Chapter 43

309 26 20
                                    

"C-cloud?"

Ito na lamang ang lumabas sa'king bibig. Sobrang nagulat ako sa kasalukuyang akto ngayon. Andito si Cloud, could it be?

"I'm glad you're still alive. Iyon lang talaga ang gusto ko malaman eh!" He said. Nasa loob kami ng kwarto ngayon.

Sabi ni Cloud na sinabi sa kanya ni Gabin na andito ako sa Casa and the moment that he knew ay nag book agad siya ng flight to see me.

"Dapat kasama ko ngayon si Mira kaso nasa trabaho pa siya at pumayag naman siya na pumunta ako dito. Maybe susunod iyon dito boss!"

The usual Cloud, sobrang daldal niya parin na tila walang nangyari at tila wala namang galit na nakasabit sa bawat pananalita niya at tanging pagkasabik lamang ang nararamdaman ko.

"K-kamusta?"

Gusto ko kamustahin si Sky pero nahihiya at natatakot ako. Alam na kaya niya na andito ako?

"Amazingly, graduate na ako Momo. Tsaka may trabaho narin sa kompanya namin. Nasa isang department ako ng kompanya and si Rain naman ang president." Natawa ito "Basically, pag may kapalpakan akong nagagawa pinapagalitan ako ni Rain at sanay naman ako dahil siya naman ang mana kay Mama" Natawa ito.

Si Sky kaya? Bukod sa Casa Luisa, may posisyon kaya siya sa kompanya nila? Malamang naman siguro diba? Siya ang eldest sa triplets kaya imposibleng wala.

"Ikaw boss, kamusta? Mukhang mamahalin kana ah! Ano na nangyari sa'yo? Saan ka napunta?" Pagtanong niya at bahagyang kumalabog ang aking dibdib sa kanyang sunod-sunod na tanong.

Sasabihin ko ba ang totoo kay Cloud na malapit na akong ikasal?

"Mag breakfast na muna kaya tayo?" Tugon ko at ngumisi ako na tila ba hinukay ko si Momo sa libingan nito upang maging ako ulit at ibaon na muna si Gwen sa limot pansamantala.

"M-miss Gwen--"

"He is my friend, he's Cloud" sabi ko kay Annie dahil alam kong inakala niyang si Sky na ito. Hindi niya kilala si Sky by face pero for sure dahil naikwento kong may kambal si Sky at Cloud ang name ay may clue na siya.

Tumungo kami ni Cloud sa restaurant ng hotel nang Casa Luisa at doon nga'y nakasalubong namin si Gabin na kumaway lang sa'min na tila binibigyan niya kami ng privacy para mag-usap na muna.

"So ano na boss? Ano na nangyari sa'yo? Bakit bigla ka na lang nawala? Iniisip namin na tinangay kana ng mga gangster na kalaban mo dati eh! Buti na lang buhay ka! Iyon ang pinakaimportante!" sabi ni Cloud at agad subo naman siya ng pagkain.

"Ikakasal na ako Cloudy boy!" sabi ko sa kanya at nakita kong bahagyang nagulat siya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at napayuko nang bahagya, "Fixed marriage!" dagdag ko at ewan ko, nahihiya ako sa kinahihitnan ko ngayon. Nakakairita talaga!

"Ikakasal? so, hindi pa naman kasal. Naks! bigtime kana talaga boss!" natawa ito

Ewan ko ba pero napansin kong hindi rin itinatopic ni Cloud si Sky, hindi ko alam pero malamang ayaw niyang pag-usapan.

"Sorry Cloud ha. Nagsinungaling ako patungkol sa totoong pinanggalingan ko. Ang totoo, anak ako ng isa sa mga noble family sa London..."

Sinimulan kong ikwento kay Cloud ang lahat, wala akong tinira maliban na lang na mahal ko pa talaga si Sky na hanggang ngayon ay umaasa akong mailigtas niya ako, hindi naman ako nageexpect at kahit papaano ay tanggap ko rin naman na maaaring wala na talagang pakialam siya sa akin.

"That's sad. Kaya talaga masama na ang radar ko sa Sebastian na iyon eh! Fake news pala talaga ang lalaking iyon! Kung nalaman ko lang agad boss, binalatan na ng barkada iyon eh! Gago iyon!"

Hey, It's Love! (TST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon