Kabanata 12

60.6K 785 13
                                    

Kabanata 12

I like you

Kinausap ko ang mga magulang niya pagkatapos ng pangyayari. "Sorry po..." Hindi ako makatingin sa kanila. Guilt is running to my system. Kung sana sinabi ko na nung una pa...sana hindi sila magagalit ng ganito sa akin—sa amin.

"I'm sorry too, Alysson." Doon ako napatingin kay tita. "People can have these things like money, fame and whatever it is...pero ang ayaw ko lang masaktan ang mga anak ko. I don't want to lose them...Azel or Harry. Ayoko ko silang mawala sa amin." And tears are streaming down at Gideon's mom face. It is me again. Ako na naman ang may kasalanan nito.

Maybe the best decision I can do...is to leave then. Masakit kapag naiisip ko yun. Pero wala na, nakalimutan na niya ako. Wala na...maybe ito na rin ang binigay ng Diyos para sa akin. Ito pala 'yung pain, damang dama ko na siya ngayon. Masakit. Sobra. Parang ang hirap huminga.

Napakagat ako ng labi kasi kahit anong oras tutulo na yung mga luha ko. "Alysson, please. Leave him alone." Napaawang na ang bibig ko at hindi man lang makabuo ng kahit anong sasabihin. I thought I'm losing air to breathe right now. This made me dumb. Na hindi ako makaramdaman ng kahit ano. Bakit sobrang sakit kapag si tita yung nagsabi? Ito rin naman ang naiisip ko pero ang sakit. Ang sakit.

I swallowed hard. "Yes, tita. Sorry po talaga. Sa lahat." Napalunok pa ako at napayuko na ng ulo. Naramdaman ko na lang ang mga luha ko na tuloy tuloy ang pag-agos. Parang pinapatay ko na ang sarili ko sa sinasabi ko. Gideon is my air. But I'm lost and...dying without him.

"Thank you." Tita said. Tita holds my hand. "And sorry Alysson, you're really kind and beautiful but I don't want you to be hurt like this, kayong dalawa. Siguro ito na rin naman yun magandang paraan at desisyon pwede nating gawin. I know everything anak, Karl told me. Huwag na siguro natin ipagpilitan kung ayaw naman talaga. They will just ruin everything...sa inyong dalawa ni Azel. Maybe you're not destined to each other. Sorry." Pakiramdam ko ang manhid manhid ko. Siguro nga...we're not. Siguro nga may makikilala pa kaming tao para sa aming dalawa. Siguro nga.

"Siguro nga po tita. Ganun nga talaga ata." Tumingin na ako kay tita kahit alam kong walang tigil iyong luha ko. Ngumiti ako kahit masakit. Niyakap ako ni tita ng napakahigpit. Pagkatapos ay tumingin saglit mula sa glass window ng room ni Gideon.

Ito na ang huli, Gideon. Ito na.

Nang makalabas ako ng hospital, sabay ang pagpatak ng napakalakas ng ulan. Sumasabay din yun luha ko sa pagtulo. Wala na ring tao sa labas ng hospital dahil gabi na. Tumungo ako malapit sa sea side at umupo isa sa mga bench dun. Damang dama ko ang ulan sa katawan ko. Kala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganitong bagay...nangyayari rin pala ito. Simula ngayon wala na akong makikitang Gideon. Wala na. Back to zero.

Kakayanin ko kaya?

Tumingala ako sa langit at pinikit ang mga mata ko. Ang manhid manhid ko, para wala akong nararamdamang mga patak ng ulan sa mukha ko.

Lord, I know you have plans. You have the right plans for us. Kayo na pong bahala.

And then I don't feel any drops on my body. Everything went black.

 

Nagising ako sa tumatamang sinag ng araw sa mukha ko. Ang init. Parang init ng katawan ko. Pero kahit ganun ay tumayo. I looked around. Paano ako nakapunta sa bahay namin? God. Paano?

Nagmadali akong bumaba at naabutan ko sila mommy and daddy na kausap...ang magulang ni Nick. Pati si Nick ay nandun din. Nag-init ang katawan ko sa inis ng makita siya.

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon