, sunduin mo 'ko sa condo ngayon. di ako aalis dito pag wala ka pa. I love you.

What's with her suddenly? Pero di bale na dahil namimiss ko na siya, sobrang miss kaya diretso ligo na ako, bihis at sa school nalang mag bebreakfast. Noong dumating na nga ako sa building ay nakita ko na si Momo sa labas, Ghad, I missed her.

"Sky!" sabay yakap niya sakin pagkalabas ko ng kotse ko "I miss you so much" tapos hinila pa ang batok ko para ikiss ako. Si Momo talaga.

"Miss mo nga ako" I said after our kiss "Tara na at baka ma late tayo" sabi ko.

Walang nagsasalita sa aming dalawa sa sasakyan ewan ko kung bakit.

"Pumunta ka pala kagabi sa condo? bakit di mo ako ginising?" sabi niya

Hey, It's Love! (TST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon