Chapter 11

293 21 3
                                    

"Bilhin niyo na yung mga kakailanganin niyo bukas para sa retreat niyo ha? Kayo na bahala at mag aasikaso kami ng papa niyo sa bakery ni lola bukas" sabi ni mama

Nasa hapag kainan kami ngayon, friday night having dinner together.

Sa sunday ang alis namin going to Laguna para sa Monday-Friday, saturday na uwi na retreat ng mga nasa Senior High.

"Why the need na mag asikaso na naman sa bakery ma? Diba okay na?" Pagtatanong ni Rain

"Hmm..." Nakita ko na napatingin sa akin si mama..

"Momo and Gabin will be leaving tomorrow.. Kaya syempre kailangan naming tulungan siya ulit sa mga gamit niya" leaving..?

"Leaving? Ano na namang drama sa buhay ni momo iyan?" Pagrereklamo ni Rain

"She even quit school already, simula nong monday she's no longer reporting.." Pagdagdag ni Cloud

"Guess, somebody just want her out.. Sayang si momo! With our help she can have a promising life, yet she prefers her life back to zero" si Cloud

"Duh.. Cloud? I believe kung gusto talaga ni momo na maging maayos ang buhay niya shouldn't she have to go on with her life and never let obstacles come in the way?" Rain rolled her eyes..

"Well, It's her decision, I have already offered her to manage the bakery branch sa magiging resort sa Davao ni Kristoff pero she also said no, sayang talaga, she's very masipag pa naman" malungkot na tugon ni mama..

"Let's just go on, desisyon naman ni momo ang masusunod. Well anyways, tumawag kayo don ha? And please lang walang gulo ha? Cloud,Rain and Sky.. Baka mamaya mag-away away kayo don!" Sabi ni papa

"Hindi pwede cellphone pa, retreat nga eh.. Tsaka hindi ako, personally maghahanap ng gulo kaya no need to worry!" Naka ngising sabi ni Rain

"What's life without a week of fun.. For sure boring lang doon! Hell week is coming fast" reklamo ni Cloud. Mas tinuturing niya pang hell week ang retreat kesa exam week.

"Sky, okay na ba lahat ng kailangan mo? Ihahatid namin kayo sa sunday ha, yung tulugan niyo don, okay na ba?" sabi ni mama

"No need ma, may school bus naman" sabi ko, bakit kailangan pa ihatid.

"Ah, mas mabuti na yong ihatid namin kayo.." Pag insist ni papa

Hindi na ako pumalag. Pagkatapos mag dinner, silang lahat nasa sala, nanunuod ng Tv, heck with this Cloud manunuod siya ng Teleserye. Tsk

Napahiga ako sa kama ko. Kanina pa naglalaban ang utak ko.. Part of it says I am the caused why momo needs to leave dahil sinabihan ko siya na umalis and another part of it says tama lang na umalis si momo para sa ikakatahimik ng systema ko and that there's nothing to be be guilty about what happened.

"Stay away from me" "she could have a better life if she stays" Damn it. Bakit pa ba kailangan seryosohin ni momo ang mga sinabi ko? Bakit niya sisirain ang mga pangarap na binuo niya nang dahil lang sa akin? Stupid momo.

Napatayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko at bumaba.

"Ma,Pa.. may pupuntahan lang ako ah, I will be back" sabi ko

"Saan ka pupunta gabi na ah, alas otso na Sky" sabi ni mama.

"Ma, let Sky go.. May mga importante siyang na realized just now.. Kaya let him" ngisi ni Cloud.

"Mag-ingat ka ha? Tumawag ka if something's wrong" sabi ni papa.

At agad na ako umalis. I drove my car, same model kaming tatlo iba't-ibang kulay lang, white yung akin.

Hey, It's Love! (TST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon