Kabanata 11
Benjamin
Napagdesisyunan na bukas na nga lang ituloy yung photo shoot nila Nathalie at ni kuya. Kasal nila Nathalie at ni Harry...hindi ni—
"AJ!" Napatingin ako bigla kay Benj. Hininto niya rin ang sasakyan at tinuon ang atensyon sa akin. Pauwi na kasi kami sa condo niya. Napag-usapan kasi naming doon na lang ako tumira para hindi hassle sa akin.
But Benj is serious now. Minsan kasi nakakaba kapag napakaseryoso ni Benjamin. Minsan hindi mo mabasa kung ano ang gusto niya. OhGodOhGodOhGod.
Napakamot naman ako sa ulo. I admit it, lutang talaga ang isip ko. At hindi ako matinong kausap sa mga nangyari kanina. Sa pagkikita namin ulit niya...ni Gideon, sa mga posibilidad na naisip ko, at doon sa pangyayaring naalala ko dati. Masakit pa rin siya hanggang ngayon. Minsan kasi akala natin maayos na...pero deep inside...tinatago mo lang, nagbabalat kayo ka lang. Damn. "Bakit?" I frowned a little. He is too concern to me. I know.
"Hindi ka pa hata okay e." Ngumuso siya ng kaunti. God. Nagpapacute na naman ito. Alam ko namang hindi ito 'yung sinasabi niya sa akin.
"Ang drama." Tumingin ako ng diretso sa daan. Gusto kong umarte ng normal sa kanya. Yung normal, tinatago iyong pain na nararamdaman ko. Pero all I know is Benj always wants me to smile. So I smile. "A-aaray!" Kinurot na naman niya ang pisngi ko. Grabe talaga 'tong si Benj.
"You look really thin, Alysson Jane. Tama nga lang ang desisyon ko na sa condo ko na lang ikaw tumira. Bubusugin kita...ng pagmamahal..." Napatingin ako sa kanya. Medyo kumunot ang noo ko. "...sa pagkain." Ginalaw pa niya ang mga kilay niya. Napakaharot talaga!
"Opo sir." And we laughed. I laugh like I don't have any ache to my heart like I'm okay but not.
Pagkatapos ay pinaandar na ni Benj ang kotse. Hanggang sa makarating kami ng condo niya. Medyo kalakihan ang unit ni Benj para sa kanya. Ginala ko ang mga mata ko sa unit niya. It is black and white theme. Pang sa kanya talaga ang unit na 'to.
May isang kwarto lang ito.
"Sa couch na lang ako, AJ." Ito talagang si Benj. Ako pa talaga a.
Parang ang unfair sa kanya. Siya may ari ng unit pero ako ang nasa kwarto? "Hindi...okay lang. Ako na lang dun." Winagayway ko pa ang kamay ko para talagang malaman niya na disagree-ing disagree ako sa sinasabi niya.
He made a face. Gosh. "Alysson Jane! Umo-o ka na lang." Aba't parang tumatayong tatay na 'to si Benjamin. Hay naku, I missed my dad. Kamusta na kaya sila ni mommy? "What Alysson Jane!"
Napawala ako sa pag-iisip. Ito namang si Benjamin Salazar talagang yun ang tawag sa akin. "Opo, Benjamin Salazar." Napangisi ako. Ayaw kasi ni Benj na tinatawag siya na Benjamin. He finds it too old for him. Bahala siya.
"Shit, Aly! That's too old." Napahalakhak na ako. Ewan ko ba dito kay Benjamin kung bakit ayaw sa pangalan niya. Ang lalaki kaya nung pangalan niya. Astig.
"Benjamin! Benjamin! BENJAMIN SALAZAR IS HIS NAME. DUB DUB DUB." I am chanting with joy. Lagi kasing asar si Benj kapag ganito. Epic ang mukha niya.
"One..." Napikon na! Lagot ka Aly. Pero humalakhak lang ako at pinagpatuloy ang pang-aasar.
"BENJAMIN!"
"Two... Isa AJ!" His lips pressed into hard line. Patay!
"BENJ—" Napatakbo na ako. Syet, Benj! Huwag maharot. Hinahabol naman ako nitong si Benj. Grabe talaga 'tong lalaking 'to. "Ahhh! Benj! Put me down." Nahuli niya ako at binuhat na parang sako. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Urgh!
"Benjamin pala." He put me down on the couch. At inumpisahang kilitin at kurutin ang pisngi ko. At pinipisil niya talaga ang ilong ko. Grabe talaga 'tong si Benj! Lagi akong torture sa kanya.
"Ahh...tama na...grabeee!" Hindi pa rin siya tumitigil sa pagkiliti sa akin. Mababatukan ko na talaga 'tong si Benj. Hinahawin niya ang kamay ko at patuloy parin akong kinikiliti. Damn, Benjamin Salazar! Ang harot harot!
Hindi nagsasalita si Benj at patuloy lang siya sa ginagawa niya. Ang dami pa naming aayusin pero ito ang inuna niya. Arggh! Nakatitig lang si Benj sa akin habang ginagawa niya ang kalokohan sa akin. Namumula na ang pinsgi ko sa kurot niya at pisil niya sa ilong ko! Yung kiliti naman, parang hindi na ako makahinga kakatawa.
Sana ganito na lang. Masaya.
"Benj..stoop!" Hahawakan ko na sana ang kamay niya pero naunahan niya ako. Parang ang seryoso ng mga mata niya at titig na titig lang siya sa akin.
"I can live my life with you, AJ. Stay..."
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)
ChickLitPinili ni Aly na sundin ang desisyon ng iba para sa ikabubuti ng taong mahal niya. Hindi man niya gustong iwan 'to, hindi naman niya kayang makita 'tong nasasaktan. May kutob siya kung sino ang gumawa nito kaya lalong nag-igting ang kagustuhan niyan...