Kabanata 37

53.1K 806 27
                                    


Kabanata 37

What?!

Gabi na pero hindi pa rin umuuwi si Gideon dito sa bahay. Hinintay ko siya pero hindi ko na nakayanan yung antok kaya dumiretso na akong kwarto. Pagkarating ko ay humiga na agad ako sa kama. Hinintay ko pa siya ng isang oras, pero wala pa rin. Nasaan na kaya iyon? Dahil sa pag-iisip ko hindi ko namalayan na unti unti ng napipikit iyong mata ko.

"Bes!!!" Nagising ako ng may umaalog sa akin. Napatayo ako bigla sa sobrang gulat. Si Nica pala. Makaalog naman kasi!

"Bakit?!" Kinusot ko iyong mata ko. Tumingin ako sa gilid para tignan kung nandyan bas i Gideon pero wala siya. Umuwi kaya siya?

"May problema?!" Inalog alog niya ako at hinila paalis sa kama. Oh my God. Makatulak naman kasi itong si Nica para naman kasing gumuho na at katapusan na ng mundo kung makakaladkad sa akin.

"Teka! Bes..si Gideon!" Inalis ko iyong kamay niya sa akin. Inayos iyong sarili ko at tinignan iyong bahay. Nilibot ko ang tingin ko pero wala si Gideon. Kahit saan sulok ng bahay. Nasaan naman kasi iyon?

Napaharap sa akin si Nica. Medyo may ewan sa mata niya na something na nangyari na masama. Oh Gosh, no. Not now. "Yun nga yung problema!" Bumagsak yung balikat niya pagkasabi niya nun. Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Damn no!

Nangatog bigla ang katawan ko sa sinabi niya. Nanuyut ang lalamunan ko at hindi ko alam yung sasabihin ko. No. Bakit ngayon pa? Kung kailan maayos na ang lahat para sa amin tapos nangyari pa ito! Oh God.

Panginoon ikaw na po ang bahala. Pinagkakatiwalaan ko po kayo.

"Tara na!" Hinila  na ulit ako ni Nica. Halos hindi ko na naramdaman iyong paa ko sa pagbaba sa hagdan sa sobrang bilis ng pagkakatakbo namin ni Nica. Nakita ko si manang sa kusina pero hindi niya kami napansin. God, sobra na akong kinakabahan sa nangyari.

Ano ba kasing nangyari sa kanya? Please. Please. He's okay.

Binuksan ni Nica yung pinto ng kotse at tinulak na ako papasok. Sinuot ko agad iyong seatbelt. Pumasok na rin si Nica sa kotse at agad inistart ang engine. Wow, hindi ko alam na sanay na palang magmaneho itong si bes.

"Bes, ano ba kasing nangyari?!" Naramdaman kong nag-iinit iyong gilid ng mata ko sa nagbabadyang pagpatak ng mga luha ko. Hindi na natigil iyong pagnginig ng katawan ko sa mga naiisip kong posibilidad na nangyari.

Napahinto iyong kotse dahil sa red light. Humarap si Nica sa akin...na ang mga mata ay sobra sa kalungkutan. Damn, no. Please no. "Hindi ko alam bes."  Umiling iling siya. Napahawak na ako ng bibig at naramdaman ko na lang iyong luha ko sa pisngi ko.

Nangatog ang labi ko. Ayoko nito! "No..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Naguguluhan ako. Natatakot na naman. Wala akong alam kung anong nangyari sa kanya. Sana pala sumama na ako kahapon sa kanya. Sana pala hindi na ako tumanggi.

Hindi umiimik si Nica at nakafocus lang ang direksyon niya sa daan. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. I don't have enough energy to say something. Kasi kapag nagtatanong ako...bumibigat lang iyong pakiramdam ko kasi wala naman akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Wala rin siyang sagot sa katanungan ko.

Napatungo na lang ako sa isang direksyon. Napatulala. At tuloy tuloy iyong agos ng luha ko sa pisngi. Hindi na ba titigil iyong ganitong problema sa akin? Wala na bang katapusan talaga ito.

Para akong pinapatay ng nararamdaman kong kaba at takot. Wala akong alam kung anong nangyari sa kanya. Kung ano na ang katayuan ni Gideon ngayon? Ayos lang ba siya? Basta ang alam ni Nica may problema at tungkol iyon kay Gideon.

No.

Please not him.

Hindi ko na kaya.

Inabot ng dalawang oras bago kami nakarating sa paroroonan namin. Bayan ito nila Nica, San Mateo. Agad akong bumaba para makita agad siya. "Saan?" Pinunasan ko iyong luha ko kasi medyo lumalabot iyong paningin ko.

Bumalot sa akin iyong lamig ng hangin kahit sikat na sikat iyong araw. Hindi ako napapaso ng init dahil mas may nangingibabaw na sakit ang nararamdaman ko.

"Hindi ko...alam...bes. Sabi ni Karl dito." Napakagat ng labi si bes sa sinabi niya. Kinuha niya iyong phone niya at sinubukang tawagan si Karl. Hindi niya macontact si Karl kaya ako na ang naghanap.

Damn, nasaan na ba iyon.

"Bes! Wait!" Hinabol ako ni Nica. Humangin ng malakas ang nilipad iyong palda ko. Nakadress pa naman ako kaya hawak hawak ko iyong palda ko habang naglalakad.

"San ba kasi Veronica?!" Naiirita na ako. Naiiyak na naman. Ayoko na kasi ng ganito. Tama naman o!

"Hindi ko kasi...alam!"

"Shit naman!" Napatalon si Nica sa sagot ko. Nakakainis naman. Naglakad pa kami at wala kaming nakitang kahit isang tao sa labas. As in wala, nakakapagtaka! Binilisan ko pa ang lakad ko at tinalasan iyong paningin ko kung may nangyari ba.

Hinanap ng mata ko si Gideon. Wala. Wala siya.

Damn! Nakakainis na talaga!

Halos tumakbo na ako at sobrang hingal na kakahanap kung saan iyong problemang sinasabi ni Nica. Hindi na nga ako makahinga kakasinghot talaga tulo na rin ng tulo iyong luha ko.

"Damn it!" Nagpapadyak na ako sa buhangin ng makita kong dead end na at isang malawak na lupa na lang ang mayroon. Napaupo ako sa buhangin na parang bata.

Na saan na kasi?!

"Bes! Tumayo ka na..." Hinila ni Nica iyong braso ko pero nawalan na talaga ako ng lakas para tumayo mag-isa. Napatingin ako sa dagat. Napatulala na naman. Bakit kasi kapag naayos nagugulo na naman? Pwede bang mag-istay kahit isang araw iyong saya?! Damn it.

"Ano ba kasi 'to?!" Napayuko ako.  I am sobbing hard. Hindi ko na alam iyong gagawin ko sa buhay ko. Wala ng katapusan iyong luha ko. Ayoko naman kasi ng ganito!

But one voice captures me. "Baby..." Napaharap agad ako sa nagsalita. Tumayo agad ako. At tumakbo na agad sa kanya. Oh my God! Si Gideon. Si Gideon. Maayos siya. I throw myself on him when I got there in his place. Nabitawan niya iyong hawak niya. At sinalo niya ako.

"Happy Birthday." What?!

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon