Chapter 33

238 18 20
                                    

Everynight hindi nagmimiss mag video call si mama at papa sa amin, tumatambay sina Rain at Cloud sa kwarto ko at doon nakikipag kulitan kanila papa at mama.

Iba na ang awra ni mama at papa ngayon kahit papano masaya sila. Of course they miss us pero as this happens, we're happy na nasusuportahan nila ang isa't-isa doon.

"Wala ng problema sa school requirements ha?" Pagtatanong ni Mama

"Wala na mama" sabi ko habang nakahiga na nakaunan sa may hita ni Rain

"Good, mag papadeposit ako sa mga accounts niyo ha? Sky, ikaw na bahala kay momo, Cloud yung sinasabi mong outreach ni Mira kasali nadin don yung donations" sabi ni mama, supportive ni mama sa mga girlfriends.

"Thanks ma, the best ka talaga!" Pagpuri ni Cloud "Teka, since kayo lang diyan at malayo kami, naku baka paguwi niyo malaman nalang naming magkaka baby ulit kayo ah!"

"Hala oo nga! No way! How did we even miss thinking of that?" Rain is overeacting "Mama, Papa No ha!"

"Mga siraulo kayo, kung ibigay edi blessing yun" ngumisi si papa

"Tumigil ka Saico, ke tantanda mo na" sita ni mama

"Pa, may nakasalubong nga pala kami ni momo one time sa mall, sabi niya kaibigan daw kayo sa section F tapos isa siya mga nagbabantay kay mama noon, his name is Roman, know him?" Pagkukuwento ko

"Oh, kilala ko. Ano sabi niya? Ano na ginagawa niya?" Tanong ni papa

"He owns a space dun sa mall, he said hi and that he's happy na nagkatuluyan kayo ni mama" yun lang

"Ah, ang sweet naman ng section F kung ganun. Sana ma meet natin sila Sai paguwi natin no? Mini reunion" sabi ni mama

"Oy gusto ko yan pa! Aattend si coach niyan malamang" yeah right. Member din ng section F ang coach ni Cloud sa basketball, kaya minsan napapaboran si Cloud lalo na sa mga penalties.

Random lang ang mga usapan naming lima, technically puro about sa mga ganap sa buhay namin the whole day, sa pamilya namin dapat open sa isa't-isa but of course may private din.

Every umaga andito si tita Luisa, usually she cooks breakfast for us yun nga lang, masyadong maaga pero no choice maaga kami nagigising.

Minsan tumatambay naman si Tito Jed, Tito Red o dikaya si Tito Lance, yun nga lang pag nakukumpleto silang mga tito namin, nagkakainuman kami.

"Sungs please, kasama ko si Sky oh. Sa bahay lang kami iinom promise yan!" Nagpapaalam si Cloud kasi nga may inuman sa bahay.

Kahit pa naman magalit si mama wala naman din siyang magagawa, si Tito Kris pa e parang siya pangalawang ama namin eh. Si momo, nag paalam rin ako syempre kahit alam ko namang papayag siya

Sabado ngayon at sa lunes na nga ay pasukan na namin kaya may paganitong event.

"Sa lahat ng stage ng pag-aaral, university life ang pinaka gusto ko. Bakit? Minsanan lang ang pasok at mature na lahat ng babae" tawang tawa si Tito Red

"Asus, mga panahong 'to ngayon ka ata namromroblema kung may nabuntis ka ba o hindi eh" sabat ni Tito Lance

"Alam niyo mga anak, kung ikakama niyo man ang babae wag namang yung pang one time! Maaga kayong magiging tatay niyan eh, take it slow para iwas disgrasya!" Advice kuno ni Tito Jed

"Mali yan Jed ano ba, kung mahal mo na diretsohin mo na. Buntisin na agad para di na makuha ng iba, wala ng kawala diba? Si Saico, ako! Dapat ganun eh, hindi maprepredict ang future kaya kung nasayo na wag na pakawalan, ganun ka simple" si tito Kris

Hey, It's Love! (TST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon