Kabanata 14

58.3K 847 38
                                    

Kabanata 14

Like a couple

Napakaganda ni Nathalie sa wedding dress niya. Simple but too elegant. Bagay na bagay sa kanya yung gown para siyang reyna sa kaputian idagdag mo pa yung puti ng damit. Damn, ang ganda talaga ni Ms. Nathalie. Perfect talaga sila ni Harry. Lagi akong nasa tabi ni Benj kung may gusto siya pose na babaguhin. Gusto kasi nito na galing perfect ang nakikita niyang pose nung dalawa.

Kinuhanan yung unang shot na magkarap si Harry at si Nathalie. Napapangiti ako sa pose nila. Talagang inlove na inlove sila sa isa't isa. Paano kaya nabuo ang love story ng dalawang ito? Naisip ko bigla si bes.

"Nats, move forward." Sabi ng boss. Si Benj. Hindi mo kasi makakausap ng maayos si Benj kapag ganito siya. Serious mode at all. At gusto niya perfect ang mga shots niya.

Tinititigan ko lang 'yung dalawang couple ng may kumalabit sa akin. "Iha." Napaharap ako sa kumalabit sa akin. Bigla akong napalunok.

"T-tita....uh." Napalunok ulit ako. God, bigla akong kinabahan. Tinabihan niya ako sa gilid.

"How are you?" I saw a smile on her face.

Tumingin ako kay tita pagkatapos ay ngumiti. "Maayos po." Nawala bigla ang kaba ko sa ngiti niya.

"You're still beautiful, Alysson but you're thin honey." I saw her sincerity at me. Pumayat ba talaga ako?! Yung mapayat na mapayat. Yung ting ting na ba ako?

I let a soft laugh. "Medyo busy siguro po sa trabaho kaya ganito po." Tumango lang si tita pagkatapos ay tinitigan si...si Gideon. Hindi ko alam pero napatitig din ako sa kanya. Ganun pa rin siya, malakas ang appeal. Gwapo. Sexy. Lahat nasa kanya na para sa akin.

"He's okay now. And I'm so happy." I know. Maayos na siya. At wala ng pinoproblema. "I thought he was not going to be okay after the accident. But look at him now. He's healthy, physically and emotionally." Yes, indeed.

"Is Benjamin your boyfriend?" Napalaki ang mga mata ko. Winagayway ko pa ang mga kamay ko.

"Hindi po. Hindi po. Boss ko po" Siya pa rin. At naniniwala pa rin ako. Kahit imposible na yung sa amin. Kahit hindi na pwede...para sa akin pwede pa rin.

Napatawa si tita sa akin sa sobrang defensive ko. "See. " Tumango ako at ngumiti. Nagdiretso siya sa asawa niya. Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos nun.

Talaga bang iniisip nila na may something sa amin nitong si Benjamin?! Aba't!

"Smile!" Bigla akong nasilaw sa flash ng camera. God, Benjamin.

"Benj!" I glared at him.

"Nakabusangot ka na naman kasi. Tignan mo mukha kang ewan dito." At humalakhak ang lalaki.

"Ang sama."Hinampas ko sa braso. Grabe talaga tong si Benj mang-asar. Hmp.

"Smile." Tumabi siya sa akin. Dinikit ang pisngi sa aking pisngi. And he clicked it. God. Benj, hindi ako ready. "Hindi makuha nung dalawa yung gusto ko. Kaya nagbreak muna ko." Medyo sumimangot si Benj. Aw.

"Ano ba yung gusto mo?"

"Ganito." Benj pulled me closer to him. Nose to nose. Forehead to forehead. And he's smiling. Damn, Benj. Napakapit ako sa balikat niya na nakatingkayad. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napabukas ang bibig ko. Grabe, nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. "Like this, AJ." Ramdam na ramdam ko yung hininga ni Benj sa akin. Yung tibok ng puso niya kasing bilis din nung akin.

"BRAVO! SALAZAR! BRAVO! GANYAN BA? BRAVO!" Bigla akong napakalas kay Benj. Napaayos ako ng tayo at nakayukong humarap sa kanila. This is embarrassing. I'm blushing. God. "You guys looked perfect in that moment. I envy you." Napaayos ako at napalaki ng mga mata sa sinabi ni Nathalie.

"Hindi Nathalie." Bakit ba kailangang magpaliwanag na lang ako parati? Pero si Nathalie, ngumisi lang siya at humarap kay Harry. Harry's brows creased at me. Parang may sinasabi siya sa akin na hindi ko maintindihan. And secretly smirked at me.

"Benj, I don't really get it. Can my brother and Aly demonstrate what we should do?" GOD! HARRY!  "Coz Azel can really do it." Pasikretong kumindat sa akin si Harry. Damn, kuyaa! "Di ba bro?" Naglakad sa pwesto namin si Gideon. Kasabay ng paglakad niya ang pagkawala ng puso ko sa dibdib ko. God. Wag na kaya.

"Si...Nathalie...na lang." nanginginig kong sabi.

"Babe...you want them to demo? I want Aly and Azel for it. " Parang bang hindi nakasagot si Nathalie sa sinabi ni Harry at tumango na lang siya. Damn, kuya.

"Alright! Move AJ." Ito namang si Benj pumayag naman agad! God. "Move, Azel."  Tumumgo kami sa pwesto kung saan nagaganap yung shoot. Nanginginig ang tuhod kong habang papalapit dun sa pwesto.

"You can do it, baby." I felt a hand on my shoulder. I glared at kuya Harry kaya inalis niya yung kamay niya sa akin.

"Pwesto. Like this Azel." Dinemo muna ni Benj sa akin. Mas naramdaman ko yung higpit ng hawak niya sa akin. Napakapit ako sa balikat niya. Ramdam ko ang hininga niya sa akin "This." Just an inch and his lips are on mine.

"Alright!" Gideon finally said. Lalong nanginig ang katauhan ko sa pagkakasabi niya nun. Kinalas na ni Benj ang hawak sa akin at pinalitan ito ni Gideon. God. Can't breathe. Unti unti niya akong nilapit sa kanya at parang akong timang na hindi makakilos sa hawak niya. I felt his hands on my waist. Dahilan nito na napakapit ang mga kamay ko sa batok niya. Mali dapat sa balikat pero parang may sariling buhay ang mga kamay ko at dun napahawak.

"Look at each other." Hindi ko alam kung sino ang nagsabi nun. Napasunod ako. Tumitig ako sa mata niya. At nalunod na naman ako sa titig niya sa akin. Napahigpit ang hawak niya dahil nanghihina talaga ako sa kanya. "Now, forehead to forehead." Hindi na talaga ako makahinga. Nanginginig na ang mga kamay ko sa batok niya.

"AJ! Move." Napasinghap ako sa sigaw na iyon. At sinunod ko naman. I felt his forehead on mine. Gideon. Gideon. Gideon, please remember me.  My subconscious said.

I feel like this is the eternity when he's beside me. Para bang napakatagal na naming sa pwesto na ito and all. Sana manatili na lang ganito. Hindi ko namalayang napapikit ako. At pinakinggan ko na lang ang tibok ng puso niya. Sana ako pa rin. Sana Gideon.

Then I heard a click.

"Perfect. Now open your eyes, both of you. And smile like you are couple." God. Benj. We were. Dati.

Pumikit din si Gideon?

And smile like you are couple.

I did. I smiled like he's my man. Like he's my forever. Ganun din ang ginawa ni Gideon. Katulad ng ngiting binibigay niya sa akin dati. Nalulusaw ako. Nawawalan ng hangin. Hindi makahinga.

"Perfect! Oh my God. Perfect!" Nathalie screamed.

Then another clicked.

At kumalas ng hawak sa akin si Gideon. Pumunta agad ako sa pwesto ni Benj. God. Nadala ako. Nadala na naman niya ako. Hanggang ngayon ang hirap hulihin ng hininga ko. Hanggang ngayon ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko. God.

"Nice one, AJ." Yinakap ako ni Benj. "I liked that. Gusto ko ganun si Nats." Kinalas na ni Benj ang yakap sa akin at inakbayan ako. May sinabi pa siyang kung ano pero hindi ko na alam kung ano yun.

At hindi ko rin alam kung namamalikmata ako kung kumunot ba talaga ang noo ni Gideon o hindi.


U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon